Natuloy ang pagpunta namin sa Hongkong at Shenzhen,China(zh=ch). Kababalik ko lang ng Pilipinas kahapon. Mukhang matitiis niya nga na paalisin ako sandali. Ayos lang naman ang mga nangyari, marami kaming naranasan tulad ng maloko ng travel agency, mawala sa China, makipagtawaran sa mga Tsino, magliwaliw sa Disneyland, sumakay ng eroplano, kumain ng kadiring pagkain sa eroplano, maglaro sa in-flight game ng Cebu Pacific at napakarami pang iba.
Pero baka hindi ko na kayanin pang mag-ibang bansa kasama ang buo kong pamilya. Nakakaasar kasi minsan. Pero hindi siguro mangyayari iyon kasi, hindi nila ako siguro papayagan PA. Sa susunod na post iyong mga pics, syempre puro mukha ko uli iyon.
Huwag nga pala kayo papatol sa package tour sa HK-China. Mga mangga-gancho iyang mga iyan. Hindi ko nga maisip kung paano nila matiis na magsinungaling ng harap-harapan. Tsaka iyong mga tindera sa night market, masyadong gahol sa pera. 130 HK dollars magiging 30 bigla! Anong klaseng katarantaduhan iyon. Hindi ba nila maisip na kung binababaan nila ang presyo sa simula pa lamang eh mas maraming bibili sa kanila? Tataas rin ang kanilang kita. Hay nako... Tama na. Mabwi-bwisit ka lang, ado. Ang ganda nga ng pinuntahan namin pero sana lang mas mababait iyong mga tao. Napansin ko rin na parang lahat sila ayaw sa kani-kanilang mga trabaho. Para bang pilit na pilit sila pati iyong mga staff ng HK Disneyland ganoon rin.
Pero naaawa rin ako sa kanila, kasi binibigyan sila ng mga "English names" tulad ng John, Pat at Lyn. Makadadali para sa mga turista pero ganoon ka na ba ka-desperado kumita ng pera at ipag-papalit mo na ang iyong tunay na pangalan?
Oo na ado, mahal mo na ang Pilipinas, shut up na!
No comments:
Post a Comment