Monday, March 27, 2006

Ubos na ang Gard shampoo namin! Kasi naman parang toot iyong mga tao, pinapabayaang nakabukas tapos nakataob pa, kumusta ka naman! So, inaatake ako ngayon ng balakubak. Walang kwenta ang Head&Shoulders sa akin, pati iyong mga pa-anti-dandruff shampoo dyan, walang kwenta. Ang nakakatulong lang sa akin ay Gard at Nizoral kaya lang wala akong pasensya gamitin ang Nizoral, at medyo masakit sa anit.

Kakagaling ko lang sa Warehouse sale ng Powerbooks. Warehouse nga talaga, sobrang init. Hindi ko nakita ang mga gusto ko makita pero bumili pa rin ako ng 5 murang mga libro(49-149 Php). May nakita akong librong parang nakakaaliw, inaatake nila si Michael Moore(Farenheit, Bowling for Columbine). Hindi ko binili kasi wala na akong pera pero kung babalik man kami doon baka bilhin ko na rin. Medyo ad hominem at tu quoque(uy... ano kaya iyon?) ang libro pero may mga parts rin naman na logical.

Tag-init na talaga dito. Nalalanta ang katawan ko kahit maglakad lang sa may Faura, pag-akyat nga lang sa CAS eh pawis na. Tapos mag-che-chem lab pa kami sa walang ventilation na lab ng CAS! Pano ba naman gagana utak namin sa ganoong sitwasyon, di ba?

Kailangan ko na talaga seryosohin ang ilang bagay-bagay. Nakakahiya kapag hindi pa inayos pero kaya ito.

No comments: