Hell week na naman. Pero kaya ko ito! Bring it on! Hehehehe...
Booo Psych 10 Boooo!
Sige, bilangin natin. Bio long test, psych10 long test, philo1 long test, chem14 dep, kom2 chorva, nstp presentation, pe practice, histo5 report... teka lang parang lahat na ata ng subjects ko ngayon iyang mga yan ah!
Kanina nga pala may sunog malapit sa amin. Dedma naman kami. Hindi man lang kami kinabhan eh parang ang lapit-lapit nga ng sunog. Wala kasing telepono ang buong area namin(Sta. Quiteria), may magaling kasing taong nanakaw ang main line ng telepono(mataba iyon at malaki, parang ewan nga kasi walang nakakita na ninakaw ito) na nagko-konek sa amin sa kabihasnan ng mga telephone lines. Effect sa akin? Wala masyado kasi hindi ako telebabad person at ang aming internet ay hindi nakadepende sa telepono. Wahahahaha! Kaya nga lang kung sakaling magkasunog(tulad kanina) wala kaming choice kundi gumamit ng telepono. At naghihirap rin ang mga internet shops sa amin kasi walang DSL ngayon. Wawa naman pinsan ko.
Nagkakagulo na sa Pilipinas, hehehe. Wala na naman akong pake, parang ewan. Dapat nakikinig ako sa balita ngayon eh kaya lang ang OA kasi ng coverage parang magbuhat lang ng isang upuan o kaya bumahing iyong isang general magre-react na lahat ng reporters. Ah basta talo kami sa Fev-ER. Bukas na siguro(sana na rin) ang results sa chem 14 2nd dep. = /
No comments:
Post a Comment