Grabe! Masyado ko ata pinaghirapan ang psych sCRAPbook ko. 12 na ako natulog(pilit pa ito) at gumising ng 5 para gawin at tapusin ito, pati sa jeep ginagawa ko pa rin siya. Hehehehe. Well, pangit siya pero malaman. Nabwibwisit ako sa wikang ginamit ko doon sa book na iyon. Ewan ko ba, ang panget ng english ko, napakalimited naman ata ng vocabulary ko o baka dahil nag-stream of conciousness lang ako kaya ganoon ang lumabas. Kailangan ko siguro na magsulat gamit ang wikang Ingles. May positive feedback naman akong natanggap, sabi ng isa kong klasmeyt wag na ako gagawa uli ng scrapbook, gumawa na lang raw ako ng libro at bibili raw siya. Ewan ko ba kung totoo iyon pero parang seryoso siya. Syempre platenned naman ako di ba? Oo plano ko po gumawa ng nobela. Isang nobelang sisikat at magiging required reading sa lahat ng schools sa Pilipinas at ang pangalan ko ay isusumpa ng maraming henerasyon ng mga estudyante. Mananalo rin ako ng Nobel Peace Prize at Nobel Prize for Medicine. Madidiskubre ko rin ang function ng appendix. Obviously, nababangag na ako. Kailangan ko na matulog.
Kanina sa jeep nakasabay ko ang prof ko sa Philo1. Actually, sa lrt pa lang natatanaw ko na siya. Ayoko ng may nakakasabay na hindi ko gusto kausapin. Kala ko sa jeep hindi na kami magkakasabay pero nagkasabay pa rin kami. Dedma na lang. Nung pababa ko na lang siya pinansin. Hehehe. Sama ko talaga.
No comments:
Post a Comment