Saturday, February 25, 2006

dapat

Ang daming dapat nangyari ngayon na hindi nangyari.

Dapat nag-tennis kami ng aking best friend kaninang umaga sa up diliman at tapos manonood ng show ni Erik Mana sa hapon. Pero hindi natuloy. Tinamad kasi ako gumising ng maaga, dahil ilang araw rin akong medyo puyat(opo hindi ako sanay matulog ng anim na oras o mas mababa pa). Iyong pangalawa, may dalawang dahilan. Una, nagkaroon ng failed coup chuva at dahil dito ay na-move ang show date. Pangalawa, naubusan kami, o ako, ng ticket para sa palabas. Sayang gusto ko pa naman ma-feel kung ano ang feeling ng binabasa ang utak. As if naman mag-vo-volunteer ako kung sakali.

Dahil hindi naman natuloy ang tennis at show sa hapon, nagpasya akong umatend ng practice sa std. Dapat meron, pero wala. Pag dating ko doon tahimik ang paligid at pagpasok sa room na pinag-pra-praktisan namin ay nagulat ako. Nandoon lamang ay mga gard, takte. Sayang pamasahe, pangalawang kasalanan na ito ng std sa akin. Una ay iyong unang practice na super short notice at eto naman na walang notice. Sabi ng aming mabuting president, walang practice kasi state of emergency ngayon sa Pilipinas, how nice... sinama pa ang politika. Pero iyong seryosong dahilan, pahinga raw kasi "napagod" kami sa compet.

Dapat rin ay kakain kami sa labas, kasi dadalaw ang mga taga-bulacan kong kamag-anak pero hindi natuloy bukas na lang raw ng tanghali. Ibig sabihin, mag-cra-cramming moments na naman ako bukas ng gabi. Sa kabilang panig, kakain kami sa eat-all-you-can, makakatulong ito para mapataba ako.

Dapat rin ay nagawa ko na ang choreo namin para sa SD finals. At least may kanta na. Sana nga lang tanggapin ng "Greater Powers."

Eto wala nang relasyon sa mga bagay sa itaas. Mukha raw akong grade 6 ayon sa isang prof sa upm na hindi ko kilala. Marami ang nagsasabi na mukha raw akong bata, sige na nga. Kaya nga hindi ko tinatangka manood ng R-18 na pelikula sa sine kasi siguradong mabibisto ako. Ang pinakamababang age na sinabi sa akin ay 13. Sige na nga, tapos kapag nag-ahit raw ako baka maging 12 pa. Hay nako... ewan ko ba. Hindi naman ako insecure pero nakaka-asar rin naman ang paulit-ulit na pagpansin nila sa itsura ko. May dati nga akong klasmeyt na sinabing kamukha ko raw si Marcos. Toot! Pano nangyari iyon. Magpakulay kaya ako ng buhok at magbago ng hairstyle tapos magwo-work out sa gym...hmmm... pwede... Asa pa! Hindi ko gagawin iyon. Ah basta, pag ako mukhang matanda na, mukha na silang uh... buto na ginagamit ng Anatomy class. =p

Toot! Kailangan ko na mag-aral para sa philo1, bio at chem14. Tapos mag-isip ng maaaring gawin namin sa simulaw at ayusin na ang nstp namin. Kailangan kong mag-tennis, masarap ata ang pakiramdam ng hinahampas na bola.

Feb 25 ngayon! Edsa rev! Iyong una ha! Ang galing ng mga dokyu na napanood ko tungkol dito, amazing.

No comments: