Ang saya-saya ng Sabawdo ko(pwede mo na rin isama ang mga ka-block ko). Dalawang test na magkasunod, at kakailanganin pa ng ubod ng daming brain power(energy siguro ang mas tama). Ang una at favorite, ang chem14 3rd dep at ang pangalawa naman ay ang not-so-favorite-pero-gusto-pa-rin na test, Philo1 3rd long test. Tinuan nga natin...
Matapos ang isang action-packed Friday(Dalawang tests, psych at bio, at iba pang requirements) at ang pagiging special customer ng Pizza Hut, dumating ang Sabado. Kaarawan ng aking pwend na si Lucky...oo si Lucky ni Vilma! Joke lang! Tsaka babae po ang lalakeng ito. May shout-out pala ako, salamat sa barkada ni Gyll sa pag-isip ng napaka-orig na regalo. Salamat sa pagsakripisyo niyo ng oras na nakalaan dapat para sa pag-aaral ng chem14. Anyway...
Sabado, maaga ako gumising pero nanaginip muna ako. Isang magulong panaginip kung saan nandoon si Daimos, ako, nanay ko, Voltes V(combattler V daw...yuck!), isang halimaw at isang mahikero. Malamang bunga na naman ito ng stress. Ano ba ang mas matimbang makulay na panaginip o pahinga? Hmmm...
So nag-test na kami. Chem. 8:30 daw, tapos naging 9 tapos naging 9:30 tapos hindi na pala kami sa roofdeck sa gab102 na pala kami. Hay... Musta ang test? Ayos lang. Mas madali ang multiple choice nila ngayon pero matindi ang problems. Ewan ko ba, para kasing nanloloko iyong choices, kunwari may apat, A,B, C at D. Ang A mali, ang B mali, ang C hindi ko alam kung tama o mali, ang D sabi both A and B... using logic, chanan! C ang sagot. Hehehe... sana lang...
Ayos lang. May tira pa akong brain power para sa Philo... bring it on! Tapos pag tingin ko sa test. Wow! Sabaw agad part 2 palang ako. Ang dami palang fallacies sa mundo...nakakasabaw ng utak. Hay... kasi naman naman naman...
Tapos noong pauwi na ako nagutom ako bigla at nag-crave na kumain ng cream of -insert food here- soup. Wala lang... fallacious!
No comments:
Post a Comment