Nag-test kami kahapon sa chem 27. Ang course title nito ay Elementary Quantitative Analysis o kaya naman Elementary Anal. Chemistry. 'Di ba parang madugo? Pero hindi naman dahil na rin sa mga dating chem na aming dinaanan, ang problema: ang guro. Fine, PhD. Fine, head ka ng LRC. Fine, sa ibang bansa ka nag-aral. Fine, member ka ng American Chem Soc. Hindi ka pa rin marunong magturo. Pero sabi ko nga parang extension lang ito ng ibang chem kaya lang puro solve-solve- solve-solve.
Iyong test namin ay ang pangatlo sa apat na tests. Sabi niya, iyon raw ang pinakamahirap. Mahirap, oo pero mas mahirap pa ang chem18 dep. Ang problema, matagal ito sagutan. Kalagitnaan ng test, maiisip mo, kung tumayo na lang kaya ako? Hanapin ang lunas sa HIV-AIDS? Tulungan ang mahihirap imbes na sagutan ito? Pagkatapos mapapatulala ka sa kawalan at biglang mapapansin ang orasan. Teka! 5 ng hapon ako nag-start ah, 8 na pala! Bukod pa doon, mananakit ang daliri mo. Ako nga biglang nagka-kalyo sa daliri. Epekto siguro ng mahigpit na hawak sa bolpen na bunga naman ng inis.
Dahil sa test na ito, pagdating ko sa bahay pakiramdam ko binugbug ako. Gusto ko nang bumagsak sa kama! Hindi naman siya kasing mentally-challenging ng chem 18 pero ang endurance mo naman masusubukan. May lima kasing problems at sa bawat problems may lima pa uling sub-problems. Ang isang sub-problem, kapag complete and systematic ang solution(wag na clean) aabutin ng mga 1/3 ng area ng short bond paper. Tapos mag-dro-drowing ka pa! PI! Sa totoo lang, ilang beses ako napamura ng test na ito at rinig na rinig ng katabi ko iyon.
Tungkol sa guro, may improvement! Binabantayan na niya kami! Dati kasi ibibigay niya iyong test tapos aalis, babalik after 3 hours! Buti na lang mabait kami at hindi kami nag-ko-kopyhan. Kumusta naman mga kaklase ko, pakiramdam ko babarilin ka niyong mga iyon kahit tignan mo lang ang mga likod nila! Bakit biglang nag-bago, si prof? Naisip ng kaklase ko bunga na rin ng biglang talon ng score namin from 1st test(pathetic, 50%mean, 12%SD) papunta sa 2nd(~65%mean, isa lang bumagsak ata). Naisip niya siguro na nagkopyahan nga kami! Please naman! Mabait nga kami!
End na ng formal classes sa tuesday! Yey! Babay prof!
No comments:
Post a Comment