Ano na ngayon ang plano? Wala akong cellphone, hindi mo rin alam ang cell number ng tatay mo, eh di tumawag. San ba may pay phone sa lugar na ito? Ito ang problema sa lugar namin eh, lahat ng kaso-syalan at iba pang bagay makikita mo pero ang mga simpleng bagay pahirapan hagilapin at kung makita mo man sobrang mahal. Pero sa kabutihang palad, may "pay phone" sa tapat ng PGH, nakatawag naman ako. Sinabi ko sa tatay ko hanapin ang pulang notebook na may nakasulat na-adv bio(salamat ma'am obligar). Sana nga lang naintindihan niya. Tapos takbo na sa LRT, teka bayad mo... balik balik... walang tindera at nagmamadali ako...hmp bala na... oo masama iyon, di ko na uli iyong uulitin.
Mukhang mabuti ang araw na ito dahil may dumating agad na tren at buti na lang naisipan kong magdala ng pamaypay dahil basang-basa na ako ng pawis. Pagdating sa 5th ave bumaba ako at nakita na wala pa ang tatay ko. 5 minuto pa, wala pa rin. Nagsimula na ako magdasal, at pagmulat na pagmulat ng mata ko dumating ang aking ama. Wow! Takbo takbo ngiti ngiti... Nakabalik na ako sa UPM at nalaman kong tapos na ang kaklase ko mag-enrol. Sige ayos na, mabilis rin ako matatapos siguro. Ayan na... tentenenenenen... pagbukas ko ng pinto ng OCS nakita ko ang dalawa ko pang kaklase na huli rin mag-enrol. Laking tuwa ko dahil may kasabay pa ako mag-enrol. Dahil medyo maraming grad students na nakipagdaldalan muna ako sa kanila. Skip na tayo. Nabigay ko na ang mga requirments at lumabas na si form5A na kailangan pa-pirmahan kay adviser. Dahil wala siya doon ako sa head ng dep't niya na nasa 4th floor. Lakad uli ako at lumalagatak na ang pawis ko.
Pagdating ko doon inabot ko ang papel, nakangiti dahil matapos nito may form5 na ako. Ngunit hindi pala ito mangyayari. Ayaw maniwala ng prof na nakapasa ako sa chem18 na pre-req ng chem27. Sabi niya kumuha raw ako ng proof at problema kasi hindi pa na-fo-forward sa cph ang grades namin, pambihirang buhay ito... maglalakad ako papuntang cas para lang kunin ang grade ko na hindi ko naman talaga alam kung may na-compute na basta alam ko exempted ako sa finals na ibig sabihin ay pasado na. Pero ano pa ba ang pwedeng gawin. Naglakad na naman ako tapos takbo tapos lakad kasabay pa nito ang pag-paypay ko sa sarili ko.
Pagdating ko doon isang magandang bagay ang nakita ko. Ang grade ko! Yehey! Mataas-taas! Yehey! Pero dapat ko na maglakad pabalik dahil malapit na mag-break ang ang tao sa mga opisina. Lakad uli...marathon talaga ito... at least lahat ng kailangan kong subjects enrolled ako(kala ko lang iyon...eto ngayon ang problema ko). Malamang hindi ko pa napapirmahan ang papel na kailangan pirmahan kaya balik tayo sa 4th floor. Naks! Napuri na naman ako! Hehehehe... Syempre lab ko ang chem eh!
Matapos ang lahat nagka-form5 na ako. Kaya lang sa kabobohan ko, hindi ko napansin na mali pala ang seksyon na nakalagay sa form5 ko. Putek! At nalaman ko na anim lang kami sa seksyon na iyon. Sa totoo na-dissolve na siya. Change mat ako sa lunes, bwiset. Pila na naman ito tapos punong-puno pa ang sked ko kapag Lunes. Hmp... bala na nga si batman.
No comments:
Post a Comment