Wednesday, March 15, 2006

ang prof sa lrt

Hah! Borador moments na dapat pero nandito ako nag-blo-blog(yuck ano ba iyang word na iyan!), nagsusulat na lang. Ano sabi ko noong linggo? Di raw mag-po-post. Hah! Ano ang borador? Ummm... draft ata siya pag-English, para sa term paper.

May nakita na naman akong prof sa lrt. Ano naman problema ko? Wala. Nakakaabala lang. Kasi ayoko may nakakasabay talaga na kakilala ko pag-nag-co-commute ako. Panahon ko iyon para sa sarili ko, para makapag-isip, mapagnilaynilayan ang mga gagawin bukas at ang mga ginawa kanina. Isa nga sa dahilan ko kung bakit ayaw mag-dorm ay dahil natutuwa ako mag-commute. Oo nakakapagod sa katawan pero pakiramdam ko nagiging mas matino akong tao pagkatapos ko sumakay ng jeep at lrt. Hindi palagi pero madalas ganoon. Sinong prof? Ang prof ko sa chem. Kitang-kita ko siya kasi ang tangkad-tangkad niya at ang payat-payat at ang puti-puti. Anyway, hindi niya ako nakita at nakasakay na siya kaagad O KAYA nakita niya ako kaya sumakay siya kaagad kahit siksikan ang tren na dumating. Feeling ko naman, ang sama ko nga doon kasi umalis ako kaagad noong make-up class namin.

Anyway, ang weird ng prof kong iyon. Ewan ko ba, pero magaling siya magturo. As in! Pero hindi ka dapat umupo sa harap. Pwede rin pero magdala ka ng sabon at shampoo o kaya payong at raincoat. Wink wink. Malakas naman boses niya eh kaya ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ng mga kaklase ko na sa harap umupo, mas masaya kaya sa likod. Mahirap nga pala siya magbigay ng quiz.

Sige na. Lalayas na po. Gagawa na po ng borador.

PS. To cla-cla ang kyut na kyut na kyut: Ethics kami ngayon sa philo1. Kapag natapos na ako magsusulat ng matinong reply sa tanong mo. Pero eto sigurado, para sa akin ayos lang ang homosexuality.

No comments: