Magiging paborito ko atang kurso ngayong sem ang Humanidades I. Kasi naman, ang walang kwenta ng chem27 namin,gusto ko ata na lang makakita ng mga ilao na umiikot-ikot kaysa kumita ng billones. Fine mababa siya magbigay ng grade pero natututo naman ako. Pero balik tayo sa humdades I, natutuwa ako kasi panitikan ang pinag-uusapan. Mahilig ako magbasa(kaya lang ngayon puro reference books lang hawak ko) at natutuwa ako sa pagbabasa ng kung anu-anong mga bagay. Ang galing pa kasi nakaka-dalawang akda kami sa isang oras at kalahating diskusyon lamang. Tapos pag-susuri at pag-unawa talaga hindi pag-sasaulo. Katulad siya ng kas1, ang kaibahan lang mas matino mag-turo si ma'am joson, si sir talampas kasi pag-aaralan mo muna ang paraan ng pananalita bago mo maintindihan siya. At sa last day ng klase mo lang maiintindihan lahat ng pinag-sasasabi niya.
Toxic kami ngayon o pina-pa-toxic ko lang dahil sa STDc. Siguro kung wala akong org ang aga palagi ng uwi, kaya lang hindi masaya ang buhay kung wala akong org.
No comments:
Post a Comment