OMG! De-virginized na ako! Hahaha! Napanood ko na ang Oblation Run! Full body exposure! Eww...!
Ganito kasi yan. Nasa UPD ako kahapon para umatend sana ng practice namin para sa gagawin mamaya. 11 ang usapan, bawal raw ma-late dahil iiwan ang mga iyon, madali naman ako. Tapos pagdating ko sa meeting place(tambayan ng Kisay batch '05) wala pa pala, ma-la-late rin raw si Jeanine(ang may pakana ng lahat at ang debutante). Nandoon pa lang si JC, si Xy and assorted batchmates.
So, mag-aantay pa ako tapos may rally pa sa AS lobby, may media pa(pero di ko alam kung OR o itong rally ang ipinunta nila). Iyong speakers nakatapat sa amin so iyong kaliwa kong tenga madudurog na. OA naman kasi, dalawang mic ang gamit ng mga nagsasalita tapos pasigaw pa! Pero siguro para na rin matalo ang pinagtipon-tipong daldal ng mga tao sa lobby. Tungkol saan ang rally? Syempre sa Tuition Fee Increase(TOFI o TFI o TI bala ka kung ano ang gusto mo).
Nag-text si Jeanine, 1130 raw siya darating. Mamaya-maya 1130 na, ala pang G9! Mamaya-maya may mga marshalls na na dumating, pinapaurong kami at pina-pa-clear iyong steps, doon raw daraan ang OR. (OMG! OMG! Pano pag nakuhanan ako ng camera at nakita ako sa TV! Yak! As if! Joke lang! Ano naman ang pake ko sa mga nakahubad na iyon!) Ayan! Maya-maya dumaan na! Sigawan! Piktyuran! Bidyuhan! Sabi ni JC, para raw na-de-demonyo ang mga tao habang dumadaan sa harap nila ang OR participants, uhmm... ewan ko kung totoo iyon. Isa pa pala, onti lang ata ang outsiders(may mga turistang Koreano) ngayong taon o baka wala kasi nag-implement ang AS ng bagong rule: No ID, No Entry. Pero hindi sila ganoon ka-strict kasi iisa lang ata sa mga pasukan ng AS ang binabantayan.
Comment sa OR? Uhmm... ewan. Ayun. Tumakbo sila. Sana nga lang iyong pinatatakbo nila mga physically fit. Kasi parang after ng ilang metro napagod na ang iba at naging Oblation Walk na lang. Talo pa sila ng mga media na sumusunod sa kanila, partida na nga kasi may buhat ang mga iyon na equipment, iyong participants roses lang! Sa size? Uh... eto na lang ang sasabihin ko, length doesn't matter kasi ang g-spot ng kababaihan(ng lalake rin siguro, di ko sure) ay ~1.5inches lang mula sa opening. Kaya ayun... iyon nga lang baka di kasya sa condom(may research na raw tungkol dito).
Ano ba ito?! Any who, iyong napanood ko ang OR, umalis na ang mga tao. Ang iba nagpunta sa Quezon Hall para mag-barikada, iyong iba umuwi, iyong iba nagpunta na sa dapat nilang puntahan. Natuloy nga pala ang Lantern Parade, pinagpilitan kasi ata ng mga FA at ano nga naman ang karapatan ng UP Admin na ipagbawal ang pagsasagawa nito matapos ito paghandaan ng mga tao ng ilang buwan.
Ayun... Xmas break na. Dalawang linggo, isa para sa studies at isa para sa pamamahinga.
No comments:
Post a Comment