Friday, December 29, 2006

Dec 23: Pumunta ako sa concert ni Mishka Adams sa Teatrino, Greenhills(pics susunod). OP ako kasi karamihan ng nandoon ay matatanda at mga kilala ni Ms Adams. Sabi niya nga 75% ng nandoon kilala niya. Nakatabi ko ay family friend niya, sabi ng katabi ko na kalaro raw ni Ms Adams ang kanyang mga anak at sabay na sila lumaki. Resto format kaya tables imbes na rows, syempre mag-isa ako sa table pero maganda ang pwesto ko. Gitna ako at mga 10m away lang sa stage. Maganda ang show at ang galing ng band(Blue Echoes) at ni Ms Adams. Nanliit talaga ako sa kanilang uh... kagalingan. Paborito ko ang iyong parteng na dalawa lang sila sa stage, ang gitarista na si Mr. Edgar Avenir at siya. Kamangha-mangha! Marunong pala mag-Filipino si Ms Adams kaya lang hindi ata siya kumakanta ng mga Filipino songs, siguro kasi wala gaano(o wala talaga) na mga jazz o standards na sa wikang Filipino at hindi siya sanay gumawa ng mga ganoong kanta. Lalabas ang album niya sa 2007, sana lang mamura-mura ito para mabili ko.

Dec 24: Nagluto ako ng Fetuccini Carbonara at ng Asparagus wrapped in bacon... =P Pero sa totoo, utos lang ako ng utos sa aking butihing ina. Medyo naging matapang ang Carbonara sauce noong simula pero pinagpilitan ng nanay ko na lagyan ng mais kaya biglang boom! umayos na. Sa susunod siguro dapat bawasan ko ang nilagay kong keso at gumamit na ng cream kasi naging masyadong matubig ang sauce.

Dec 25: Pasko! Maaga kami gumising para makauwi kami kaagad sa Bulacan. Hindi naging matino ang Pasko ko kasi natulog lang ako buong araw. Gumising lang ako para kumain at laruin ang aking inaanak at magbasa ng Hyman(oo, nag-aral ako noong Pasko). Sinulat ko na rin ang rough outline ng aking short story para sa PI. Nag-rent ng videoke ang aking pamilya at mamatay-matay ako sa ingay nila. Wala talagang marunong kumanta sa aming angkan.

Dec 26: Nasa Bulacan pa rin kami. Naglaro ng PS2 at nag-aral. Kaarawan ng isa kong pinsan at isa kong pamangkin. Walang party pero may pagkain na naman. Umuwi kami ng bandang hapon.

Dec 27: Namasyal kami ng aking mga kaibigan sa MoA. Balak ko sana tatlo lang kami tapos biglang naging labing-isa. Nanlibre ako ng panonood ng sine. Zsa Zsa Zaturnnah Ze Movie(ugh... Zusammen at Entgegen isomers...). Maayos naman ang pelikula, pero mas maganda siguro basahin ang comi... uh... graphic novel at panoorin ito sa teatro. Mas macho pa si Rustom kaysa sa kay Alfred Vargas. Ang ganda ng mga song and dance parts ng movie. Medyo hindi klaro ang romantic angle ng pelikula, sa mga conservatives, don't worry walang kissing scene... teka... meron pala... sa noo. Ang corny talaga, parang lolo sa apo. Hehehe... Kailangan maging mababaw ng kaunti para ma-appreciate ang pelikula. Favorite monster: Giant Frog. Ang oti nila dahil hindi nila sinusunod ang batas ng kalikasan lalo na ang sa Pisika. Bakit hindi nasisira ang lupa kapag bumagsak ang isang bagay na mabigat at mabilis? Sayang at hindi kami nakapanood ng pangalawang pelikula dahil kulang sa oras, bawal kasi gabihin ang ilan sa amin. Dumaan ako sa UPM-CAS ng pauwi na ako para kumuha ng problem set, hindi ako pinapasok ng gard. Sayang at napagod lang ako.

Dec 28: Kaarawan ko! Hehehe! Sabi sa horoscope ko makakatulong raw ang mga Scorpio at Libra sa akin sa susunod na taon at dapat raw mamamasyal at maglayag raw ako sa May. Hmmm... Nanood ng National Geographic Naked Science at Grey's Anatomy. Nalaman ko kung paano nabuo ang Universe at kung ano ang paniniwala nila tungkol sa end nito. Ang mangyayari pala, mag-e-expand ng mag-e-expand ang universe. Pabilis ng pabilis ang expansion nito hanggang maging isolated ang mga star systems, galaxies, etc. Tapos masisira na ang mga stars, magiging kung anu-ano tulad ng black hole at supernova. Nag-e-expand pa rin ang universe habang nangyayari ito hanggang pati ang pinaka-basic units of matter ay maghihiwalay(protons, neutrons, electrons, etc) at magiging stagnant na ang universe. Binubuo ng mga nagkalat na particles na hindi na nag-iinteract sa isa't isa at wala nang pag-asa pa mag-interact sa isa't-isa at iyon na talaga ang The End. Ang lungkot kaya niyon. Pero sa tingin ko may mali sa theory na iyon, kasi paano naman masisira ang isang nucleus kung walang maraming energy? Pero baka bunga ito ng mabilis na expansion.

Dec 29: Ngayon iyon eh! Balak ko sana tapusin na ang PI short story ko... baka mamayang gabi na lang. Banned na sa Metro Manila ang "Boga" o PVC cannon. Himala ito! Wala nang maingay at mga pesteng batang naglalakad-lakad na buhat ito! Yehey! Yehey! Yehey! Noong nagkasakit kasi ako noong nakaraang taon, bwisit na bwisit ako sa Bugsh na ginagawa ng Boga. Hanggang ngayon naman inis pa rin ako.

No comments: