Friday, December 22, 2006

Nag-volunteer ako sa hospital kahapon. Hehehe... pero sa totoo hinatak lang ako pero dahil sa aking kabaitan... hindi joke lang. Nag-volunteer lang ako kasi hinatak ako ni Madie(bestfriend ko) para may kasama raw siya. Sa PCMC/Children's kami kahapon, kasi doon sila na-assign mag-duty para sa NSTP-CWTS nila.

Ayos lang naman ang nangyari, kung ikukumpara sa ginawa ko sa Pahinungod, mas madali siya at mas ligtas. Kasi naman, matapos ang una kong duty noon sa ER nagka-sipon ako bigla; sa PCMC, Christmas Program assistant ang naging duty ko kaya ligtas sa sakit.

Anu nga ba ang pinaggagagawa ko? Noong umaga, wala masyado. Nag-gupit lang kami ng mga letters para dun sa stage. Masasabi ko talagang, tumitino na ako sa paggamit ng gunting. Naaalala ko pa noong kinder ako, tapos hindi ako maka-gupit ng maayos kahit papel, pero siguro masisisi ko iyong mga pangit na gunting na mapurol o kaya naman eh may balot pang plastic. Oo nga pala, dumating din si Gelain so tatlo na kami na magkakakilala(may other volunteers rin). Tapos noon nag-lunch kami sa Napocor, nakita pa namin daddy ni Madie.

Noong hapon naman naging utusan na kami talaga. Akyat-baba kami ng hagdan(1st to 2nd flr lang naman) para magbaba ng gamit. Ang gulo-gulo nga eh, parang windang pati iyong project manager. Basta, nagbaba na lang kami ng gamit. Matapos mababa ang mga prizes(may isang Charmander doll na gusto ko sanang dekwatin ang kyut kasi...) at kung anu-ano pang mga kagamitan, dinikit na namin ang mga letters sa stage. Medyo nagtagal kami kasi hindi namin matanto kung paano ilalagay, walang instructions kaya ginamit na lang nila Madie at Gelain ang kanilang creative minds para malagay ang letters. Tumulong naman ako, taga-dikit at taga-punit ng tape. Ang galing nga kasi, pagkatapos na pagkatapos namin maisaayos iyon pinababa na kami at nagsimula na ang program.

Kala ko pahinga na kami matapos ang program pero hindi pala. Unang sabak namin ay noong nag-game. Buti na lang at 4 yrs old lang and below ang mga bata kasi kung mas matanda pa baka mapamura ako doon(medyo fresh pa ang memories ko sa Hospicio). Ang laro, pass the ball, kapag huminto ang kanta at nasa bata ang bola, out na siya pero eto ah... may prize pa rin! Ang saya noh? Nakakatawa kasi parang hindi naiintindihan ng iba iyong instructions, siguro kasi 4 and below nga naman. Ano ang parte namin? Eh di, taga-pasa at taga-bantay. Pasa kapag nahihinto, bantay kasi iyong ibang bata hinahagis iyong bola o kaya naman lumalayo at baka mahulog sa stage. Nakakatawa nga kasi, iyong part ni Gelain ng bilog, iyong mga bata doon hindi marunong. Hinuhulog nila ang bola, tapos kapag pinulot na ni Gelain at binigay, mag-sto-stop ang music so out na iyong bata. Hehehehe... Proud naman ako kasi nasa top3 ang isa sa mga "binantayan" ko at tutal kasi isa siya sa mga nakakaintindi ng ginagawa nila.

Matapos iyon, may mga mascot naman. So, tayuan lahat ng bata at nag-akyatan sa stage. Pinatawag na naman kami at taga-pigil kami. Hehehe... parang mga marshalls noong oblation run... tsk tsk. At dahil puro "excitement" na ang sumunod, hindi na kami umalis sa gilid ng stage. Dumating pa nga si Iya(vj ng myx, host sa wowowee, promoter ng acsat, iyong parang bola/apple/puso iyong ulo) at kumanta(never mind). Syempre, piktyuran na ito, kaya lang mababa ang resolution ng cam ko sa phone kaya ayun.

Isa pang highlight ay noong dumating ang isang pharmaceutical company, para sa mga bata may mascot sa matatanda, may libreng Vit. C! Grabe! Mga pinoy talaga kapag libre pinag-piye-piyestahan! Wala pang 10 secs ubos ang isang karton ng mga bote ng vit C at naging mukhang harassed iyong tagabigay. Tungkol sa mascot, matapos nito magsayaw ay umalis na ito. Nagtanong ang isang bata sa akin, "Kuya, masakit ba ang ulo ni ?" Siyempre sabi ko hindi, napagod lang siya. Siguro naisip noong bata iyon kasi iyong ulo noong mascot medyo sobra ang pag-gewang. Hehehehe...

Mamaya-maya bigla akong tinawag. Parte na raw ako ng caroling! Kumusta naman! Pero sa totoo hindi lang ako ang nagulat, si Madie at Gelain rin. Kasi ang balak nila hanggang 5 lang sila, tapos baka gabihin pa tuloy sila. Pero dahil ako'y nagkukunwari lamang, tumakas na ako. Naisip ko lang, pakiramdam ng PCMC isang hukbo ang dami ng kanilang volunteer at wala itong mga sariling mga balak.

UPDATE: Nag-text si Madie sa akin noong dec. 25, may chocolate raw ako mula sa PCMC. Wow! Biruin mo, isang beses lang ako pumunta tapos may chocolate ako.

No comments: