Saturday, December 02, 2006

Bumagyo na hindi. Biglang lumiko pababa(pwede pala gawin iyong ng bagyo, kala ko curved upward lang ang pwede nilang gawin) ang bagyo at pinabayaan ang metro manila! Ah basta... iyon na iyon. Kaawa-awa iyong mga nasalanta kaya lang wala naman akong kapangyarihan ibalik ang buhay nila eh, kaya ayun na iyon.

Noong Huwebes, dahil nga walang pasok, nanood kami ng Inang Yaya at oo, mala-review na naman itong post na ito. Ang galing talaga ng Unitel! Simple lang ang kwento at walang eklat-eklat sa paraan ng pagkwe-kwento. Ang ganda ng mga kuha(cinematography). Ano pa ba? Uh... mahusay iyong mga gumanap. Ano ba yan? Ang generic! Sige...

Ang lakas ng pelikulang ito ay makikita sa tauhang si Ruby. Maganda naman ang main story. Maayos ang pagkakalantad, wala naman parteng aantukin ka(may nakita nga lang akong natutulog pero matanda na siya baka ganun lang talaga siya) at mapapaluha ka nga. Pero ang nagpaluha sa akin(oo, naiyak ako. Big deal!) ay iyong eksena ni Ruby at ni Lola Toots(Toooots ayon kay Louise). Kasi, si LT ay galit kay Ruby at may bias dito(anak ng katulong...mababang uri...blah blah blah). Isang beses, nahuli ni LT na pinanonood ni Ruby siyang matulog(kasi ka-o-opera lang sa kanya). Galit nitong sinunggaban ni LT at tinanong kung bakit siya pinanonood. Sagot ni Ruby na tinignan niya raw kung buhay pa siya kasi ang kanyang tunay na lola akala niya natutulog lang tapos hindi na pala. Puro at malinis na pag-ibig! Ah! P*ta! Siguro, malalapit ang mga eksenang ganito dahil sa aking butihing lola na napili gumising sa panaginip na ito habang katabi ko siya.

May magandang tanong ang pelikula, sino ang ililigtas mo kapag papalubog ang barko, ang iyong ampon o ang iyong tunay na anak? Tandaan na parehas mo silang minamahal at pinalaki mula nang sila ay sanggol pa lamang. Malamang marami sa atin sasabihin na, syempre ang tunay kong anak! Duh! Mas makapal ang dugo kaysa sa tubig noh! Pero maganda ang sagot ni Norma(Marical Soriano), sabi niya na gagawin niya ang lahat para lang mailigtas silang dalawa. Pag-ibig! Ah! P*ta! Tao nga rin naman iyang ampon mo! Mahal mo nga rin naman siya! Bakit ka mamimili, dapat nga ay gawin mo ang lahat na iligtas sila parehas.

Magulo ba? Panoorin mo na kasi! Ops! Sa sinehan ah! Wag pirata!

No comments: