Ang ganda ng enrollment adventure ko ngayong 1st sem. Kung inyong babalikan angdati kong blog makikita niyo ang aking ginawa noong 1st enrollment ko. Pero ngayon,iba.
Simulan natin ang lahat sa aking pag-alis. Maaga ako umalis ng bahay, kasi balak komakarating ng UP ng 8am kaya 6:30 pa lang umalis na ako. Naghanap pa ako ng barya napambayad sa dyip. Pero paglabas na paglabas ko ng gate namin nakita ko ang kotse ng titoko, syempre sumabay na ako. 30 pesos at 1 oras ng pag-co-commute rin yon! Dumating akong mga 7:20 pero sa CAS ako bumaba(doon iyon sa may Padre Faura) imbes na sa CPH(na nasaPedro Gil); kasi mahihirapan pa ang tito ko na makapunta sa opisina niya kung doon akobababa.
Dahil maaga pa, tinignan ko muna kung makukuha ko ang classcard ko sa chem18.1. Maaganga eh kaya hindi ko nakuha. Nasayang ang pag-akyat ko ng 3rd floor, papalabas na akonakita ko ang isa kong ka-course na nag-shift na pala; parang nagulat siya kung anoginagawa ko. Sabi ko mag-e-enrol; laking gulat pa niya pero sabi ko skedyul raw naminngayon kaya ngayon ako mag-e-enrol. Dito ako nagsimulang mabagabag na baka kahapon(june5)ang nakatakdang araw para sa amin. Nakow! Pero sige, tuloy pa rin sabi ko.
Naglakad na ako, at nagsisimula na uminit. Sa loob ako ng PGH dumaan at napahanga sa kagalinganng arkitektura ng lugar dahil nananatiling malamig ang mga pasilyo doon kahit sobrang init sa labas.Pagdating sa CPH nalaman ko na 8:30 pa ang simula kaya kumuha na lang ako ng number. Bumabaako at kinausap si blockmate. Nalaman ko na mag-re-removals sila mamaya at KAHAPON pa palaang enrollment namin! Takte! Pero sige ayos lang yan, sisingit na lang ako sa pilang matatanda. Aba! Number 1 ata ang number ko. Tinakot niya pa ako na nagkakanda-ubusanna raw ng slots sa mga subjects. Shit! Masisira ang sked ko, late reg na ito, pano angSTD practice(may kwento dito, next post siguro)?! Sige ayos lang iyan, matino naman angCRS mo eh.
Skip na tayo, nasa harap na ako ni babaeng matanda, hiningi niya ang lib clearance at healthcert ko. PI! Nakalimutan ko ang health certificate ko! 1hr and 30mins ang byahe mula dito pauwi taposbabalik pa ako na aabot rin ng 1hr and 30 mins; 3 hrs iyon noh! Ayaw ko nga bumalik; naisipko na hihingi na lang ako sa health service. Nasa OPD sila sa PGH na nasa Padre Faura. Nasa P. Gilako ngayon(mga 1km siguro ang total distance na lalakarin ko) at kailangan pumunta doon.Takbo! Takbo! Takbo! Pagdating ko sa office, nakita ko na doon na sila sa dati nilang pwestosa harap ng PGH. Bwiset! Takbo uli! Pagdating ko sabi sa akin gumawa raw ako ng affidavit of loss.Huh?! Sa abogado pinagagawa iyon di ba?! Pano ko naman gagawin iyon?
itutuloy...
No comments:
Post a Comment