Ano mag-i-english ka na naman ba? Ang tagal mo nang hindi nag-i-english, baka mabarok ka lalo doon? Baba ang tingin sa iyo ng mga tao? Hah? Asa pa sila? Oo nga, kaya ba nila mag-redox? Nyek! Wala akong pinapatamaan.
Yabang moments... "nadalian" ako sa chem14.1 dep! Ayan! Lumabas na! Okay?! Pero malay ko ba, malay mo marami akong mali, pero sana wala. Sabi nga ng ka-block ko,"Kahit pag-usapan pa ng pag-usapan iyong test, wala nang magbabago, napasa na natin iyon." Wait, footnote o kaya biblio...duh...baliw ka ado!
Bitch ang proctor namin kanina! Kakasindak as in, to the max(mmmm....max's). Naka-contribute ata iyon sa performance namin, fine baka magaling siya, bitch pa rin siya. As if naman mandadaya kami sa test kanina. Hello?!
Speaking of pandaraya, naloko kami sa dyip kanina. Kasi may field trip kami at aming kawawang grupo ay napilitan mag-commute/maglakad papuntang hospicio. Nagbayad na kami at naabot na iyong bayad tapos sabi bigla nung driver mamaya-maya, hindi pa raw kami nagbabayad! Toot ka! Iyong mabuti naming prof naman ay nagbayad, grrr... dapat hindi niyo ginawa iyon! Pagbaba namin lumingon ako sa dyip tapos nakita ko nakangiti iyong dalawang lalake sa harap(driver na epal+epal). Buhay talaga! Ang masakit pa doon lalo, sa dami namin naloko pa kami!
Napawi naman ang aming "kalungkutan" noong nakahalubilo na namin ang mga bata. Bilang ph hindi kami bilib sa mga med missions at donations at one-time charity work... nakakatulong sila pero dapat na-momonitor ang ginawa nila. Sayang naman kung ang inayos na ngipin ay pababayaan hindi ba? Anyway, ayon nakakatuwa, ang kulet ng mga bata doon at malambing pa. Sabi sa amin noon sa nstp class, ingat raw kami sa gagawin namin at sasabihin namin kasi malay ba namin kung ano ang naranasan nung mga bata, gulat talaga ako noong kumandong pa iyong bata sa akin.
Sa kabutihang palad, hindi napunta sa amin iyong bayolenteng makulit(iyong ka-block ko kasi, sinipa ata ng 3 beses, heh, wawa naman siya), kaya lang napagtripan naman noong mga hawak namin ang aming mga cellphones, este, cellphones ng ka-group ko na may camera. Syempre bulok phone ko kaya nadismaya alaga ko sa akin. Tapos ang aking isa pang ka-block na may mahabang buhok ay may nag-fi-filing na hair stylist na alaga, kinawa buhok niya. Bagay pa lang model iyong ka-block ko, iyong "before" model. Mukha siyang ni-rape tapos pinalakad sa labas habang bumabagyo. Tawa talaga ako nang tawa. Sarap talaga tumawa.
Nga pala...
Thursday, February 16, 2006
HAPPY BIRTHDAY LOLO DOC!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment