Wednesday, July 12, 2006

Martes pa lang pero pagod na pagod na ako. Bakit ko ba ginagawang mahirap ang buhay ko? Bakit? Bakit? Bakit?

Nagkaroon ng gulo noong nakaraang araw sa aking mundo. May naasar sa akin, may mga taong hindi nagkaintindihan, naranasan ko na namang maging tagapakinig. Pero maayos na naman ata ngayon, bukas ko pa matitiyak. Ang hirap talaga ng buhay kapag may mga gulong ganito ang uri pero ginagawa nitong makulay ang buhay.

Ang galing ng utak ng tao. Pauli-ulit ko itong nabanggit ngayon. Isipin niyo, kaming mga PH students ay mayroon nang dalawang chem book sa aming utak tapos madadagdagan pa ng isa pagkatapos ng sem na ito. Samahan mo pa ng 1-2 na zoology books at 1 physics book. At studyante pa lang kami, paano pa iyong mga guro natin? Tapos hindi lang naman iyon ang laman ng utak namin, syempre may ibang bagay pang nandoon. Ang galing noh?

Balak ko na maksulat ng nobela balang araw pero habang lumalaon kami sa humdades 1 class parang nagbabago ang isip ko. Kasi pakiramdam ko hindi ako makakagawa ng akda na ganoon ang antas ng kagandahan, pagkaayos at pagkamalikhain. Isipin mo, naisip ng manunulat na ang salitang ito ang pinaka-angkop na salita at dahil sa isang salita maiintindihan mo ng lubusan ang akda. Ang kabigatan ng akda ay dinudurog ako. waaah! Pero nandiyan pa naman ang fantasy fiction, ang saya gumawa ng sariling mundo(iba ang creative sa oti).

No comments: