Oh no! Matatapos na ang sembreak! Bagong sem na naman at wala pa akong nagagawang matino! Hindi ako nakapagbabad sa tennis courts, hindi ko na likha ang dapat kong likhain, hindi pa ako nakakabili ng bagong reed, hindi ko pa natatapos ang Noli, at ang pinakamahalaga, hindi pa ako nakakabawi ng tulog! Pero kaya iyan, isang linggo pa.
Kasi naman, nag-pra-praktis kami para sa sayaw sa debut ni Jan(pics ng debut niya sa Tuesday ko siguro i-po-post), may kasama pang coat and tie at lahat ng ka-pormalan(Kadiri talaga ang shoulder pads). At syempre naglaan rin ako ng panahon para sa pagpunta sa sementeryo at pagbisita sa mga (buhay na) kamag-anak ko sa Bulacan. Nagulat nga ako kasi ngayon ko lang napagtanto na umabot ng 109/110 isa kong kamag-anak, isipin mo yon! Eh di kung hereditary ang life span, mataas ang tsansa na umabot ako sa ganoong edad pero nagka-Alzeimer's at siya o naging senile noong mga ganoong edad pa siya. Isa nga lang nakakatawa kasi kung hindi raw nadulas iyon sa kinauupuan niya, hindi pa siya siguro namatay. Teka! Kanina lang muntik na ako mahulog noong nag-duduyan-duyan ako sa upuan ko. Hala! Dapat mag-ingat!
Kaarawan nga pala ngayon ng aking kaibigang si Duga(Jesse James ang tunay niyang pangalan) at bukas ang kay Jan(Joanne).
Grabe, matatapos na ang aking pagiging second year at junior standing na kami next sem. Hala! Oh no! Pano na ito!
Nagkasunog nga pala malapit sa amin kanina; 19 na bahay ang natupok. Kagabi pa naman nababagabag ako na magkasunog at tinignan ko pa nga kung nakasara mabuti ang gas namin. Coincidence lang ba ang mga ito? Kung reader ka ni J. Zafra, maiisip mo na ito ay isang kaso ng synchronicity(spell check!).
No comments:
Post a Comment