Pagod na pagod ako. Buti na lang wala pa kaming mga takdang aralin kaya makakapagpahinga pa ako. Ang dahilan siguro ang panonood ko noong Miyerkulesng Anak ni Brocka sa Cinema One. Asahan mo pa ang mga Pinoy, 9:15 ang iskedyul na simula pero lagpas 10 pa ipinalabas. At dahil natuwa ako sa pelikula(at hindi ko kailangan gumising ng maaga kinabukasan) 12 na ako nakatulog. Siguro ang iba sa inyo ay sanay na, pero subukan niyong gumising ng 5, pumasok, tapos magsasayaw ng 3 oras, tignan natin kung hindi kayo mapagod. Idagdag pa natin na ang dami naming ginawa kahapon sa eskwela, **** yang mga amphioxus na iyan! Minadali-dali ko ang pagguhit tapos hindi pa pala ipapasa.
Nawala ata ako, ayun... nakakatuwa iyong pelikula. Kailangan mapanood niyo iyon. Medyo oti at may pagka-theatrical iyong ibang umaarte pero ayos lang. Iyong plot at pagkakakwento ang maganda at nakakapagpanatili ng atensyon ko. At isa pa, makikilala mo kahit papaano si Lino Brocka; hindi ko siya masyado kilala pero napanood ko na iyong ilang pelikula niya at AMAZING talaga. Isang bagay na natuwa ako, sa pelikula may lumabas na karakter pangalang si Kapitan Contra na ginanapan ni Bembol Roco tapos sa pelikulang Orapronobis may tauhang Komander Kontra na si Roco rin ang gumanap. Tapos siniraan pa nila iyong mga pamagat ng mga pelikula ni Brocka, hehehe.
Sa ibang bagay naman, may PTB like symptoms na naman ako at may suspicious object na nakita sa aking x-ray kaya iinom na naman ako ng gamot. Kailan ba ako makakawala sa sakit na ito? Paano ko mabubura ang sakit na ito sa mundo kung ako ay prone na makuha ito? Buhay talaga.
Tapos ang oti ng PI namin, literary aspects raw ni Rizal ang pag-aaralan. Ok. Pwede na rin pero gusto ko rin ng onting historical part, kasi ang daming kontrobersyang nababalot kay Rizal na hindi makikita sa kanyang mga akdang pampanitikan pero siguro kung sa panitikan pa lang baka nga isang semestre lang ang kasya kaya ganoon ang napagdesisyonan ng prof namin. Isa pa, ibabagsak niya raw kami kapag gusto namin historical approach. Tsk tsk tsk, mag-si-sit-in na lang ako sa ibang klase siguro.
No comments:
Post a Comment