Dapat gumagawa ako ngayon ng matitinong mga bagay. Mga bagay na ikatutuwa ko at ng mga nakapaligid sa akin. Pero ano ginagawa ko ngayon? Naghahabol ng tulog, nanonood ng tv, internet ng internet... walang kwenta ang mga pinag-gagagawa ko.
Sinubukan ko ang arithmancy na nabasa ko sa y!groups namin. Lumabas na ako ay isang number 2. Hindi raw kami magiging true friends ni 8 pero pwede kami maging maging lovers(ang kadiri pala ng tunong nito). Pwede ko rin maging ka-labi-dabs si 7. Maaari ko maging true friends ang lahat pwere na nga kay 8. Angel ruler ko si Raphael o si Gabriel at demon ruler si Belzeebub o si Satan. Sinubukan ko ito sa ilang tao, lumabas na 2 rin sila, sayang hindi 7 o 8. Sa totoo lang, hindi ako gaano naniniwala sa bagay na ito dahil parang maaaring gamitin ang iba pang numero para sa akin. Maaari ngang may mga kayang manghula diyan pero hindi na nila kailangan pa ng mga numero, mga bituin o mga baraha.
Nag-"picnic" nga pala kami sa Circle kahapon. Kasama ko ang aking pwends nung highschool. Sila ang mga tinatawag kong GC buddies. Kasi sila sinasamahan ko kapag nag-aaral, nama-ma-rasite kasi ako sa kanilang mga memorizing powers at determinasyon makabisado ang mga nakatakdang basahin. Tinulungan nila ako matutunan ang art of studying, isang rule ang dedikado sa kanila. "Kapag cramming moments at nahihirapan mag-memorize, tumabi sa isang magaling na mag-memorize." Hindi tumabi upang mandaya at mangopya sa test kundi tumabi dahil maaaring mapulot mo ang mga na-memorize na nila at makakatulong ito sa test. Mas gagana ito kung nagsisigawan kayo o kaya gumagawa ng mga nakakatuwang mga mnemonic devices tulad nito: Lipat Ca B(a)kas sa Kanto Na Magdadala Alin Man Z[ati]n.... Mahaba pa iyan, dahil iyan ang mnemonic device sa Reactivity series of elements.
Nakakatuwa kahapon. Malilim ng kaunti ang kinalalagyan namin at naging mabait sa Haring Araw dahil hindi siya masyado nagpakita sa amin kahapon. Nag-baraha kami at nagdaldalan. Nag-rent din kami ng bike. Totoo nga na mahirap makalimutan ang natutunan mo na, kasi nakakapag-bike na ako ng matino. Nag-truth-and-truth rin kami. Syempre ayaw na namin ng mga consequence kasi baka madungisan pa lalo ang aming madudungis na katawan. May nagdala nga pala ng kumot, pero hindi kami kasya kaya naman ang iba ay napilitang tumayo o kaya ang pwetan lamang ang nakalagay sa kumot.
May napansin lang ako. Noong naghiwa-hiwalay kami at naka-sakay na sa mga jeep na pauwi, ang tatahimik ng mga nakasabay ko na pareho ang ruta. Sinubukan ko sila daldalin pero may pagka-mataray ang mga sagot nila.
Wala pa rin pala akong pe. Bakit kasi ganoon? Ayaw ata talaga ng universe na matuto ako ng self-defense at manatiling lampa. Pero ano nga naman ang use ng self-defense eh hindi naman ako makikipag-away at lalong hindi ako lalaban kung mananakawan ako. Pero baka meron rin...
No comments:
Post a Comment