Friday, December 29, 2006
Dec 24: Nagluto ako ng Fetuccini Carbonara at ng Asparagus wrapped in bacon... =P Pero sa totoo, utos lang ako ng utos sa aking butihing ina. Medyo naging matapang ang Carbonara sauce noong simula pero pinagpilitan ng nanay ko na lagyan ng mais kaya biglang boom! umayos na. Sa susunod siguro dapat bawasan ko ang nilagay kong keso at gumamit na ng cream kasi naging masyadong matubig ang sauce.
Dec 25: Pasko! Maaga kami gumising para makauwi kami kaagad sa Bulacan. Hindi naging matino ang Pasko ko kasi natulog lang ako buong araw. Gumising lang ako para kumain at laruin ang aking inaanak at magbasa ng Hyman(oo, nag-aral ako noong Pasko). Sinulat ko na rin ang rough outline ng aking short story para sa PI. Nag-rent ng videoke ang aking pamilya at mamatay-matay ako sa ingay nila. Wala talagang marunong kumanta sa aming angkan.
Dec 26: Nasa Bulacan pa rin kami. Naglaro ng PS2 at nag-aral. Kaarawan ng isa kong pinsan at isa kong pamangkin. Walang party pero may pagkain na naman. Umuwi kami ng bandang hapon.
Dec 27: Namasyal kami ng aking mga kaibigan sa MoA. Balak ko sana tatlo lang kami tapos biglang naging labing-isa. Nanlibre ako ng panonood ng sine. Zsa Zsa Zaturnnah Ze Movie(ugh... Zusammen at Entgegen isomers...). Maayos naman ang pelikula, pero mas maganda siguro basahin ang comi... uh... graphic novel at panoorin ito sa teatro. Mas macho pa si Rustom kaysa sa kay Alfred Vargas. Ang ganda ng mga song and dance parts ng movie. Medyo hindi klaro ang romantic angle ng pelikula, sa mga conservatives, don't worry walang kissing scene... teka... meron pala... sa noo. Ang corny talaga, parang lolo sa apo. Hehehe... Kailangan maging mababaw ng kaunti para ma-appreciate ang pelikula. Favorite monster: Giant Frog. Ang oti nila dahil hindi nila sinusunod ang batas ng kalikasan lalo na ang sa Pisika. Bakit hindi nasisira ang lupa kapag bumagsak ang isang bagay na mabigat at mabilis? Sayang at hindi kami nakapanood ng pangalawang pelikula dahil kulang sa oras, bawal kasi gabihin ang ilan sa amin. Dumaan ako sa UPM-CAS ng pauwi na ako para kumuha ng problem set, hindi ako pinapasok ng gard. Sayang at napagod lang ako.
Dec 28: Kaarawan ko! Hehehe! Sabi sa horoscope ko makakatulong raw ang mga Scorpio at Libra sa akin sa susunod na taon at dapat raw mamamasyal at maglayag raw ako sa May. Hmmm... Nanood ng National Geographic Naked Science at Grey's Anatomy. Nalaman ko kung paano nabuo ang Universe at kung ano ang paniniwala nila tungkol sa end nito. Ang mangyayari pala, mag-e-expand ng mag-e-expand ang universe. Pabilis ng pabilis ang expansion nito hanggang maging isolated ang mga star systems, galaxies, etc. Tapos masisira na ang mga stars, magiging kung anu-ano tulad ng black hole at supernova. Nag-e-expand pa rin ang universe habang nangyayari ito hanggang pati ang pinaka-basic units of matter ay maghihiwalay(protons, neutrons, electrons, etc) at magiging stagnant na ang universe. Binubuo ng mga nagkalat na particles na hindi na nag-iinteract sa isa't isa at wala nang pag-asa pa mag-interact sa isa't-isa at iyon na talaga ang The End. Ang lungkot kaya niyon. Pero sa tingin ko may mali sa theory na iyon, kasi paano naman masisira ang isang nucleus kung walang maraming energy? Pero baka bunga ito ng mabilis na expansion.
Dec 29: Ngayon iyon eh! Balak ko sana tapusin na ang PI short story ko... baka mamayang gabi na lang. Banned na sa Metro Manila ang "Boga" o PVC cannon. Himala ito! Wala nang maingay at mga pesteng batang naglalakad-lakad na buhat ito! Yehey! Yehey! Yehey! Noong nagkasakit kasi ako noong nakaraang taon, bwisit na bwisit ako sa Bugsh na ginagawa ng Boga. Hanggang ngayon naman inis pa rin ako.
Friday, December 22, 2006
Ayos lang naman ang nangyari, kung ikukumpara sa ginawa ko sa Pahinungod, mas madali siya at mas ligtas. Kasi naman, matapos ang una kong duty noon sa ER nagka-sipon ako bigla; sa PCMC, Christmas Program assistant ang naging duty ko kaya ligtas sa sakit.
Anu nga ba ang pinaggagagawa ko? Noong umaga, wala masyado. Nag-gupit lang kami ng mga letters para dun sa stage. Masasabi ko talagang, tumitino na ako sa paggamit ng gunting. Naaalala ko pa noong kinder ako, tapos hindi ako maka-gupit ng maayos kahit papel, pero siguro masisisi ko iyong mga pangit na gunting na mapurol o kaya naman eh may balot pang plastic. Oo nga pala, dumating din si Gelain so tatlo na kami na magkakakilala(may other volunteers rin). Tapos noon nag-lunch kami sa Napocor, nakita pa namin daddy ni Madie.
Noong hapon naman naging utusan na kami talaga. Akyat-baba kami ng hagdan(1st to 2nd flr lang naman) para magbaba ng gamit. Ang gulo-gulo nga eh, parang windang pati iyong project manager. Basta, nagbaba na lang kami ng gamit. Matapos mababa ang mga prizes(may isang Charmander doll na gusto ko sanang dekwatin ang kyut kasi...) at kung anu-ano pang mga kagamitan, dinikit na namin ang mga letters sa stage. Medyo nagtagal kami kasi hindi namin matanto kung paano ilalagay, walang instructions kaya ginamit na lang nila Madie at Gelain ang kanilang creative minds para malagay ang letters. Tumulong naman ako, taga-dikit at taga-punit ng tape. Ang galing nga kasi, pagkatapos na pagkatapos namin maisaayos iyon pinababa na kami at nagsimula na ang program.
Kala ko pahinga na kami matapos ang program pero hindi pala. Unang sabak namin ay noong nag-game. Buti na lang at 4 yrs old lang and below ang mga bata kasi kung mas matanda pa baka mapamura ako doon(medyo fresh pa ang memories ko sa Hospicio). Ang laro, pass the ball, kapag huminto ang kanta at nasa bata ang bola, out na siya pero eto ah... may prize pa rin! Ang saya noh? Nakakatawa kasi parang hindi naiintindihan ng iba iyong instructions, siguro kasi 4 and below nga naman. Ano ang parte namin? Eh di, taga-pasa at taga-bantay. Pasa kapag nahihinto, bantay kasi iyong ibang bata hinahagis iyong bola o kaya naman lumalayo at baka mahulog sa stage. Nakakatawa nga kasi, iyong part ni Gelain ng bilog, iyong mga bata doon hindi marunong. Hinuhulog nila ang bola, tapos kapag pinulot na ni Gelain at binigay, mag-sto-stop ang music so out na iyong bata. Hehehehe... Proud naman ako kasi nasa top3 ang isa sa mga "binantayan" ko at tutal kasi isa siya sa mga nakakaintindi ng ginagawa nila.
Matapos iyon, may mga mascot naman. So, tayuan lahat ng bata at nag-akyatan sa stage. Pinatawag na naman kami at taga-pigil kami. Hehehe... parang mga marshalls noong oblation run... tsk tsk. At dahil puro "excitement" na ang sumunod, hindi na kami umalis sa gilid ng stage. Dumating pa nga si Iya(vj ng myx, host sa wowowee, promoter ng acsat, iyong parang bola/apple/puso iyong ulo) at kumanta(never mind). Syempre, piktyuran na ito, kaya lang mababa ang resolution ng cam ko sa phone kaya ayun.
Isa pang highlight ay noong dumating ang isang pharmaceutical company, para sa mga bata may mascot sa matatanda, may libreng Vit. C! Grabe! Mga pinoy talaga kapag libre pinag-piye-piyestahan! Wala pang 10 secs ubos ang isang karton ng mga bote ng vit C at naging mukhang harassed iyong tagabigay. Tungkol sa mascot, matapos nito magsayaw ay umalis na ito. Nagtanong ang isang bata sa akin, "Kuya, masakit ba ang ulo ni
Mamaya-maya bigla akong tinawag. Parte na raw ako ng caroling! Kumusta naman! Pero sa totoo hindi lang ako ang nagulat, si Madie at Gelain rin. Kasi ang balak nila hanggang 5 lang sila, tapos baka gabihin pa tuloy sila. Pero dahil ako'y nagkukunwari lamang, tumakas na ako. Naisip ko lang, pakiramdam ng PCMC isang hukbo ang dami ng kanilang volunteer at wala itong mga sariling mga balak.
UPDATE: Nag-text si Madie sa akin noong dec. 25, may chocolate raw ako mula sa PCMC. Wow! Biruin mo, isang beses lang ako pumunta tapos may chocolate ako.
Tuesday, December 19, 2006
Saturday, December 16, 2006
Ganito kasi yan. Nasa UPD ako kahapon para umatend sana ng practice namin para sa gagawin mamaya. 11 ang usapan, bawal raw ma-late dahil iiwan ang mga iyon, madali naman ako. Tapos pagdating ko sa meeting place(tambayan ng Kisay batch '05) wala pa pala, ma-la-late rin raw si Jeanine(ang may pakana ng lahat at ang debutante). Nandoon pa lang si JC, si Xy and assorted batchmates.
So, mag-aantay pa ako tapos may rally pa sa AS lobby, may media pa(pero di ko alam kung OR o itong rally ang ipinunta nila). Iyong speakers nakatapat sa amin so iyong kaliwa kong tenga madudurog na. OA naman kasi, dalawang mic ang gamit ng mga nagsasalita tapos pasigaw pa! Pero siguro para na rin matalo ang pinagtipon-tipong daldal ng mga tao sa lobby. Tungkol saan ang rally? Syempre sa Tuition Fee Increase(TOFI o TFI o TI bala ka kung ano ang gusto mo).
Nag-text si Jeanine, 1130 raw siya darating. Mamaya-maya 1130 na, ala pang G9! Mamaya-maya may mga marshalls na na dumating, pinapaurong kami at pina-pa-clear iyong steps, doon raw daraan ang OR. (OMG! OMG! Pano pag nakuhanan ako ng camera at nakita ako sa TV! Yak! As if! Joke lang! Ano naman ang pake ko sa mga nakahubad na iyon!) Ayan! Maya-maya dumaan na! Sigawan! Piktyuran! Bidyuhan! Sabi ni JC, para raw na-de-demonyo ang mga tao habang dumadaan sa harap nila ang OR participants, uhmm... ewan ko kung totoo iyon. Isa pa pala, onti lang ata ang outsiders(may mga turistang Koreano) ngayong taon o baka wala kasi nag-implement ang AS ng bagong rule: No ID, No Entry. Pero hindi sila ganoon ka-strict kasi iisa lang ata sa mga pasukan ng AS ang binabantayan.
Comment sa OR? Uhmm... ewan. Ayun. Tumakbo sila. Sana nga lang iyong pinatatakbo nila mga physically fit. Kasi parang after ng ilang metro napagod na ang iba at naging Oblation Walk na lang. Talo pa sila ng mga media na sumusunod sa kanila, partida na nga kasi may buhat ang mga iyon na equipment, iyong participants roses lang! Sa size? Uh... eto na lang ang sasabihin ko, length doesn't matter kasi ang g-spot ng kababaihan(ng lalake rin siguro, di ko sure) ay ~1.5inches lang mula sa opening. Kaya ayun... iyon nga lang baka di kasya sa condom(may research na raw tungkol dito).
Ano ba ito?! Any who, iyong napanood ko ang OR, umalis na ang mga tao. Ang iba nagpunta sa Quezon Hall para mag-barikada, iyong iba umuwi, iyong iba nagpunta na sa dapat nilang puntahan. Natuloy nga pala ang Lantern Parade, pinagpilitan kasi ata ng mga FA at ano nga naman ang karapatan ng UP Admin na ipagbawal ang pagsasagawa nito matapos ito paghandaan ng mga tao ng ilang buwan.
Ayun... Xmas break na. Dalawang linggo, isa para sa studies at isa para sa pamamahinga.
Saturday, December 02, 2006
Noong Huwebes, dahil nga walang pasok, nanood kami ng Inang Yaya at oo, mala-review na naman itong post na ito. Ang galing talaga ng Unitel! Simple lang ang kwento at walang eklat-eklat sa paraan ng pagkwe-kwento. Ang ganda ng mga kuha(cinematography). Ano pa ba? Uh... mahusay iyong mga gumanap. Ano ba yan? Ang generic! Sige...
Ang lakas ng pelikulang ito ay makikita sa tauhang si Ruby. Maganda naman ang main story. Maayos ang pagkakalantad, wala naman parteng aantukin ka(may nakita nga lang akong natutulog pero matanda na siya baka ganun lang talaga siya) at mapapaluha ka nga. Pero ang nagpaluha sa akin(oo, naiyak ako. Big deal!) ay iyong eksena ni Ruby at ni Lola Toots(Toooots ayon kay Louise). Kasi, si LT ay galit kay Ruby at may bias dito(anak ng katulong...mababang uri...blah blah blah). Isang beses, nahuli ni LT na pinanonood ni Ruby siyang matulog(kasi ka-o-opera lang sa kanya). Galit nitong sinunggaban ni LT at tinanong kung bakit siya pinanonood. Sagot ni Ruby na tinignan niya raw kung buhay pa siya kasi ang kanyang tunay na lola akala niya natutulog lang tapos hindi na pala. Puro at malinis na pag-ibig! Ah! P*ta! Siguro, malalapit ang mga eksenang ganito dahil sa aking butihing lola na napili gumising sa panaginip na ito habang katabi ko siya.
May magandang tanong ang pelikula, sino ang ililigtas mo kapag papalubog ang barko, ang iyong ampon o ang iyong tunay na anak? Tandaan na parehas mo silang minamahal at pinalaki mula nang sila ay sanggol pa lamang. Malamang marami sa atin sasabihin na, syempre ang tunay kong anak! Duh! Mas makapal ang dugo kaysa sa tubig noh! Pero maganda ang sagot ni Norma(Marical Soriano), sabi niya na gagawin niya ang lahat para lang mailigtas silang dalawa. Pag-ibig! Ah! P*ta! Tao nga rin naman iyang ampon mo! Mahal mo nga rin naman siya! Bakit ka mamimili, dapat nga ay gawin mo ang lahat na iligtas sila parehas.
Magulo ba? Panoorin mo na kasi! Ops! Sa sinehan ah! Wag pirata!
Friday, November 24, 2006
Saturday, November 18, 2006
Nawala ata ako, ayun... nakakatuwa iyong pelikula. Kailangan mapanood niyo iyon. Medyo oti at may pagka-theatrical iyong ibang umaarte pero ayos lang. Iyong plot at pagkakakwento ang maganda at nakakapagpanatili ng atensyon ko. At isa pa, makikilala mo kahit papaano si Lino Brocka; hindi ko siya masyado kilala pero napanood ko na iyong ilang pelikula niya at AMAZING talaga. Isang bagay na natuwa ako, sa pelikula may lumabas na karakter pangalang si Kapitan Contra na ginanapan ni Bembol Roco tapos sa pelikulang Orapronobis may tauhang Komander Kontra na si Roco rin ang gumanap. Tapos siniraan pa nila iyong mga pamagat ng mga pelikula ni Brocka, hehehe.
Sa ibang bagay naman, may PTB like symptoms na naman ako at may suspicious object na nakita sa aking x-ray kaya iinom na naman ako ng gamot. Kailan ba ako makakawala sa sakit na ito? Paano ko mabubura ang sakit na ito sa mundo kung ako ay prone na makuha ito? Buhay talaga.
Tapos ang oti ng PI namin, literary aspects raw ni Rizal ang pag-aaralan. Ok. Pwede na rin pero gusto ko rin ng onting historical part, kasi ang daming kontrobersyang nababalot kay Rizal na hindi makikita sa kanyang mga akdang pampanitikan pero siguro kung sa panitikan pa lang baka nga isang semestre lang ang kasya kaya ganoon ang napagdesisyonan ng prof namin. Isa pa, ibabagsak niya raw kami kapag gusto namin historical approach. Tsk tsk tsk, mag-si-sit-in na lang ako sa ibang klase siguro.
Sunday, November 12, 2006
Nasayang lang ang sembreak na ito!
Wala man lang nangyaring kakaiba sa akin(liban sa ilang maliliit na bagay, hehehe...).
Tapos ayaw pa matanggal iyong pulang tira ng dalawa kong pimple sa ILONG! Teka, hindi lang sa ilong eh, sa gitna pa talaga!
Tapos nalaman ko pa ngayon, aabutin ng 6 hanggang 12 na buwan bago mawala iyon ng tuluyan.
Aaaargh!!!
Pero may solusyon, mag-apply ng hydrocortisone. Sana nga lang may naliligaw na ganoon sa bahay namin para hindi na ako bumili. Oo na! Vain na kung vain pero kasi sa ilong eh, buti kung sa ibang lugar.
At hindi ko pa tapos ang Noli, pero natatawa ako sa kopya ko ng Noli, may mga Ingles na salita tulad ng necessary evil, napaisip tuloy ako kung ano talaga ang ginamit ni Rizal. Kaya lang, sabi ng prof namin, kakaibang Tagalog daw ang gamit ni Rizal noon kaya mangarap na lang ako o kaya maghanap ng mas magandang modernong bersyon.
Para matuwa tayo sa ating buhay, tignan na lang natin ang mga larawan ng aming asong si Barbie(di ako ang nagpangalan niyan noh!)
Saturday, November 11, 2006
Ayun... pasukan na. Kakapanood ko lang pala ng Alice ni Woody Allen sa Lifestyle. Ang kulet! Hehehehe...
Thursday, November 09, 2006
Friday, November 03, 2006
Kasi naman, nag-pra-praktis kami para sa sayaw sa debut ni Jan(pics ng debut niya sa Tuesday ko siguro i-po-post), may kasama pang coat and tie at lahat ng ka-pormalan(Kadiri talaga ang shoulder pads). At syempre naglaan rin ako ng panahon para sa pagpunta sa sementeryo at pagbisita sa mga (buhay na) kamag-anak ko sa Bulacan. Nagulat nga ako kasi ngayon ko lang napagtanto na umabot ng 109/110 isa kong kamag-anak, isipin mo yon! Eh di kung hereditary ang life span, mataas ang tsansa na umabot ako sa ganoong edad pero nagka-Alzeimer's at siya o naging senile noong mga ganoong edad pa siya. Isa nga lang nakakatawa kasi kung hindi raw nadulas iyon sa kinauupuan niya, hindi pa siya siguro namatay. Teka! Kanina lang muntik na ako mahulog noong nag-duduyan-duyan ako sa upuan ko. Hala! Dapat mag-ingat!
Kaarawan nga pala ngayon ng aking kaibigang si Duga(Jesse James ang tunay niyang pangalan) at bukas ang kay Jan(Joanne).
Grabe, matatapos na ang aking pagiging second year at junior standing na kami next sem. Hala! Oh no! Pano na ito!
Nagkasunog nga pala malapit sa amin kanina; 19 na bahay ang natupok. Kagabi pa naman nababagabag ako na magkasunog at tinignan ko pa nga kung nakasara mabuti ang gas namin. Coincidence lang ba ang mga ito? Kung reader ka ni J. Zafra, maiisip mo na ito ay isang kaso ng synchronicity(spell check!).
Saturday, October 28, 2006
Ano na ba ang nagawa ko? Umatend ng praktis at training, nalaman ang grade sa bio, nakagawa ng ilan kong dapat gawin, nabasa ang prequel ng WoT "The New Spring" at nakahabol ng onting tulog.
Ano na ang nangyari sa paghahanap ng photoshop? Sa kasalukuyan kasi kulang ako sa pondo at hindi makabili ng pirata kaya ganun.
Sige, magpahinga muna tayong lahat. Malapit na ang Nov 1, oras para balikan at alalahanin ang mga nagising na sa kanilang panaginip.
Thursday, October 19, 2006
Kailangan maging productive ang sem break ko. Kailangan! Ang mga balak ko ay basahin muli ang Noli at Fili, likhain ang 2 bagay na dapat kong likhain, mag-tenis, maghabol sa tulog(sa bulacan ko na lang siguro gagawin iyon), magpataba(as always) at maglaro ng FFXII(na lalabas sa Oct 31). Syempre, aayusin ko rin ang header nito. Opo, wala ako sa ER ngayong sem break. Sa summer na lang kasi may mga bagay na nauna dumating at mas importante(pero importante rin naman ang Pahinungod).
Excited na ako para sa 2nd sem pero gusto ko muna magpahinga at maghabol sa tulog dahil wala ata akong matinong tulog na makukuha next sem(2 days na 7am-7pm classes at iyong 3 malamang para sa paggawa ng assignments).
Tuesday, October 17, 2006
I think I promised to myself never to cram again but here I am, cramming. To tell the truth, I took a nap this afternoon so I would be able to last till tomorrow morning. After this ordeal, I'd probably promise never to cram again and then after 6 months I'd be posting a message about cramming for this certain paper. Okay! Break is over, got to get back to work.
Friday, October 13, 2006
Wednesday, October 04, 2006
Iyong test namin ay ang pangatlo sa apat na tests. Sabi niya, iyon raw ang pinakamahirap. Mahirap, oo pero mas mahirap pa ang chem18 dep. Ang problema, matagal ito sagutan. Kalagitnaan ng test, maiisip mo, kung tumayo na lang kaya ako? Hanapin ang lunas sa HIV-AIDS? Tulungan ang mahihirap imbes na sagutan ito? Pagkatapos mapapatulala ka sa kawalan at biglang mapapansin ang orasan. Teka! 5 ng hapon ako nag-start ah, 8 na pala! Bukod pa doon, mananakit ang daliri mo. Ako nga biglang nagka-kalyo sa daliri. Epekto siguro ng mahigpit na hawak sa bolpen na bunga naman ng inis.
Dahil sa test na ito, pagdating ko sa bahay pakiramdam ko binugbug ako. Gusto ko nang bumagsak sa kama! Hindi naman siya kasing mentally-challenging ng chem 18 pero ang endurance mo naman masusubukan. May lima kasing problems at sa bawat problems may lima pa uling sub-problems. Ang isang sub-problem, kapag complete and systematic ang solution(wag na clean) aabutin ng mga 1/3 ng area ng short bond paper. Tapos mag-dro-drowing ka pa! PI! Sa totoo lang, ilang beses ako napamura ng test na ito at rinig na rinig ng katabi ko iyon.
Tungkol sa guro, may improvement! Binabantayan na niya kami! Dati kasi ibibigay niya iyong test tapos aalis, babalik after 3 hours! Buti na lang mabait kami at hindi kami nag-ko-kopyhan. Kumusta naman mga kaklase ko, pakiramdam ko babarilin ka niyong mga iyon kahit tignan mo lang ang mga likod nila! Bakit biglang nag-bago, si prof? Naisip ng kaklase ko bunga na rin ng biglang talon ng score namin from 1st test(pathetic, 50%mean, 12%SD) papunta sa 2nd(~65%mean, isa lang bumagsak ata). Naisip niya siguro na nagkopyahan nga kami! Please naman! Mabait nga kami!
End na ng formal classes sa tuesday! Yey! Babay prof!
Friday, September 29, 2006
Sa wakas na post ko rin!
Wala na naman kaming pasok bukas! Wala na rin akong natututunan sa Chem 27. Tigil na ako bago mag-power surge ulit.
Sunday, September 24, 2006
Sunday, September 17, 2006
Tumula at tumulala
Tumula at tumulala
Tumula at tumulala
tapos outline para sa paper at sa talumpati.
Toxic na naman.
Bakit ayaw ma-upload iyong pics sa blogger? O baka epal lang talaga iyong internet connection namin. Tapos iyong sayaw pala dapat ko nang tapusin. Tapos iyong costume ko sa Majica-inspired debut(t) ni Gelain.
Kumusta cla-cla? San kang univ/college pupunta after hs? Di ba gusto mo maging neurosurgeon? Debut kahapon ni tal kaya lang ala akong pics. Hehehehe...
Monday, September 11, 2006
Sunday, September 03, 2006
Next week na pala ako pre-hell week tapos HELL week na. Sa pre-hell tambak ng quizzes, reports at kung anu-ano pa sa HELL week lahat na isama mo pa ang tatlong dep tapos siguro after nang lingong iyon ang 3rd test sa chem27 na nararamdaman kong pinaka-BRUTAL sa lahat. Ang saya ng buhay PH!
Friday, September 01, 2006
Tapos ka-karma-hin ka! Hindi ako naniniwala sa destiny pero alam ko na kapag may masama kang ginawa, babalik at balik iyon sa iyon. Maaaring kapareha ng timbang o tatlong beses o pito, pero babalik ito.
Ayan, aral na uli!
Tuesday, August 29, 2006
Monday, August 21, 2006
Pansinin na karamihan sa mga kasuotang ito(buhok kung sa 80's) ay masakit sa mata, sa puso at sa isipan. Lalong-lalo na ang Majica. Majica, isang teleserye kung saan naubos na ang pondo sa pagbabayad pa lamang sa mga artista kaya mga pinagtagpi-tagping mga tela na lang ang mga kasuotan nila. Ok na sanang pinagtagpi-tagpi pero mga neon colors pa talaga ang pinili nila. At least ang Encantadia at Mulawin, maayos-ayos pa ang mga costumes. Nga pala, may susunod na naman na telepantasya, may knights of the zodiac pang nalalaman, pero kung wala si Angel Locsin at Richard/Raymond Guiterrez, maaari ko iyon panoorin. Pero maaatim ko naman siguro magsuot ng Anime inspired na costume, naiisip ko ang Rayearth at Scrapped Princess.
Saturday, August 12, 2006
Sunday, August 06, 2006
Pero dahil sa ka-toxic-an, nakapagtipid ako at nakabili ako ng CD ni Grace Nono. Oo na, may pagka-ewan ang aking choice of music. Syempre uunahin ko na iyong mga gusto ko na di-tipo ng iba. Syempre kung meron na sila, maaari ko na lang hiramin. Problema nawawala ang installer ng speakers ng pc ko, kaya walang tunog maliban sa hummmm... ng CPU.
Nakabalik na pala ako sa kisay, wala pa ring pinagbago. Kisay pa rin. Pumayat nga lang ang Physics teacher namin at may galit ata ang 3rd yr Chem teacher ko sa akin. =p
Syempre, wala na namang title at gagawa pa pala ako ng description ko; kilala ko pa kaya sarili ko noong high school ako?
Friday, July 28, 2006
GC
Saturday, July 22, 2006
Nakaka-kalma pala ang tunog ng hangin na dumadaan sa mga dahon ng mga puno. Pauwi kasi ako kanina mula sa upm kasi nag-test kami, at parang tinangay ako ng hangin. Subukan niyo, bisita sa pinakamalapit na kumpol ng mga puno at hintayin ang ihip ng hangin. Kung hindi dumating, ayos lang, matulog ka na lang sa ilalim noon, baka mapanaginipan mo pa crush mo.
Thursday, July 13, 2006
Just kidding... I do not need a someone. I believe in love and, contrary to some of my existentialist beliefs, believe it will come looking for me not me for it. In the mean time, I drown myself with cheesy, but very good, romantic songs and a little bit of jazz.
Or, maybe, I am not just in the right mood due to the storm and all the sleep I am getting. I need help... I think I am a depressed workaholic.
Wednesday, July 12, 2006
Nagkaroon ng gulo noong nakaraang araw sa aking mundo. May naasar sa akin, may mga taong hindi nagkaintindihan, naranasan ko na namang maging tagapakinig. Pero maayos na naman ata ngayon, bukas ko pa matitiyak. Ang hirap talaga ng buhay kapag may mga gulong ganito ang uri pero ginagawa nitong makulay ang buhay.
Ang galing ng utak ng tao. Pauli-ulit ko itong nabanggit ngayon. Isipin niyo, kaming mga PH students ay mayroon nang dalawang chem book sa aming utak tapos madadagdagan pa ng isa pagkatapos ng sem na ito. Samahan mo pa ng 1-2 na zoology books at 1 physics book. At studyante pa lang kami, paano pa iyong mga guro natin? Tapos hindi lang naman iyon ang laman ng utak namin, syempre may ibang bagay pang nandoon. Ang galing noh?
Balak ko na maksulat ng nobela balang araw pero habang lumalaon kami sa humdades 1 class parang nagbabago ang isip ko. Kasi pakiramdam ko hindi ako makakagawa ng akda na ganoon ang antas ng kagandahan, pagkaayos at pagkamalikhain. Isipin mo, naisip ng manunulat na ang salitang ito ang pinaka-angkop na salita at dahil sa isang salita maiintindihan mo ng lubusan ang akda. Ang kabigatan ng akda ay dinudurog ako. waaah! Pero nandiyan pa naman ang fantasy fiction, ang saya gumawa ng sariling mundo(iba ang creative sa oti).
Monday, July 10, 2006
Nadal is in the final... oh well...
------
Napag-isip-isip na rin ng aming chem lab prof na nahihirapan kami gumawa ng mga lab report, kaya nilipat niya ang deadline. Dati huwebes, 5:00 ng hapon, ngayon biyernes, 5:00 ng hapon na! Pero hindi yata ganito next week.
Nalalapit na ang mga tests, nagsimula na sa biolab kung saan kung anu-anong mga tissue ang mga pinatingin at pinahulaan sa amin. Sa awa ng Diyos, nakapasa ako sa patikim, pero nakasabit lang. Tanga tanga kasi, tissue na nga pinag-aaralan cells pa rin nilalagay. hay...
May cellphone na pala ako, same number pero ibang unit. Nawala ko nga lang iyong mga contacts ko kaya kapag may nag-text huhulaan ko pa kung sino ang nag-send niyon.
Tuesday, July 04, 2006
Yehey! Marami-rami na ang nag-o-audition sa STDc. Gagagawa pa pala ako ng webpage-kuno ng org na ito, ano kaya magandang host... bravenet na lang siguro...
Sunday, July 02, 2006
Sugiyama beats Hingis!
Murray beats Roddick.
Someone beats V.William!
boo nadal boo!
At least Feddy is still in the tournament.
Nadal might have won because of his youth, or because Agassi is just tired. I saw a glimpse of the match and Agassi is just not himself, playing near the baseline, hitting weak ground strokes. oh well... boo nadal boo!
Friday, June 30, 2006
Toxic kami ngayon o pina-pa-toxic ko lang dahil sa STDc. Siguro kung wala akong org ang aga palagi ng uwi, kaya lang hindi masaya ang buhay kung wala akong org.
Sunday, June 25, 2006
Naliligaw
Ano ba ang nangyari noong nakaraang linggo? Ewan. Basta dumaan lang siya. Nasa blah state na naman ako, hindi ko masimulan tuloy ang aking mga takdang aralin. Bakit kaya ganito? Sana may mangyaring masaya bukas para bumalik ako sa masipag na estado. Nakakainis pa dahil kung kailan gusto kong mag-burn ng CD ay biglang nasira si burner. Hindi pa nga namin nagagamit iyon eh! Mukha lang akong ewan, pero ang dami talagang nangyari noong nakaraang linggo. Nag-lab kami, nagkasakit ako, nag-"quiz" kami sa CommIII Fil, humawak ng microscope, nanood ng "The Nun"(basura), may nalaman na bagay na katawa-tawa, nagsayaw, at kung anu-ano pa. Para bang gustong mag-pahinga ng utak ko at ayaw muna mag-isip ng mga bagay tungkol sa bio at chem(!). Pero mali ito, dapat bukas matino ka na, Ado! Laki na rin ng mga tupi sa ilalim ng mata mo at pumapayat ka na naman.
Wimbledon na pala bukas! Mananalo kaya si Feddy?
PS. Trend ba ito? May pic sa mga post?
Saturday, June 24, 2006
Thursday, June 22, 2006
nasan na ang ulan?
Sunday, June 18, 2006
Saturday, June 17, 2006
part 2
Mukhang mabuti ang araw na ito dahil may dumating agad na tren at buti na lang naisipan kong magdala ng pamaypay dahil basang-basa na ako ng pawis. Pagdating sa 5th ave bumaba ako at nakita na wala pa ang tatay ko. 5 minuto pa, wala pa rin. Nagsimula na ako magdasal, at pagmulat na pagmulat ng mata ko dumating ang aking ama. Wow! Takbo takbo ngiti ngiti... Nakabalik na ako sa UPM at nalaman kong tapos na ang kaklase ko mag-enrol. Sige ayos na, mabilis rin ako matatapos siguro. Ayan na... tentenenenenen... pagbukas ko ng pinto ng OCS nakita ko ang dalawa ko pang kaklase na huli rin mag-enrol. Laking tuwa ko dahil may kasabay pa ako mag-enrol. Dahil medyo maraming grad students na nakipagdaldalan muna ako sa kanila. Skip na tayo. Nabigay ko na ang mga requirments at lumabas na si form5A na kailangan pa-pirmahan kay adviser. Dahil wala siya doon ako sa head ng dep't niya na nasa 4th floor. Lakad uli ako at lumalagatak na ang pawis ko.
Pagdating ko doon inabot ko ang papel, nakangiti dahil matapos nito may form5 na ako. Ngunit hindi pala ito mangyayari. Ayaw maniwala ng prof na nakapasa ako sa chem18 na pre-req ng chem27. Sabi niya kumuha raw ako ng proof at problema kasi hindi pa na-fo-forward sa cph ang grades namin, pambihirang buhay ito... maglalakad ako papuntang cas para lang kunin ang grade ko na hindi ko naman talaga alam kung may na-compute na basta alam ko exempted ako sa finals na ibig sabihin ay pasado na. Pero ano pa ba ang pwedeng gawin. Naglakad na naman ako tapos takbo tapos lakad kasabay pa nito ang pag-paypay ko sa sarili ko.
Pagdating ko doon isang magandang bagay ang nakita ko. Ang grade ko! Yehey! Mataas-taas! Yehey! Pero dapat ko na maglakad pabalik dahil malapit na mag-break ang ang tao sa mga opisina. Lakad uli...marathon talaga ito... at least lahat ng kailangan kong subjects enrolled ako(kala ko lang iyon...eto ngayon ang problema ko). Malamang hindi ko pa napapirmahan ang papel na kailangan pirmahan kaya balik tayo sa 4th floor. Naks! Napuri na naman ako! Hehehehe... Syempre lab ko ang chem eh!
Matapos ang lahat nagka-form5 na ako. Kaya lang sa kabobohan ko, hindi ko napansin na mali pala ang seksyon na nakalagay sa form5 ko. Putek! At nalaman ko na anim lang kami sa seksyon na iyon. Sa totoo na-dissolve na siya. Change mat ako sa lunes, bwiset. Pila na naman ito tapos punong-puno pa ang sked ko kapag Lunes. Hmp... bala na nga si batman.
Friday, June 09, 2006
Simulan natin ang lahat sa aking pag-alis. Maaga ako umalis ng bahay, kasi balak komakarating ng UP ng 8am kaya 6:30 pa lang umalis na ako. Naghanap pa ako ng barya napambayad sa dyip. Pero paglabas na paglabas ko ng gate namin nakita ko ang kotse ng titoko, syempre sumabay na ako. 30 pesos at 1 oras ng pag-co-commute rin yon! Dumating akong mga 7:20 pero sa CAS ako bumaba(doon iyon sa may Padre Faura) imbes na sa CPH(na nasaPedro Gil); kasi mahihirapan pa ang tito ko na makapunta sa opisina niya kung doon akobababa.
Dahil maaga pa, tinignan ko muna kung makukuha ko ang classcard ko sa chem18.1. Maaganga eh kaya hindi ko nakuha. Nasayang ang pag-akyat ko ng 3rd floor, papalabas na akonakita ko ang isa kong ka-course na nag-shift na pala; parang nagulat siya kung anoginagawa ko. Sabi ko mag-e-enrol; laking gulat pa niya pero sabi ko skedyul raw naminngayon kaya ngayon ako mag-e-enrol. Dito ako nagsimulang mabagabag na baka kahapon(june5)ang nakatakdang araw para sa amin. Nakow! Pero sige, tuloy pa rin sabi ko.
Naglakad na ako, at nagsisimula na uminit. Sa loob ako ng PGH dumaan at napahanga sa kagalinganng arkitektura ng lugar dahil nananatiling malamig ang mga pasilyo doon kahit sobrang init sa labas.Pagdating sa CPH nalaman ko na 8:30 pa ang simula kaya kumuha na lang ako ng number. Bumabaako at kinausap si blockmate. Nalaman ko na mag-re-removals sila mamaya at KAHAPON pa palaang enrollment namin! Takte! Pero sige ayos lang yan, sisingit na lang ako sa pilang matatanda. Aba! Number 1 ata ang number ko. Tinakot niya pa ako na nagkakanda-ubusanna raw ng slots sa mga subjects. Shit! Masisira ang sked ko, late reg na ito, pano angSTD practice(may kwento dito, next post siguro)?! Sige ayos lang iyan, matino naman angCRS mo eh.
Skip na tayo, nasa harap na ako ni babaeng matanda, hiningi niya ang lib clearance at healthcert ko. PI! Nakalimutan ko ang health certificate ko! 1hr and 30mins ang byahe mula dito pauwi taposbabalik pa ako na aabot rin ng 1hr and 30 mins; 3 hrs iyon noh! Ayaw ko nga bumalik; naisipko na hihingi na lang ako sa health service. Nasa OPD sila sa PGH na nasa Padre Faura. Nasa P. Gilako ngayon(mga 1km siguro ang total distance na lalakarin ko) at kailangan pumunta doon.Takbo! Takbo! Takbo! Pagdating ko sa office, nakita ko na doon na sila sa dati nilang pwestosa harap ng PGH. Bwiset! Takbo uli! Pagdating ko sabi sa akin gumawa raw ako ng affidavit of loss.Huh?! Sa abogado pinagagawa iyon di ba?! Pano ko naman gagawin iyon?
itutuloy...
Saturday, June 03, 2006
I really should be doing something productive, like learn how to play a low D using my sax, make a new layout for this blog or learn a new language. I know I should do those things but I am not motivated enough.
Weird weather we're having in this end of the world, really sunny and hot mornings then cloudy afternoons then thunderstorms at night. Fortunately, my immune system seems to be functioning quite nicely and I haven't had any colds, YET.
The pics will come next and hopefully the last part of my Homo who essay. After that, we might tackle Faith, God, Reason and Man. Hah! All those long car rides to La Union really helped.
Io Tu Voi Lui Lei Loro wink wink
Friday, June 02, 2006
Pero baka hindi ko na kayanin pang mag-ibang bansa kasama ang buo kong pamilya. Nakakaasar kasi minsan. Pero hindi siguro mangyayari iyon kasi, hindi nila ako siguro papayagan PA. Sa susunod na post iyong mga pics, syempre puro mukha ko uli iyon.
Huwag nga pala kayo papatol sa package tour sa HK-China. Mga mangga-gancho iyang mga iyan. Hindi ko nga maisip kung paano nila matiis na magsinungaling ng harap-harapan. Tsaka iyong mga tindera sa night market, masyadong gahol sa pera. 130 HK dollars magiging 30 bigla! Anong klaseng katarantaduhan iyon. Hindi ba nila maisip na kung binababaan nila ang presyo sa simula pa lamang eh mas maraming bibili sa kanila? Tataas rin ang kanilang kita. Hay nako... Tama na. Mabwi-bwisit ka lang, ado. Ang ganda nga ng pinuntahan namin pero sana lang mas mababait iyong mga tao. Napansin ko rin na parang lahat sila ayaw sa kani-kanilang mga trabaho. Para bang pilit na pilit sila pati iyong mga staff ng HK Disneyland ganoon rin.
Pero naaawa rin ako sa kanila, kasi binibigyan sila ng mga "English names" tulad ng John, Pat at Lyn. Makadadali para sa mga turista pero ganoon ka na ba ka-desperado kumita ng pera at ipag-papalit mo na ang iyong tunay na pangalan?
Oo na ado, mahal mo na ang Pilipinas, shut up na!
Wednesday, May 24, 2006
ako ang photographer diyan...
ang payat ko naman...
ayoko mabasa kaya sa may buhangin lang ako...
madilim kasi uulan na mamaya...
sa burnham park iyan, ang daming tao...
May isa pang trip na mangyayari, sana lang matuloy. Gusto ko talaga pero ayaw ata ako paalisin ng Pilipinas. Bobong a***** kasi. Pero kung iisipin, mabuti rin na napalitan ng sked ang trip na iyon kasi makakadalo na ako ngayon sa UNESCO workshop.
Monday, May 22, 2006
Kung gusto mo pa malaman ang ilang bagay tungkol sa kanya, pwede ka pumunta dito o kay dito. Sa bandang baba nung pangalawa iyong tungkol sa kanya. Kung sakaling ayaw gumana ng mga links na yan...
http://www.catholic.org/saints/saint.php?saint_id=767
http://www.portcult.com/OPS_10.htm
Tuesday, May 16, 2006
Hmmm... ang average life span ata ng isang blog ay isang taon. Hmmm... pero ayaw ko na palaging sumunod sa mga trend. Gustong-gusto kong pinatutunayan na mali ang maraming paniniwala, pero kadalasan napag-aalaman kong totoo ang mga ito.
Ilang tulog pa ba? Malapit na! Malapit na! Matapos ang aking freshie days.
Saturday, May 06, 2006
Pahinga pa rin muna ako sa pag-blo-blog. Masyadong matinding kalaban si Chem 18. Pero nakakatuwa kasi ang gaganda nang pagkakagawa ng mga problems sa test, nagagamit mo lahat ng natutunan mo mula high school chem hanggang sa kasalukuyan
Nabili ko na nga pala ang album ni Mishka Adams. Swinerte ako at may stock pa pero naubos naman ang ipon ko. Maganda at masarap pakinggan. Wala akong alam sa mga "technical stuff" na related sa jazz pero nakakamangha ang mga instrumental lalo na iyong mga piano at wind pieces.
Sana masaya ang summer nyo!
Monday, May 01, 2006
Monday, April 17, 2006
Homo who? #2
Point 2: It is immoral because it is against the Word of God.
Again, for this statement to be logically true, its assumptions need to be true. Those assumptions are:
1. If it is against the word of God, it is immoral.
2. Homosexuality is against the Word of God.
3.*optional*The Concept of God.
All of these assumptions are debatable.
For #1 and #3: This is the major concept of the Divine Law Theory of Ethics. Again, a theory with many problems. What is the Word of God? Is there a God? How can we be certain that only the Word of God is moral? If I were an atheist, would that make me immoral? If I were a follower of
Okay let us assume 1 and 3 are true statements then what about
#2: I do not read the Bible. I find it too heavy. I did read the part about Sodom and Gomorrah though. I was not really impressed with what I read. Most people say it was directly stated. Others said implied. The debate continues. The same passages used to prove homosexuality's immorality can be used to prove its morality. In any case, most passages attack the sexual act rather than the lifestyle. Again, faith comes into play.
Side thingies: If a person is extremely good, so good that that person could be made into a saint, but is gay(lifestyle and sex). What happens to him?
Oh yeah, a problem with this belief is most of the believers are selfish. They only follow because of the promise of reward ie Heaven.
If God made people homosexual, why would he put them to such a horrible test that will last throughout that person's life? Does this mean that that person who passes(represses sexual desires) and lives a "good" life will be honored above all others? The Bible isn't really clear on that one as far as I know.
Conclusion: Weak argument. Not conclusive. Needs to be "studied" more. Role of faith would come into play. My discussion is horribly lacking. Google it if you want more.
Thursday, April 13, 2006
Holy Week
Pagpasensyahan po. Wala talaga ako ginagawang kahit ano pero nahihirapan ako magsulat.
Nahihirapan nga rin ako mag-basa eh. At oras nga pala ngayon ng pagtanaw muli sa mga nakaraang taon at pag-isipan ang mga pagbabagong dapat gawin sa ating buhay.
PS
Mabenta ngayon ang "Gospel of Judas." Halata namang may "mali" sa gospel na iyon kasi hindi nagkakatugma-tugma ang mga alam natin. Bukod pa doon ginagawa nitong masama si Jesus. Bakit naman niya uutusan si Judas na pagtaksilan siya? Napaka-illogical. Pero masaya ring pag-isipan ang mga bagay na ito. =)
Sunday, April 09, 2006
to cla-cla: hehehe... next time na ang karugtong. mahirap mag-isip ng matinong argument para sa iba eh.
Saturday, April 08, 2006
Homo who? #1
Most people who oppose homosexuality oppose it because they believe it is wrong and immoral. They say it is so because it is unnatural, againsts the laws of God, it is like this and like that. Some people oppose because they find the idea disgusting. I am not here to finally put an end to the loooong debate. I just want to counter some points made by those people.
Point #1: It is immoral because it is unnatural.
There are two obvious assumptions in this statement. Number 1, if a thing is unnatural then that is immoral. Number 2, homosexuality is unnatural. If these statements are true then we have no problem but that is not that the case.
For number 1: This statement is a belief of the followers of the Natural Law theory of ethics. Now this theory has many problems. One is the lack of definition for nature/natural. Another, it is guilty of the is-ought gap. In other words, the theory assumes that what is the case need to be the case, which is wrong.
Examples of statements guilty of this:
a) "There is nothing wrong being selfish. Everybody is selfish."
b) "Homosexuality (or cloning, etc.) is wrong because it is unnatural."
For number 2: Again, the lack of definition of nature is a weakness of this argument. But let us assume that number 1 is true. Number 2 would offer some problems. Not enough proof exist to state that homosexuality is unnatural(nor are there enough proof saying that it is natural). But there are more evidence saying it is "natural" ie observed in nature. The belief that it is a psychological disease or disorder has long been scrapped though it was found out that the brain of homosexual men is different to the brain of hetero ones though further studies need to be conducted. It was also found out that cases of purely homosexual or heterosexual preferences are very rare. Some genetic evidence also exist. Heck, they even saw male animals doing it together.
Conclusion on point#1: Illogical. Even if the natural law theory, which is its basis, is true, homosexuality might be natural therefore moral.
To be continued...
*********************
cla-cla: gusto mo tulungan mo ko dito? kaya lang paano mo ko i-co-contact di ba?
Friday, April 07, 2006
mahaba-habang post
Sinubukan ko ang arithmancy na nabasa ko sa y!groups namin. Lumabas na ako ay isang number 2. Hindi raw kami magiging true friends ni 8 pero pwede kami maging maging lovers(ang kadiri pala ng tunong nito). Pwede ko rin maging ka-labi-dabs si 7. Maaari ko maging true friends ang lahat pwere na nga kay 8. Angel ruler ko si Raphael o si Gabriel at demon ruler si Belzeebub o si Satan. Sinubukan ko ito sa ilang tao, lumabas na 2 rin sila, sayang hindi 7 o 8. Sa totoo lang, hindi ako gaano naniniwala sa bagay na ito dahil parang maaaring gamitin ang iba pang numero para sa akin. Maaari ngang may mga kayang manghula diyan pero hindi na nila kailangan pa ng mga numero, mga bituin o mga baraha.
Nag-"picnic" nga pala kami sa Circle kahapon. Kasama ko ang aking pwends nung highschool. Sila ang mga tinatawag kong GC buddies. Kasi sila sinasamahan ko kapag nag-aaral, nama-ma-rasite kasi ako sa kanilang mga memorizing powers at determinasyon makabisado ang mga nakatakdang basahin. Tinulungan nila ako matutunan ang art of studying, isang rule ang dedikado sa kanila. "Kapag cramming moments at nahihirapan mag-memorize, tumabi sa isang magaling na mag-memorize." Hindi tumabi upang mandaya at mangopya sa test kundi tumabi dahil maaaring mapulot mo ang mga na-memorize na nila at makakatulong ito sa test. Mas gagana ito kung nagsisigawan kayo o kaya gumagawa ng mga nakakatuwang mga mnemonic devices tulad nito: Lipat Ca B(a)kas sa Kanto Na Magdadala Alin Man Z[ati]n.... Mahaba pa iyan, dahil iyan ang mnemonic device sa Reactivity series of elements.
Nakakatuwa kahapon. Malilim ng kaunti ang kinalalagyan namin at naging mabait sa Haring Araw dahil hindi siya masyado nagpakita sa amin kahapon. Nag-baraha kami at nagdaldalan. Nag-rent din kami ng bike. Totoo nga na mahirap makalimutan ang natutunan mo na, kasi nakakapag-bike na ako ng matino. Nag-truth-and-truth rin kami. Syempre ayaw na namin ng mga consequence kasi baka madungisan pa lalo ang aming madudungis na katawan. May nagdala nga pala ng kumot, pero hindi kami kasya kaya naman ang iba ay napilitang tumayo o kaya ang pwetan lamang ang nakalagay sa kumot.
May napansin lang ako. Noong naghiwa-hiwalay kami at naka-sakay na sa mga jeep na pauwi, ang tatahimik ng mga nakasabay ko na pareho ang ruta. Sinubukan ko sila daldalin pero may pagka-mataray ang mga sagot nila.
Wala pa rin pala akong pe. Bakit kasi ganoon? Ayaw ata talaga ng universe na matuto ako ng self-defense at manatiling lampa. Pero ano nga naman ang use ng self-defense eh hindi naman ako makikipag-away at lalong hindi ako lalaban kung mananakawan ako. Pero baka meron rin...
Wednesday, April 05, 2006
2*0*-2***1
In an alternate scenario, I have already forgotten my student number and all the student numbers I have been putting in those attendance sheets and forms we need to fill out all the time were wrong. Then this would cause a series of catastrophic events that will eventually lead to my expulsion.
See the effects of one year of studying in UP?! The place where your whole personality could be reduced to 9 digits!
Have a nice summer vacation! Mine will last for two weeks.
Sunday, April 02, 2006
My arm is sore from all the whacking I did yesterday. Again, I didn't warm up or cool down.
My term paper is almost finished.
I need to stop being too self-centered.
I might not take any PE classes this 1st semester.
I should eat now.
Fallacious jokes
W O R D S
A husband read an article to his wife about how manywords women use a day...
30,000 to a man's 15,000.
The wife replied, "The reason has to be because we have to repeat everything to men...
The husband then turned to his wife and asked,
"What?"
parang converse accident...
S A Y I N G
God may have created man before woman, but there is always a rough draft before the masterpiece.
di ko alam kung equivocation o accent
WHO DOES WHAT
A man and his wife were having an argument about who should brew the coffee each morning. The wife said, "You should do it, because you get up first, and then we don't have to wait as long to get our coffee."
The husband said, " You are in charge of cooking around here and you should do it, because that is your job, and I can just wait for my coffee."
Wife replies, "No, you should do it, and besides, it is in the Bible that the man should do the coffee."
Husband replies, "I can't believe that, show me."
So she fetched the Bible, and opened the New Testament and showed him at the top of several pages, that it indeed says.........
"HEBREWS"
Ngayon? Wala. Mali nga ang reasoning nakakatawa pa rin sila.
April 1 pala ngayon!
Friday, March 31, 2006
Thursday, March 30, 2006
Pati na rin iyong mga feeling cool ganun rin ginagawa. Nagsusuot pa sila ng ke-luluwang na jersey at kay damamdaming undershirt. Alam naman nilang ang hirap-hirap maglaba, tsaka kailangan magtipid ng pera tapos aksaya sila sa sabon at tubig, buhok pa nila basang-basa ng gel(isa pa itong gastos). Bahala sila, buhay nila iyon, basta wag nila gagamitin ang n-word. May isa pa akong nalaman dati, masama rin gamiting ang salitang instik, katumbas niya ang n-word sa mga chinese. Pero kung mapapansin ang mga writers ay malayang gamitin ang mga ito ng hindi tinatawag na racist; pero dapat mapatunayan nila na akma ang salitang iyon sa kanilang gawa.
Chem lab... yey... boo... yey... boo... Sama talaga ng ilan kong blockmates, bago sila bumagsak natutuwa sila sa prof, nung bumagsak sila nagalit sila pero alam nila na kasalanan nila kung bakit sila bumagsak pero may kasalanan rin iyong prof. hay... ang gulo!
Existentialist ata si Dumbledore at J K Rowling.
Wednesday, March 29, 2006
Blogs
What makes mine different?
I could list a host of things but I wouldn't, I could not possibly list all of them.
Shut up! Stop the drama!
I saw a really cute episode of the Simpsons yesterday. Lisa started making this one-page daily, The Red Dress Press(her dress is orange, beats me why it's called that way). This coincides with Mr. Burns plan to buy all of the media networks, in the end Lisa's paper was the last "voice of oppressed." By the time she gave up (due to all the things Mr. Burns did), all of the people in Springfield realized how important it is to vioce out their own opinions, and started their own one-page papers. This was obviously writter before the blog-mania; if Lisa wanted to publish her own work, she'd have made a blog.
Days before I heard Cartoon Network would start airing The Simpsons. WTF?! Poor poor children, great for us.
I am currently working on a new layout. It should be up and running by the start of the new academic year.
Monday, March 27, 2006
Kakagaling ko lang sa Warehouse sale ng Powerbooks. Warehouse nga talaga, sobrang init. Hindi ko nakita ang mga gusto ko makita pero bumili pa rin ako ng 5 murang mga libro(49-149 Php). May nakita akong librong parang nakakaaliw, inaatake nila si Michael Moore(Farenheit, Bowling for Columbine). Hindi ko binili kasi wala na akong pera pero kung babalik man kami doon baka bilhin ko na rin. Medyo ad hominem at tu quoque(uy... ano kaya iyon?) ang libro pero may mga parts rin naman na logical.
Tag-init na talaga dito. Nalalanta ang katawan ko kahit maglakad lang sa may Faura, pag-akyat nga lang sa CAS eh pawis na. Tapos mag-che-chem lab pa kami sa walang ventilation na lab ng CAS! Pano ba naman gagana utak namin sa ganoong sitwasyon, di ba?
Kailangan ko na talaga seryosohin ang ilang bagay-bagay. Nakakahiya kapag hindi pa inayos pero kaya ito.
Saturday, March 25, 2006
Masaya ako ngayon. Nakuha ko na results sa chem 14 deps ko. 98 ako sa 3rd at 97.5 sa 4th. Yehey. Ang saya-saya, uno na ako siguro. Saya-saya talaga.
Dapat pala nag-eensayo ako ng alto sax, magdadalawang taon na noong binili ko siya at hindi pa rin ako humuhusay. Wala kasing sariling pagsisikap, wala kasing nang-iingit sa akin na paghusayan ko iyon eh. Ang yabang ko talaga.
To cla-cla: Lakas ko talaga mamilit. Hehehehe. Matatagalan pa ha! Isang linggo pa.
Friday, March 24, 2006
Ang tamad-tamad ko talaga.
Sabi sa akin ng horoscope ko kahapon, "Hindi ka na nila kaya pagtyagaan pa."
Hmmm... ignore ignore
Tapos na ang aming "klase," puro tests na lang ang natitira. Nagrerenovate ngayon sa CAS, may nahulugan raw kasi ng bato na dating parte ng gusali habang tumatambay sa rh steps(moral:Huwag tumambay, sa library o klasrum na lang). Tapos gusto ata ng Dean ng CAS ng new office kaya nangalahati ang laki ng RH corridor. Wala nga akong tests ngayon kaya lang dapat akong pumunta sa skul para magpasa ng mga papel. Pero mamaya pa ako aalis, at makakakuha pa ako ng baon.
Kaka-death anniversary lang ng lola ko at napanaginipan ko siya. Sinasamahan ko raw siya magpa-X-ray sa Bambang, kasama rin namin iyong kamag-anak namin sa Pasig. Weird talaga.
Anyway, hindi ako makakakuha ng matinong grade sa psych 10, unless... basta.
Habang binabasa ko ang chem book ni Zum-zum(close na kami ng author, may nickname na siya), bigla akong napaisip ng ibang bagay at mamaya-maya nasa dreamworld na ako. Tapos gumalaw ang katabi ko, poof! Balik sa reality. Change position, mamaya-maya napaisip na naman ako at poof they became coco crunch! Hindi nakatulog na naman ako, tapos habang nasa dreamworld naalala ko ang test ko bukas at nagising ako. Sumuko na ako, umayos ng posisyon at natulog na. Matino naman ang performance ko sa test so ayos lang ang lahat.
Sunday, March 19, 2006
Iron Chef America Battle of the Masters.
Boobby Flay vs Sakai
Nanalo si Flay. OMG! Alam ko, baka matagal na ang episode na iyon pero... Pakiramdam ko nadaya si Sakai! Grrr... 13 for plating sa kanya tapos kay Flay 14? What the?! tapos equal points for originality?! huh?! tapos mababa ang sa taste eh puro puri ang mga pinaggagawa ng mga judges. Epal kaya iyong judges, walang kwenta mag-comment. Nasan na ba iyong matitinong judge nila?
Ang hirap paniwalaan na ang pinakamahinang American Iron Chef ay tinalo ang si Sakai. Well, maaari na ring matagal-tagal na kasi si Sakai na hindi naglalaro o kaya dahil sa homecourt advantage. Toot!
Sige. Alis na ko.
Thursday, March 16, 2006
Kant again...
Wala lang, dapat term paper moments ako ngayon pero hindi ako makapag-isip ng matino... nakow! writer's block na ata ito. Hehehe... nakapag-recite ako sa philo1. Nagcomment lang ako, kasi parang wala lang. Kantian ethics ay similar sa existentialist ethics. Sana may nakaintindi ng previous statement di ba? Ayon kay Kant, hindi natin dapat idahilan ang mga "external factors" kapag gumawa tayo ng mga bagay-bagay dahil sa atin nagmumula ang mga dahilan. Halimbawa, sinabi mong nagnakaw ka dahil may sakit anak mo, ito ay mali kasi sinisi mo ang external factors. Parang ganun. Sa existentialist naman, we should make our own choices and we are the one solely responsible for our life.
Pero magkaaway ang dalawang philospophies na iyan, Kant at Existentialist. Bakit kaya? Well, mag-shi-shift siguro ako dapat sa BA Philo para malaman iyan,pero mukhang hindi ko siguro kakayanin basahin at sikmurahin ang libro ni Kant tulad ng Critique of Pure Reason na parang kakaibang Ingles ang ginamit(the intuit, which I mean is the... lies a priori, thas is...). At ang mga sulat ng mga existentialists tulad ni Sartre(sart). Mas maganda naman siguro basahin iyon kaysa sa mga sulat ng mga plagiarist at namemerang writers ng "self-help books." Well, hindi naman siguro lahat sila ganun, pero come on!
Wednesday, March 15, 2006
ang prof sa lrt
May nakita na naman akong prof sa lrt. Ano naman problema ko? Wala. Nakakaabala lang. Kasi ayoko may nakakasabay talaga na kakilala ko pag-nag-co-commute ako. Panahon ko iyon para sa sarili ko, para makapag-isip, mapagnilaynilayan ang mga gagawin bukas at ang mga ginawa kanina. Isa nga sa dahilan ko kung bakit ayaw mag-dorm ay dahil natutuwa ako mag-commute. Oo nakakapagod sa katawan pero pakiramdam ko nagiging mas matino akong tao pagkatapos ko sumakay ng jeep at lrt. Hindi palagi pero madalas ganoon. Sinong prof? Ang prof ko sa chem. Kitang-kita ko siya kasi ang tangkad-tangkad niya at ang payat-payat at ang puti-puti. Anyway, hindi niya ako nakita at nakasakay na siya kaagad O KAYA nakita niya ako kaya sumakay siya kaagad kahit siksikan ang tren na dumating. Feeling ko naman, ang sama ko nga doon kasi umalis ako kaagad noong make-up class namin.
Anyway, ang weird ng prof kong iyon. Ewan ko ba, pero magaling siya magturo. As in! Pero hindi ka dapat umupo sa harap. Pwede rin pero magdala ka ng sabon at shampoo o kaya payong at raincoat. Wink wink. Malakas naman boses niya eh kaya ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ng mga kaklase ko na sa harap umupo, mas masaya kaya sa likod. Mahirap nga pala siya magbigay ng quiz.
Sige na. Lalayas na po. Gagawa na po ng borador.
PS. To cla-cla ang kyut na kyut na kyut: Ethics kami ngayon sa philo1. Kapag natapos na ako magsusulat ng matinong reply sa tanong mo. Pero eto sigurado, para sa akin ayos lang ang homosexuality.
Kanina sa jeep nakasabay ko ang prof ko sa Philo1. Actually, sa lrt pa lang natatanaw ko na siya. Ayoko ng may nakakasabay na hindi ko gusto kausapin. Kala ko sa jeep hindi na kami magkakasabay pero nagkasabay pa rin kami. Dedma na lang. Nung pababa ko na lang siya pinansin. Hehehe. Sama ko talaga.
Sunday, March 12, 2006
Saturday, March 11, 2006
may term paper akong dapat nang gawin.
may scrap book na pagdidikitin-dikitin.
wala na ang sakit pero maga pa rin ang labi ko.
nag-co-concert ngayon sa kisay.
ako ay nasa bahay nakikinig sa mp3 ng mga kanta ng Broadway.
busy ako sa susunod na linggo, huwag umasa na may post pero alam ko naman ako pag na stre-stress, nababaliw at nagpo-post.
Thursday, March 09, 2006
Monday, March 06, 2006
wala na naman sense at organization ang post sa baba. Sabi ko pa naman magblo-blog ako para mahasa ang aking paraan ng pagsusulat...
Ang "saya-saya" ng hapon ko. Ewan ko ba. Nagblog-hopping ako habang nakikinig ng mga pampakalmang kanta(norah jones, mishka adams, billie holiday) at isama mo na rin ang ska na pampapaindak naman.
Sa aking pakikinig at pagbabasa, nalungkot ako at naging down na naman pero magandang down na ewan. Nanliit na naman ako sa kakayanan kong sumulat ng "panitikan" at gumawa ng "musika." Pero nalinis naman ang utak ko, nawala lahat ng laman at problema. Masaya. Ang laki ng epekto ng pakikinig sa jazz, blues, ska at country sa akin. Bakit kaya ang laki ng epekto ng mga uri ng musikang eto sa akin? Kahit wala akong kaalam-alam tungkol sa mga jazz issues, tulad ng kaibahan ni Coltrane sa ibang sax players at ano ang kaibahan ng mga notang ginagamit sa blues at sa classical, napapahalagahan ko pa rin ang mga ito. Ang galing.
Naalala ko noong bata-bata pa ako eh para sa akin pare-parehas lang ang mga kanta at musika sa radyo at hindi ko maintindihan kung bakit bumibili ng album lalo na ang issue ng piracy. Ngayon? Naayos ko na ang pandinig ko, naiintindihan ko na ang kagandahan ng isang kanta o komposisyon.
So? Ngayon? Ano? Wala lang. Natuwa lang ako sa pakikinig at hindi ko pa rin nabibili ang album ni Mishka Adams, walang pera kasi. Hay... Case study... nalulungkot na naman ako... ang daming repressed memories... =p
...I just have to hear those sweet words spoken like a melody...
PS. Ang kantang Humanap Ka ng Pangit (kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay...) ay sinaling kanta ng The Skatalites. Ang kanta ay may pamagat na If You Wanna Be Happy for the Rest of Your Life(...find an ugly woman and make her you wife...). Pilipino talaga...
soup
Matapos ang isang action-packed Friday(Dalawang tests, psych at bio, at iba pang requirements) at ang pagiging special customer ng Pizza Hut, dumating ang Sabado. Kaarawan ng aking pwend na si Lucky...oo si Lucky ni Vilma! Joke lang! Tsaka babae po ang lalakeng ito. May shout-out pala ako, salamat sa barkada ni Gyll sa pag-isip ng napaka-orig na regalo. Salamat sa pagsakripisyo niyo ng oras na nakalaan dapat para sa pag-aaral ng chem14. Anyway...
Sabado, maaga ako gumising pero nanaginip muna ako. Isang magulong panaginip kung saan nandoon si Daimos, ako, nanay ko, Voltes V(combattler V daw...yuck!), isang halimaw at isang mahikero. Malamang bunga na naman ito ng stress. Ano ba ang mas matimbang makulay na panaginip o pahinga? Hmmm...
So nag-test na kami. Chem. 8:30 daw, tapos naging 9 tapos naging 9:30 tapos hindi na pala kami sa roofdeck sa gab102 na pala kami. Hay... Musta ang test? Ayos lang. Mas madali ang multiple choice nila ngayon pero matindi ang problems. Ewan ko ba, para kasing nanloloko iyong choices, kunwari may apat, A,B, C at D. Ang A mali, ang B mali, ang C hindi ko alam kung tama o mali, ang D sabi both A and B... using logic, chanan! C ang sagot. Hehehe... sana lang...
Ayos lang. May tira pa akong brain power para sa Philo... bring it on! Tapos pag tingin ko sa test. Wow! Sabaw agad part 2 palang ako. Ang dami palang fallacies sa mundo...nakakasabaw ng utak. Hay... kasi naman naman naman...
Tapos noong pauwi na ako nagutom ako bigla at nag-crave na kumain ng cream of -insert food here- soup. Wala lang... fallacious!
Tuesday, February 28, 2006
Bakit ba ngayon pa? Kung kailan wala akong dalang gamit para magpaka-GC, ok lang sana kung nasa amin iyong mga notecards eh, eh di nasimulan ko na iyong term paper. Tinatamad naman ako gumawa ng pysch. Hay...
To cla-cla ang kyut na 20 year old: Hindi pa po martial law, state of emergency lang.
Sunday, February 26, 2006
Booo Psych 10 Boooo!
Sige, bilangin natin. Bio long test, psych10 long test, philo1 long test, chem14 dep, kom2 chorva, nstp presentation, pe practice, histo5 report... teka lang parang lahat na ata ng subjects ko ngayon iyang mga yan ah!
Kanina nga pala may sunog malapit sa amin. Dedma naman kami. Hindi man lang kami kinabhan eh parang ang lapit-lapit nga ng sunog. Wala kasing telepono ang buong area namin(Sta. Quiteria), may magaling kasing taong nanakaw ang main line ng telepono(mataba iyon at malaki, parang ewan nga kasi walang nakakita na ninakaw ito) na nagko-konek sa amin sa kabihasnan ng mga telephone lines. Effect sa akin? Wala masyado kasi hindi ako telebabad person at ang aming internet ay hindi nakadepende sa telepono. Wahahahaha! Kaya nga lang kung sakaling magkasunog(tulad kanina) wala kaming choice kundi gumamit ng telepono. At naghihirap rin ang mga internet shops sa amin kasi walang DSL ngayon. Wawa naman pinsan ko.
Nagkakagulo na sa Pilipinas, hehehe. Wala na naman akong pake, parang ewan. Dapat nakikinig ako sa balita ngayon eh kaya lang ang OA kasi ng coverage parang magbuhat lang ng isang upuan o kaya bumahing iyong isang general magre-react na lahat ng reporters. Ah basta talo kami sa Fev-ER. Bukas na siguro(sana na rin) ang results sa chem 14 2nd dep. = /
Saturday, February 25, 2006
dapat
Ang daming dapat nangyari ngayon na hindi nangyari.
Dapat nag-tennis kami ng aking best friend kaninang umaga sa up diliman at tapos manonood ng show ni Erik Mana sa hapon. Pero hindi natuloy. Tinamad kasi ako gumising ng maaga, dahil ilang araw rin akong medyo puyat(opo hindi ako sanay matulog ng anim na oras o mas mababa pa). Iyong pangalawa, may dalawang dahilan. Una, nagkaroon ng failed coup chuva at dahil dito ay na-move ang show date. Pangalawa, naubusan kami, o ako, ng ticket para sa palabas. Sayang gusto ko pa naman ma-feel kung ano ang feeling ng binabasa ang utak. As if naman mag-vo-volunteer ako kung sakali.
Dahil hindi naman natuloy ang tennis at show sa hapon, nagpasya akong umatend ng practice sa std. Dapat meron, pero wala. Pag dating ko doon tahimik ang paligid at pagpasok sa room na pinag-pra-praktisan namin ay nagulat ako. Nandoon lamang ay mga gard, takte. Sayang pamasahe, pangalawang kasalanan na ito ng std sa akin. Una ay iyong unang practice na super short notice at eto naman na walang notice. Sabi ng aming mabuting president, walang practice kasi state of emergency ngayon sa Pilipinas, how nice... sinama pa ang politika. Pero iyong seryosong dahilan, pahinga raw kasi "napagod" kami sa compet.
Dapat rin ay kakain kami sa labas, kasi dadalaw ang mga taga-bulacan kong kamag-anak pero hindi natuloy bukas na lang raw ng tanghali. Ibig sabihin, mag-cra-cramming moments na naman ako bukas ng gabi. Sa kabilang panig, kakain kami sa eat-all-you-can, makakatulong ito para mapataba ako.
Dapat rin ay nagawa ko na ang choreo namin para sa SD finals. At least may kanta na. Sana nga lang tanggapin ng "Greater Powers."
Eto wala nang relasyon sa mga bagay sa itaas. Mukha raw akong grade 6 ayon sa isang prof sa upm na hindi ko kilala. Marami ang nagsasabi na mukha raw akong bata, sige na nga. Kaya nga hindi ko tinatangka manood ng R-18 na pelikula sa sine kasi siguradong mabibisto ako. Ang pinakamababang age na sinabi sa akin ay 13. Sige na nga, tapos kapag nag-ahit raw ako baka maging 12 pa. Hay nako... ewan ko ba. Hindi naman ako insecure pero nakaka-asar rin naman ang paulit-ulit na pagpansin nila sa itsura ko. May dati nga akong klasmeyt na sinabing kamukha ko raw si Marcos. Toot! Pano nangyari iyon. Magpakulay kaya ako ng buhok at magbago ng hairstyle tapos magwo-work out sa gym...hmmm... pwede... Asa pa! Hindi ko gagawin iyon. Ah basta, pag ako mukhang matanda na, mukha na silang uh... buto na ginagamit ng Anatomy class. =p
Toot! Kailangan ko na mag-aral para sa philo1, bio at chem14. Tapos mag-isip ng maaaring gawin namin sa simulaw at ayusin na ang nstp namin. Kailangan kong mag-tennis, masarap ata ang pakiramdam ng hinahampas na bola.
Feb 25 ngayon! Edsa rev! Iyong una ha! Ang galing ng mga dokyu na napanood ko tungkol dito, amazing.
bow!
Natapos rin sa wakas. Okay, medyo nagkalat kami. At sabog rin ako. Ni hindi nga ako napagod noong time na iyon eh. Dapat nahihimatay na ako after, oh well. Pero feeling ko naman matino na kaunti ako kahapon, mas matino nga lang noong practice. At least gawa ng sarili naming members ang sayaw. Bakit ba kasi kailangan ng choreographer kung may mga contests? Parang tanga. Sorry po sa ma-o-offend. Pera naman nila iyon eh. May next year pa naman.
Walang pasok ngayon. Nagkatotoo ang aking mga hiling. Yey. Ang gulo ko na naman. Down na naman ako. Kumpleto naman tulog ko.
Malapit na lumabas ang upcat results. At may isang pasaway na general na gusto atang maging hari ng Pilipinas. Malapit na ang deadline ng term paper ko at hindi pa rin naisasauli ang notecards namin. Buhay talaga...
Salamat sa Block 22!
Sunday, February 19, 2006
hooooo....
and that is all we know
Saturday, February 18, 2006
Nakaka-high magsayaw sa harap ng maraming tao. Ewan ko ba, kapag practice parang ang hirap ilabas ang lakas sa pagsasayaw. Dalawang beses pa lang ako nagsasayaw sa harap ng mga tao. Iyong una, medyo sabog etong pangalawa, mas maganda na. Salamat nga pala sa aming mga mabubuting kaibigan, napilit namin ang mga iyon na magbayad ng 20 pesos para lang panoorin ang sayaw namin! Fine, sige sa mayaman mababa ang 20 pesos pero dahil taghirap ang iba sa amin... salamat talaga!
May wireless internet connection na pala computer ko, kaya ang bilis-bilis na. Nakakatuwa. Ang saya-saya magdownload, nga pala magdo-download pa ako ng antivirus. Sige. Sa Sunday.
Sayang at hindi man lang ako nakapunta sa UP fair, mayroon pa naman sa susunod na taon eh. Pupunta ako next year, kahit toxic pa ako. Basta! Pupunta ako!
Nagulat ko ang ilan kong klasmeyts nang sabihin ko ang salitang chenes/tsienes/chienes. Bakit kaya?
Thursday, February 16, 2006
Ano mag-i-english ka na naman ba? Ang tagal mo nang hindi nag-i-english, baka mabarok ka lalo doon? Baba ang tingin sa iyo ng mga tao? Hah? Asa pa sila? Oo nga, kaya ba nila mag-redox? Nyek! Wala akong pinapatamaan.
Yabang moments... "nadalian" ako sa chem14.1 dep! Ayan! Lumabas na! Okay?! Pero malay ko ba, malay mo marami akong mali, pero sana wala. Sabi nga ng ka-block ko,"Kahit pag-usapan pa ng pag-usapan iyong test, wala nang magbabago, napasa na natin iyon." Wait, footnote o kaya biblio...duh...baliw ka ado!
Bitch ang proctor namin kanina! Kakasindak as in, to the max(mmmm....max's). Naka-contribute ata iyon sa performance namin, fine baka magaling siya, bitch pa rin siya. As if naman mandadaya kami sa test kanina. Hello?!
Speaking of pandaraya, naloko kami sa dyip kanina. Kasi may field trip kami at aming kawawang grupo ay napilitan mag-commute/maglakad papuntang hospicio. Nagbayad na kami at naabot na iyong bayad tapos sabi bigla nung driver mamaya-maya, hindi pa raw kami nagbabayad! Toot ka! Iyong mabuti naming prof naman ay nagbayad, grrr... dapat hindi niyo ginawa iyon! Pagbaba namin lumingon ako sa dyip tapos nakita ko nakangiti iyong dalawang lalake sa harap(driver na epal+epal). Buhay talaga! Ang masakit pa doon lalo, sa dami namin naloko pa kami!
Napawi naman ang aming "kalungkutan" noong nakahalubilo na namin ang mga bata. Bilang ph hindi kami bilib sa mga med missions at donations at one-time charity work... nakakatulong sila pero dapat na-momonitor ang ginawa nila. Sayang naman kung ang inayos na ngipin ay pababayaan hindi ba? Anyway, ayon nakakatuwa, ang kulet ng mga bata doon at malambing pa. Sabi sa amin noon sa nstp class, ingat raw kami sa gagawin namin at sasabihin namin kasi malay ba namin kung ano ang naranasan nung mga bata, gulat talaga ako noong kumandong pa iyong bata sa akin.
Sa kabutihang palad, hindi napunta sa amin iyong bayolenteng makulit(iyong ka-block ko kasi, sinipa ata ng 3 beses, heh, wawa naman siya), kaya lang napagtripan naman noong mga hawak namin ang aming mga cellphones, este, cellphones ng ka-group ko na may camera. Syempre bulok phone ko kaya nadismaya alaga ko sa akin. Tapos ang aking isa pang ka-block na may mahabang buhok ay may nag-fi-filing na hair stylist na alaga, kinawa buhok niya. Bagay pa lang model iyong ka-block ko, iyong "before" model. Mukha siyang ni-rape tapos pinalakad sa labas habang bumabagyo. Tawa talaga ako nang tawa. Sarap talaga tumawa.
Nga pala...
Saturday, February 11, 2006
Friday, February 10, 2006
Wednesday, February 08, 2006
GC talaga!
Grabe... napapabayaan ko na itong blog na ito. Ang dami ko kasing ginagawa eh. Palagi na lang may sinusulat o kaya ginagawang extra-co. Kasi naman masyadong mabait na estudyante, umuuwi palagi ng gabi tapos pagod pa.
Sawi na naman ako sa chem lab... palpak ang aming titration experiment, well hindi naman palpak wala nga lang bonus, misleading kasi ang unang data namin eh. Weird talaga... next time! At napakasabog ng aking psych10 long test, babay uno! hehehehe. As if naman, eh hindi ka nga nagre-recite dun eh kung hindi kailangan. Tinuan mo na lang iyong last test at "scrapbook" ng kaewanan.
May nahahalata ba kayo? Puro ka-GC-han na lang ang nababasa ninyo sa blog kong ito. Kasi naman eh. May maganda namang nagagawa ang pagiging GC, nagiging makulay ang mga panaginip ko. Kaya lang wala namang naitutulong sa bigat ko. Alam niyo ba noong elem ako 100pounds ako tapos nagka-PPTB ako kaya bumaba ng 90 something. Tapos tumaas uli noong high school, ngayon 95 pounds na lang ako. Ifactor mo ang aking pagtangkad, buto't buto na lang talaga ako. Pero pwede pa yan, 110 pounds na goal!
Nagfield trip nga pala kami sa isang "depressed area" sa Paranaque kanina. Hay... Syempre makikita mo iyong itim na lupa, itim na tubig, itim na paa, matatabang tiyan pero tinik na braso, walang kwenta ilong ko pero hindi naman ata mabaho, siguro kung i-kukumpara sa may squatter's area malapit sa amin, lamang iyong sa amin ng tatlong paligo. Oi, hindi ko ji-no-joke joke lang ito... PH po ako(kahit 1st yr pa lang) alam kong ang daming mali sa lugar na iyon. Mag-iinterview daw kami, syempre feeling ko na naman na galit lahat ng tao doon sa amin... merong ngang galit pero dahil bata pa kami, heheheheh... may slight away ata doon sa pagitan ng health worker at isang residente doon... ewan... pulitika... ew...
Nawawalang kwentahan ako sa aming field trip, kasi naman inasahan ba naman kami gumawa ng community diagnosis? nyek! Ano naman ang alam namin bukod doon sa nakikita at naririnig namin? Mas importante, ano ang karapatan namin na gumawa ng community diagnosis?! Pwede siguro kami kuhanan ng raw facts pero ugh... Siguro ginawa lang iyon para mapakita sa amin ang itsura ng isang squatter's area... di sa pagiging masama o anu man pero medyo sanay na ako dun sa mga ganun, may pagkamanhid na ako tungkol sa mga ganung bagay... bakit? basta! medyo nagulat lang ako dahil two or three levels pala doon, mayroon sa lupa tapos sa tubig tapos sa gitna nung dalawa. Takot ko lang naman sa lugar na iyon ay baka makakuha ako ng sakit, mahina ako eh.
Last na, nakakaasar talaga ang mga politiko! Pat mga squatters! Parehas sila. Ang plastic nung una at ang ewan naman ng pangalawa(tama ba namang manghingi ng sardinas at noodles sa amin?). Wag dapat sisihin ang iyong circumstances(coniotic!). Tao ka! Tapos sa mga pulitiko, sorry ha! hindi ako sa district nyo eh, wala akong magagawa kahit magpabango pa kayo ng magpabango.
Binabasa ko muli ang Catcher ni JD Salinger... heh!