Napapabayaan ko na naman ang blog na ito. Kasi marami akong ginawa noong nakaraang linggo. Ang hirap mag-kabisado ng mga parte ng palaka na hindi naman pala lalabas sa exam. Malapit na ang setyembre at marami ng mga debut na pupuntahan ko lingo-lingo. Iyong isa New Wave 80's ang theme at iyong isa Majika at Anime ang theme. Ano ba ang mga iniisip ng mga taong ito? Hindi ko alam, hindi ko rin malalaman kasi wala naman akong debut, magiging 18 at 21 ako tapos iyon na iyon. Imaginine nyo na lang na tipong ng mga ganito ang suot ko.
Pansinin na karamihan sa mga kasuotang ito(buhok kung sa 80's) ay masakit sa mata, sa puso at sa isipan. Lalong-lalo na ang Majica. Majica, isang teleserye kung saan naubos na ang pondo sa pagbabayad pa lamang sa mga artista kaya mga pinagtagpi-tagping mga tela na lang ang mga kasuotan nila. Ok na sanang pinagtagpi-tagpi pero mga neon colors pa talaga ang pinili nila. At least ang Encantadia at Mulawin, maayos-ayos pa ang mga costumes. Nga pala, may susunod na naman na telepantasya, may knights of the zodiac pang nalalaman, pero kung wala si Angel Locsin at Richard/Raymond Guiterrez, maaari ko iyon panoorin. Pero maaatim ko naman siguro magsuot ng Anime inspired na costume, naiisip ko ang Rayearth at Scrapped Princess.
No comments:
Post a Comment