Sunday, May 27, 2007
------
Pauwi naranasan ko ang tatlong bagay na pahirap sa mga nag-co-commute. Ang una ay ang hindi pagdating ng gusto mong sasakyan. Kasi, mga 8:50 ako umalis ng tennis court at nagtungo na ako sa UPD Shopping Center. Doon kasi dumadaan si UP-SM North na jeep. Alam ko naman madalang ang mga ganoong jeep kapag Linggo pero 9:20 na hindi pa rin ako nakakakita ng nagpapasakay na jeep. Grabe! Ayaw ko naman sumakay ng Philcoa kasi nagbabakasakali ako na may dumaan. Siguro mapalad na ako kasi may iba diyan araw-araw nag-aantay ng mga bus at jeep ng mga 30 mins at iyong dadating biglang punuan pa. Nang mga 9:25 may dumating na jeep at tuwang-tuwa ako. Buti na lang hindi puno at nakasakay ako at ang kasabay ko mag-antay(kawawa rin siya. hehehe. pero mas kawawa iyong dalawa kasi sumakay sila ng philcoa tapos biglang may dumating na sm north. malas na lang nila).
Eh di ayan. Nakasakay na ako tapos mamaya-maya biglang mas sumakay na malaking babae. Hindi naman puno ang side ko pero sa tingin ko hindi talaga siya kasya kahit ano gawin niya. Iyong kabilang side naman hindi puno at kasyang-kasya siya pero hindi eh, nagpumilit siyang sumiksik. Ayos lang naman na siksikan basta makarating ako sa destinasyon ko pero sa Philcoa may sumakay na mama, malaki rin at itong big woman na ito bigla ba naman pinasiksik sa side namin! Buti na lang payat ako at iyong mga katabi namin kung hindi. Kaya nga minsan naiisip ko na dapat doble ang price ng mga matataba at half-price ang mga payat eh. Kapalit kasi niyon pwede pa magpasakay ng payat o kaya bawas ng isang tao na uupo. O kaya sinusukat ang pwet bago sumakay tapos may formula na gagamitin para makompyut ang capacity pa ng jeep at ang bayad. Oo, alam ko mali iyon at hindi dapat ipatupad pero siguro isa rin siyang paraan para mapilitan na magpapayat ang mga tao. Oo, sinasabi ko na masama ang maging mataba! Hindi ko sinasabing mga pangit kayo sinasabi ko masama! Masama sa katawan at kalusugan. Fine kung fat is beautiful pero marami ka namang problemang pangkalusugan.
Eto na ang huli, sa bus naman ito (Ang dami kong sinasakyan noh?). Eh di ayan. Onte lang kami sa bus. Ayan, nagbayad na ako sa konduktor, bingyan niya ako ng sukli pero walang tiket. Sabi, baka nakalimutan lang at ayos lang iyon kasi basura nga lang naman iyon pero mamaya-maya naisip ko na iyon nga pala ang ginagamit nila para malaman ang kita ng bus. Aba! Huwag niyang subukang i-bulsa ang sampung piso ko(Ang pera ay pera gaano man kababa.). Tinawag ko ang kanyang pansin. Sabi niya sandali lang. Ok. Sandali pero bababa na kasi ako kaya tinapik ko siya. Humarap siya sa akin at parang naiinis na sinabing "Sabing sandali lang eh!" Che! Mahirap na bang magpunit ng papel? Hindi ba't trabaho mo iyon? At bababa na ako, sandali-sandali eh pupunta ka pa sa dulo ng bus para kolektahin ang bayad ng ibang tao. Tigilan mo nga ako! Pero hindi ko naman siya sinagot. Bahala siya. Ayun. Bumababa na ako at natapos ang kwento.
Buti na lang pauwi na ako nang naranasan ko ang mga ito kasi kung papasok pa lang ako. Naku! Kawawa naman ang mapagbubuhusan ko ng galit. As if naman sobra-sobra akong magalit. Marami pa rin na mas malala sa akin.
Friday, May 25, 2007
Iyong kadugtong naman niyan ay kung kailan sila magpra-praktis. Sana lang ay wala silang mga balak gawin sa Enrollment week para makapunta sila at maayos namin kung paano ang gagawin nila. At dahil nga ang isa ay hindi alam ang sayaw ay mapipilitan kaming kumuha ng steps mula sa mga sayaw na alam niya at ipataw ito sa kantang gagamitin. Pwede rin namang gumawa kami pero ang hirap ng ni-ru-rush ang pagkatuto lalo na't wala naman talaga kaming lugar na pag-pra-praktisan dahil hindi pa nga opisyal na araw ng pasukan.
Siguro magagawan naman namin ng paraan ito pero gusto ko sana na maging maganda ang kanilang pagtatanghal para naman hindi mapahiya ang org at makapang-akit kami ng mga tao na sumali sa org(na hindi BSPH). Hindi naman ako umaasa na super ganda eh dahil alam ko namang hindi pa ganoon kasanay ang mga pinili kong sumayaw pero sana lang ay matino at katanggap-tanggap ang kanilang maipalabas. Tutal, hindi lang naman ako dapat ang namromroblema. Hah! Magulo nga ang mga ka-org ko!
Magaling na ang pilay ko! Ang galing nga eh! Medyo kirot na lang ang nararamdaman ko pero ayos na iyon. Makakapag-tennis siguro ako sa linggo. yehey!
Thursday, May 24, 2007
Dahil masakit na nga talaga, nagpahilot ako kani-kanina lang. Ang sarap-sarap kahit napakasakit nang hinihilot na ako. Hindi ko alam kung naayos niya talaga o kailangan ko pang magpatingin talaga sa doctor o pt pero nawala naman nang onte ang sakit at nakakalakad na ako kahit papaano. Nasubukan ko na rin iyong paa na pinapagulong-gulong sa bote, masarap naman hindi ko nga lang alam kung gumagana talaga.
Kahit medyo nawala na ang sakit medyo nakakaasar pa rin dahil kailangan pang balutan ng dahon ang paa ko. Hindi rin raw ako pwede maligo ngayon. Pakiramdam ko tuloy ang dumi-dumi ko na dahil nga pawisan ako kahapon dulot ng gymnastics training at nagpagulong-gulong pa ako sa mat.
Sayang talaga at napilayan ako kasi gusto ko maglaro ng tennis bukas o sa Sabado at may bowling pa ata dapat kami ng mga kaklase ko noong high school bukas. Paano ko naman gagawin iyong mga iyon kung matinong paglalakad nga hindi ko magawa? Pero umaasa naman ako na umepekto ang hilot at maging maayos na ang paa ko mamayang gabi o bukas.
-----
Nanonood ba kayo ng AI? Kung oo, malamang kilala niyo si Melinda Doolittle. Grabe! Bakit kaya siya na-eliminate? Alam ko naman na hindi siya mananalo pero sa tingin ko karapat-dapat naman siyang makatungtong man lamang sa finals. Tsk tsk tsk. Nga pala, finals na ngayon. Nakita ko ang special number ni Melinda at wow! Grabe siya makipagsabayan sa mga magagaling na singers at iyong isang guest, kinanta pa iyong pinang-audition niya; iyong For Once In My Life. Siguro, ginawa iyon para makapag-sorry ang AI kay Melinda. Hehehe
Friday, May 18, 2007
Yehey!
Hindi ko na rin kailangan gumising ng 4 ng umaga para pumasok!
At wala na rin siguro munang praktis ang StDC! Yehey!
Mapapahinga na rin ang katawan ko!
Matuwa ang lahat!
May isang tao kaninang nakakaasar. Bwiset! Hindi marunong magbigay at magsakripisyo kahit onte lang. Masyadong pinahahalagahan ang sarili kaysa sa iba. Siguro may mali nga kami pero namumuro na siya. Palagi na lang.
Sunday, May 13, 2007
Masasabi ko rin na ito ang pangalawang araw ng tag-ulan. Sa tingin ko lang ha, kasi kahapon nagkaroon ng unang pagbuhos. Hindi ko nakuhahan iyong kahapon pero iyong kanina meron ako.
Medyo panget kasi iyong hangin papunta sa akin at nababasa ako.
Ano naman ngayon di ba? Wala lang. Naalala ko lang na kinuhahanan ko rin kasi iyong malakas na ulan noong huling summer.
Kanina nagamit ko ang aking weather panghuhula. Napansin ko kasi na puro cirrus clouds noong umaga tapos naisip ko na uulan siguro. Tapos mamaya-maya naglabasan na ang mga strato-cumulus clouds. Mamaya-maya ulan na. Iyong mamaya-maya ko, mga ilang oras talaga. =p
Eleksyon na bukas, hindi ako rehistrado. Mabuti na rin siguro kasi nakakabaliw ang choices eh; parang gusto ko sana may none of the above option.
Thursday, May 10, 2007
Halimbawa na lang, Chemistry. Nakwento ko na ata ito pero uulitin ko na lang. Hindi talaga ako matino at chem. Naisip ko nga noong 3rd yr ako kung bakit hindi ako mahal ng chemistry eh hirap na hirap na nga ako patinuin ang grade ko at intindihin iyon. Hindi naman sa hirap ako umintindi ng mga bagay-bagay(hello! ang tino ko kaya sa comprehension; sa hilig ko ba naman magbasa eh dapat hasang-hasa ko na ang skill na ito) pero parang ayaw talaga maging bahagi ng mundo ko ang medyo abstract na konsepto ng molecules at atoms, ang sayaw ng mga electrons at ang importansya nito sa buhay. Tapos ngayon, super geek na ako tungkol sa chem at related sciences. Hindi naman sa master ko na ito dahil 4 lang naman ang chem subjects ko at hindi naman talaga kami dapat nalulublob sa chem kasi PH nga kami pero interesado na ako sa mga ito.
Nagsimula ito noong napilitan ako mag-aral dahil napasali ako sa compet team for Chem ng Kisay. Kumusta naman! Average to below average ata ang performance ko noon sa chem at marami ata ang naibagsak kong quiz at hindi ako napapabilang sa highest sa 1st periodical namin. Pero sipag at tyaga at pagbabasa palagi kay Zumdahl(actually, super onte ng nabasa kong nobela noong 3rd year kasi si Zumdahl lang ang basa ko) para maging matino at sa ngayon medyo komportable na ako sa chem at madali na na-i-integrate ang mga concepts nito(at ng ibang sciences) sa mga alam ko ukol sa chem. Actually, napag-isip-isip ko na mas mabilis intindihin ang mga bagay at tumino sa mga ito kapag in-integrate mo. Tigilan na natin ang asaran ukol sa paggamit ng mga konspeto ng agham sa ating buhay kasi dapat lang natin itong gamitin. Bakit hindi natin gamitin ang konsepto natin ng anatomy sa sayaw; alamin ang action ng muscle at maiintindihan mo agad kung paano ito i-pop, hindi ba? Anyway...
Isa pang halimbawa siguro ang lawn tennis. Sobrang bagal ko matuto. Masisi ko rin siguro ang hindi ko madalas na pag-sasanay at medyo walang kwenta ang una kong guro pero mabagal pa rin. Dalawang taon na pero hindi pa rin ako makapag-return ng serve... at least acceptable na ang aking ground strokes at matino na ang form ko.
Ano ba ang pinagsasabi ko? Hindi ako nabwibwiset dahil mababa ang score ko kanina at lalong hindi ako nagbibigay ng excuses. Naisip ko lang na wala talaga ako siguro akong mararanasang "Gifted moments" at wala siguro talaga akong talento bukod sa pagtyatyaga(wow! Rock Lee na ba ito?) Hindi ako siguro ako magsisimulang mag-aral ng isang kakayahan at sa unang beses na aralin ito ay "above-average" na ang level ko. Pero marami siguro akong mararanasang "Wow! moments"; tipong "wow! ang galing/tino mo na!" Siguro tanggapin ko na dapat iyon at tsaka hindi ko na rin mararanasan iyong mga expectations na binabagsak sa mga "gifted." Expectations, bwiset! Pero ibang usapan na uli iyon.
PS.
Nilapitan ako noong nakaraang araw ng ka-batch ko. Gawa raw ako ng welcome/inspirational na essay. Tumanggi ako pero parang napagisip-isip ko na dapat sinubukan ko na rin. Naisip ko na babalaan ko sila tungkol sa BSPH. Hindi ka naman yayaman sa degree na ito at lalong bawal ito sa mga tamad at mga walang pangarap sa buhay. Kasi super hirap niya at sa real world(kung susundan mo ang mission at vision ng college) ay hindi ka talaga yayaman at parang wala kang matinong patutunguhan. Hello! May yumayaman ba sa research? Sa lagay nga ng Pilipinas ngayon, parang iyong mga health workers pa ang nagbabayad para lang magawa nila ang trabaho nila(ie suma-side line ang researcher para mapondohan ang research niya; health worker nangungutang/nanlilimos para mapaangat ang sitwasyong pangkalusugan ng community niya). Kung gusto mong yumaman, mag-nursing ka... sa ibang bansa. At babalaan ko na rin sila na maraming chem at dapat talaga matutunan mo itong mahalin para maging mas masaya ang buhay mo sa PH(Pwede naman na hindi mo mahalin ang chem pero para sa akin malungkot ang mundo kapag marami kang hindi alam.).
PPS
Iyong first draft. Iyong bunga ng stream of consciousness method ay nabura dahil nag-error si PC kaya ito ang lumabas. At least sa tingin ko mas matino ito medyo pangit nga lang ang simula. Hehe
Sunday, April 29, 2007
Bakit ba pakiramdam ko ang toxic ng summer na ito? Parang kailangan ko i-extend ang aking pag-ske-schedule ng mga bagay-bagay(oo, nag-gaganun ako pero hindi ko sinusulat; dapat ine-exercise ang utak) mula sa 2 araw gagawin kong 1 linggo. Mahirap, masakit sa ulo. Tapos kailangan ko pa mag-isip ng mga steps at exercises. Hindi na napahinga ang utak ko. Tutal, pwede nga naman tayo magpahinga kapag patay na tayo. Sino nga ba ang nagsabi niyon?
Nag-eco park nga pala kami kahapon. Maliit ang lugar, kala ko sakop ang buong watershed iyon at may mga forest trail. Nangangarap lang pala ako pero ayos rin naman siya. Hindi ko nga lang alam kung efficient at sustainable nga ang eco-park na iyon. Sinusubukan nilang mag-segregate ng basura kaya lang may marami ata talaga ang bobo sa Pilipinas kasi may nakita akong styro plates sa biodegradable trash bin tutal marami rin namang bobo sa UPM kasi doon nga iyong biodegradable punong-puno palagi ng plastic cups. Sana lang, sinesegre-gate nila ang basura nila uli bago itapon.
Nag-wall climbing kami. Ayos naman. Hindi ko natapos iyong level 3 pero iyong level 2 medyo mabilis kong naakyat. Kumusta naman ang mga umiikot na rock holds nila. Sa tingin ko kaya ko naman siya matapos kaya lang kulang pa ang endurance ng aking mga braso at bisig kasi nanghina na ako pagdating sa kalahati. Sayang kasi gusto ko subukan iyong naka-diagonal na part ng wall. Basta, babalikan raw namin iyon balang araw.
Excited na ako bukas kasi kakain kami sa Nat Sci 5 ng mga non-conventional food. Ako iyong gagawa ng isang ihahain ng aming grupo, pinasubukan ko sa kisay friends kahapon. Ayos naman ang feedback; wala naman sa kanilang nagkasakit o kaya ay isinuka iyong pagkain at ang ilan ay nagtanong pa kung paano ko ginawa iyon. Nyahar!
Friday, April 27, 2007
Sa airport, hindi marunong kumuha ang kapatid ko...
Nakakasilaw ang araw eh...
Isang artwork sa loob ng Esplanade, bullshit ang concept pero maganda
Sunday, April 22, 2007
Friday, April 20, 2007
Bumili ako kanina ng Fable(PC game). 200 pesos para sa pirata dahil 4 na cd. Ininstall ko tapos excited na excited na ko maglaro biglang ayaw gumana! PI! Sabi, hindi raw kaya ng video card ng pc ko. Kaasar! Kailangan ko na talaga i-upgrade itong pc ko at i-reformat na rin dahil sa virus na nagpapabagal sa kanya. Balak ko sana i-upgrade pagkatapos ng summer classes pero dahil gusto ko maglaro kukulitin ko na ang magulang ko. Video card, memory at siguro dvd player lang naman ang idadagdag at mataas-taas naman ang grade ko last sem kaya papayag sila siguro. At maglilimang taon na rin naman iyong PC ko.
Nakatanggap ako ng yoyo kay cla-cla. Ang pathetic ko, hindi ko man lang magawa ang una at pinaka-simpleng trick. Salamat cla-cla!
Monday, April 16, 2007
Puyat. Kakagaling ko lang ng Singapore. 12:40am iyong return trip kaya puyat ako.
Masakit ulo ko ngayon. Mainit. Baradong sinuses. Kulang sa tulog.
Masaya sa Singapore. Pwedeng-pwede na maglalakad sa kalye kahit 12am na at hindi ka pa rin mapapatay, mananakawan o masasaktan. Ang galing nga eh. Malinis pero hindi naman litter free.
Masarap maglakad doon. Kung saan-saan nga ako nakapunta sa paglalakad lamang. Iyong mga kadalasan hindi mo malalakad sa Pilipinas magagawa mo dito.
Mainit pero mas mainit pa rin dito.
Maraming bilihan. Sa liit ba naman ng bansa nila, ang magagawa na lang ata nila ay magshopping. Joke lang pero matutuwa ka na malaki ang Pilipinas at malamang ay hindi ka mauubusan ng pupuntahan.
Sa internet shop ako ngayon; nag-iintay na magsimula ang praktis. Um... 4 hours pa. Sayang walang rf dito. Lilipat na ako mamaya.
Tuesday, April 10, 2007
http://www.youtube.com/w/One-hell-of-a-forehand?v=bA1rC0GPAWA&search=tezuka
Nanonood ako ng Prince of Tennis kanina sa QTV. Pampalipas oras at para matawa pero...
P*TANG INA! Ano iyon! Grabe na ito! Isang malaking kagag*han!
Kanina...
Forehand na hindi nakikita ng kahit kanino!
Bola na nag-iiwan ng na marka sa hardcourt!
Cyclone smash!
Isang i-aassume nating matinong player, nag-forehand na matino (assume nga natin eh!) tapos na smash... teka... Cyclone smash. Paano mo naman ma-sma-smash ang bola na galing sa forehand?
Kung hindi pa marunong ang player malamang mataas ang lipad ng bola pagkatapos ng forehand pero isang matinong player hindi! Iba nga diyan parang hahalikan na ang net sa baba ng lipad eh tapos ma-sma-smash mo pa?! At hindi lang iyon isang beses nangyari kundi dalawa na magkasunod! OMG! WTF!
Okay lang sana iyong mga shots na exagg eh pero pati ang paglalaro maling-mali.
Service na tapos tatayo ang Reciever sa dead zone... tapos mare-return niya ang isang >200kph serve! WTF!!!
Ayan, game na. Nag-(super)forehand si Player A magugulat si B at hindi niya ito maibabalik. Tanga naman kasi, tatayo sa tabi ng pinagtalbugan ng bola! At genius ang mga players na ito ah!
Meron pa, Player A sa left corner ng court tapos si Player B nakayuko pa kasi kaka-return niya lang ng tira, nag-cross court si A biglang nasa kabilang dulo na si B at na-ireturn ito! WTF!
o kaya naman...
hindi na return ni B at imbes na tumalbog ang bola ay gumulong ito! GUMULONG?! Ano! Paano nangyari iyon? Ni si Federer nga hindi magagawi iyon eh!
Oo na! Hindi naman totoo iyon. Anime... exagg... blah blah... pero insulto ito sa tennis. Pwede ba ibang sports na lang? Talo pa nito iyong mga cards na pumapatay ng tao eh! Pero papanoorin ko pa rin, kasi nakakabaliw eh minsan nga lang sumosobra na! Tulad kanina...
Sunday, April 08, 2007
Ang tagal na noong huli ako gumawa ng Easter Egg. As in, iyong nilagang itlog na pininturahan. Ang ginagawa namin noon, kukuhanin namin iyong mga natirang water color at paint brush sa school ko noong elem, bakasyon na kasi kaya inaangkin na namin iyon. Oo, corruption... blah...blah... Kapag meron na kaming water color, maglalaga na kami ng itlog. Mga lima o anim lang ginagawa namin. 2 itlog kada tao, kasi hindi naman namin makakain kung 10 ang gagawin namin. Pilipinas, mahirap ang buhay, maraming nagugutom, alam mo na, ganun. Pagnalaga na, pipinturahan namin tapos papatuyuin. Gagawin pa namin paiba-iba ang disenyo, may bilog, may mga stripes, red, blue, green, violet. Hindi pa namin binabasa iyong water color para hindi matubig ang labas at para dumikit sa itlog. Matapos ang lahat ng paghihirap, babalatan namin ang itlog at kakainin. Hindi pa nga kami naghuhugas ng kamay eh.
Hehehe. Hindi man lang nag-Easter egg hunt. Well... actually... ginawa ata namin iyon ng isang beses. Walang kwenta, anim lang ang itlog at tatlo lang kaming naglalaro tapos wala pang magandang taguan sa amin. Para kasing kapag tinago mo sa isang lugar, kadiri na at hindi na makakain. Sayang naman kung ganoon, di ba? Kaya KAIN na lang agad.
May napanood ako sa TV na paraan para makulayan agad ang itlog. Babalutan mo ng tela at ibabad sa pinakukuluang tubig at suka. Pag labas, funky na ang itsura ng itlog. In fairness naman, maganda naman ang iba. Sa akin lang hindi ba't ang saya ng Easter ay ang sa paggawa ng makukulay na itlog. Pero iba na siguro sa kanila, kasi sa kanila sa ibang bansa mas natutuwa sila sa Hunt at isang paghihirap ang paggawa ng Easter egg.
-----
Natanggap ang aking maikling kwento sa PI. Yey! Iyong tula hindi, pero ayos lang. Hmmm... Sana magkasulat uli ako ng kwento.
Saturday, April 07, 2007
Wala akong magawa sa bahay. Natapos ko na ang Greed Island DVD at ang Epi1-10 ng Season 3 ng Grey's Anatomy. Hindi ko naman magawa iyong site ng StDC kasi ala naman ako malagay. Natapos ko na rin ang God-Emperor of Dune, hindi ko ba nabibili ang Heretics of Dune kaya wala akong mabasa. So... so! Wala.
Black Saturday ngayon. Patay raw si God kaya pwede gumawa ng masasamang bagay kasi hindi niya makikita. Okay! Patayin na natin si toot! As if! Mga tao talaga! Hindi mamatay ang Diyos! Patay na siya! Joke! Mga atheist nagsasabi niyon, hindi naman ako atheist eh... malapit lang. Hindi naman ako agnostic, hindi rin naman ako devout na Katoliko. Ano ngayon ako? Uh...
Kung sa bagay, marami naman diyang ibang religion na pwede salihan. At ang ilan doon parang mas maganda pa sa Roman Catholic; nandiyan ang Buddhism, Wicca, Druidism, Shamanism, Rizalism, Bathalanism, Shinto, Taoism. Hmm...
Buddhism na lang kaya? Maganda naman ang tinuturo nila, pwede ka pa rin na mag-celebrate at maniwala sa ibang religion, hindi naman ata contradicting ang teachings nila, wala mang Paradise o Heaven(sa Christian, Islamic at Judeo sense) wala namang Hell meron pang Nirvana na kapag hindi mo naatim sa buhay na ito maaari mo pa rin maatim sa susunod kasi may Reincarnation. Assignment: Mag-research pa tungkol sa Buddhism.
Gawin ko na lang muna siguro ang mga pinagsasabi ni Kant: Gumawa ng mabuti dahil mabuti iyon at iyon ang iyong duty. Hindi dapat gumawa ng mabuti kasi kung hindi magagalit si God/Jesus/Allah o kaya nama'y hindi ka makakarating ng langit at mapapadpad sa impyerno. Ano ba! Reward-based!
Okay. Hindi na naman organized. Sorry naman.
Saturday, March 31, 2007
Humihingi ako ng patawad sa (mga) nagbabasa ng blog na ito dahil sa hindi ko pag-post ng matagal na panahon ngunit sana'y inyong intindihin na masyadong maraming bagay ang kumukain ng oras ko noong nakaraang buwan. Kung hindi pag-aaral at pagpapaka-geek ay StDC naman ang inaatupag ko. Ako nga pala ay ang Vice Pres ng org na iyon kaya dagdag responsibilidad at bawas oras sa mga ibang bagay. Sa kabutihang palad naman ay wala naman akong sakit na malubha; wala akong PTB o anu man(maraming salamat Dra sa Makati Med; baliw kayo mga taga-MCU) ngunit ang isang doktor ay sinasabing baka may bulate raw ako. Ngek! Ano ba iyan! Joke ba iyon!
Holy Week sa susunod na linggo kaya huwag kayo masyado umasa na makakapag-post ako uli pero susubukan ko talaga. Matapos naman ang Holy Week ay aalis ako ng bansa(sana lang matuloy...) at magbabakasyon kaya no posts uli pero matapos iyon magiging regular na uli ako. Pwamis!
Summer na at ang init! Wala nang student discount sa jeep, nakakaasar mag-commute at may summer classes ako(actually, 2nd sem pa rin sa up) with ma'am ilao!
Sunday, February 25, 2007
Edsa I Revolution
Birthday ni Mel
Ang araw matapos ang kaarawan ng aking ama
2 araw matapos ang Simulaw, ang variety show ng CPH
Pagpasok ng mga housemates sa Pinoy Big Brother 2
Unang araw ng Toxic Week part 2
Field trip ng mga ka-block ko para sa Hum II nila. Di ko sila kaklase sa Hum, di ako kasama
Nakalimutan ko magpagupit
4 na linggo na lang bago matapos ang klase: 9 written exams, 2 reports, 1 movie, 2 papers, 1 essay, 1 poem, 1 written report, ~8 quizzes, 1 pe recital na i-o-organize, 1 dance, 1/3 expt, 2 practical exams
Patawad kung maikli lang ito. Toxic na naman. Walang katapusang pagdurusa. Nagpunta nga pala kami kahapon sa Banahaw. Pumasok ako sa Husgado, wala akong sugat pero muntik na. So, malapit na akong matawag na makasalanan. Kita na lang tayo muli kapag hindi na ako ganoon ka-toxic. =)
Saturday, February 10, 2007
Hindi pala magandang ideya na manood ng Grey's Anatomy sa umaga. Magiging senti at problemado ka pagkatapos. Pero baka ako lang iyon.
Naiipon na naman ang mga gawain sa paaralan. At puro tungkol sa pag-aaral na lang ang nasa isip ko. O sige na nga, isama mo na ang StDC.
Ang hirap talaga kapag mag-isa sa laboratory. Noong nakaraang Huwebes kasi biglang nag-absent ang lab partner ko. Kakabwiset, monitor pa naman kami. Tapos, ang mga kaklase ko pa hindi matinong kasama. Ilalagay lang ang takip sa reagent hindi pa magawa! Hindi ba nila maisip na qualitative analysis ang ginagawa namin? Quali! Napakahalaga sa mga analysis na ito na maging malinis ang mga reagents! Aargh! Nasigawan ko nga sila eh. Hehehe... nag-ayos sila bigla pero mamaya-maya ayan na naman, ang mga takip nagkalat. Tapos ang aking partner na nag-absent hindi pa binigay ang dapat niyang ni-research. Hindi ba niya maipaliwanag sa magulang niya na kailangan niya ang kanyang cellphone upang malaman kung ano na ang nangyayari sa kanyang pag-aaral? Ganoon na ba ang kakulangan ng cellphone sa mundo at hindi man lang niya ako ma-text na hindi siya makakapasok?
Hinga... hinga...
Tapos ang StDC na iyan, mga members nagkakawalaan. Hindi umaatend. O kaya naman, aatend nga uupo lang. Walang ginagawa. Hindi man lang kasi magsabi ng dapat gawin ang mga nakakatanda eh. Ano ba ang alam namin sa mga plano niyo? Ginawa namin, ayan na, meron na, ano ang susunod? Aargh!
Ano ba yan! Ginawang tambakan ng galit ang blog. Minsan na nga lang mag-post, hindi pa matino. Sana maging masaya ang susunod na linggo kahit mayroon na namang pagsusulit.
Wednesday, January 31, 2007
Ang lungkot naman ng buhay ko ngayon... puro na lang grades... bwiset... sana iba na lang ang paraan nila ng pamimili ng mga taong ipinapasok sa med school. Sana huwag na masyado sa grades, gamitin nila ang kagustuhan at motibo ng mga tao sa admission. Mayroon nga diyan mga med student na nag-do-doctor kasi gusto lang ng mga magulang nila. Isang malaking ka-bobohan. Nag-aral sila mabuti para lang agawan ng pwesto ang mga taong gustong mag-doktor pero sa kasamaang palad ay mababa ng kaunti ang grado. Alam ko naman walang kwenta ito. Nabwibwiset lang ako. Siguro bukas i-co-contradict ko na ang tinayp ko dito. Pabayaan mo na nga.
Pero may magandang balita rin. Natututo na ako sa Chem 31. Dati kasi(sa ibang Chem) nag-aaral at nakikinig sa guro pero ngayon nakikinig na lang ako; hindi ko na kailangan magbasa ng libro. Siguro epekto na rin dahil nawawalan na ako ng oras na magbasa at mag-self-study. Kung sana ganito lahat ang paraan ng pagkatuto sa UP. Uupo ka, makikinig at matututo. Mababawasan ang oras na kailangan sa pag-aaral at pagbabasa ng libro at magagamit para sa ibang bagay tulad ng pagtugtog ng instrumento, pag-vo-volunteer, pagsasayaw, pamamasyal, pagtulog, at iba pa.
Nasira nga pala ang digicam namin. Nagloloko ang LCD screen. Sana nga LCD lang iyong may sira kasi kung i-u-upload ko maayos pa rin ang litrato pero kung ang lens, nyay. Ayan tapos na mag-patch. Babay!
Sunday, January 21, 2007
Kumusta naman ang 10 araw ng pagsusuot ng salamin? Wala. Ganun. May isa akong kaklase na sinabi na tumanda ang itsura ko, iyong isa bagay raw, sabi ng ilan pa mas nag-mukha raw akong "boy genius"(boy siguro, genius... ewan), at ang paborito ko, "Nerd/Geek ka na!" At totoo nga, ako ay isa nang tunay na geek at nerd pero ibawas mo ang techie part dahil hindi ako techie, kaya nga public health at medicine ang fields na pinili kong aralin hindi engineering o computer.
Natutuwa na rin ako sa aking mga salamin dahil mararanasan ko na rin sa wakas ang mga stereotypes ng pagkakaroon ng salamin. Mas mararamdaman ko na ang pagkakahon ng ginagawa mga tao. At higit sa lahat, ang kanilang pagkagulat na mayroon pa akong ibang kayang gawin bukod sa pag-aaral at pagbabasa. Tapos mas matututo na sila na maging mas makatao.
Tungkol sa pagsusuot ng salamin. Hmmm... naasar ako kasi kakaiba ang mga kulay ng mga bagay. Idagdag mo pa na hindi mo makikita ng maayos ang mga kulay at ilang detalye kapag madumi ang salamin mo at napaka-imposible na mapanatili itong malinis. Pilik-mata ko pa lang eh isa nang nagpapadumi nito. Sana nga may maimbento silang self-cleaning glasses, iyong tipong may mga microorganisms na kusang nililinis ang salamin o kaya naman ay may layer na nirerepel ang mga dumi kahit ang mga kadalasang dumi lang tulad ng patay na balat at pawis. Pero masaya kasi mas malaki at malinaw na ang mga bagay. Ang mga dating bagay na sa malayo ay hindi ko na makikita nang maayos ay nakikita ko na ngayon.
Bakit hindi na lang ako mag-contact lens? Kasi masyado raw mababa ang grado ng mata ko. Ewan ko pa kung ano ang kahalagahan niyon. Sabi nila huwag na lang raw, tsaka burara ako at madaling makalimot kung saan binababa ang mga bagay-bagay. Kaya salamin na lang.
***********************
Jan 13: Test sa BIO 102. Mga buto. P*ta. May makikita ka ba sa field ng buto na galing sa dibdib ng manok na nakadikit sa buto mula sa braso ng pusa? Siguro kung mag-pa-paleontology ka pero PH po kami!
Jan 19: Nagbalat kami ng pusa. Babae na payat sayang nga lang at hindi buntis. Nakakapagod at nakakangawit. May mga nadali akong muscles, iyong isang naka-insert sa skin at iyong isang nababalot ng taba.
Kahapon: Sayaw Manila: Icons. Nagsayaw kami(StDC). Nagkamali ako. Tanga talaga. Galit ako ngayon sa sarili ko. Hindi ko alam kung kailan kami magbabati. Napapaisip ako kung ano na ang mangyayari sa StDC, kung paano namin aayusin iyon at kung handa at dapat nga ba kaming sumali sa mga dance compet.
Dance compet. Para sa akin walang kwenta ang mga ito pero ginagamit kasi nila itong basehan ng galing ng isang dance org. Oo, malaki pa ang dapat i-improve sa StDC at magaling nga ang iba(hmm... sinong iba? Clue: Hindi Manila-based ang org na iyon). Kailangan ba talaga ng dance compet? Teka, kailangan ba talaga ng mga kompetisyon? Siguro sa kalikasan, para maituloy ang evolution at pag-unlad ng mga buhay na bagay pero sa buhay ng tao kaya? Hindi ba nila nabasa ang Hope for the Flower? Siguro hindi, mahal kasi at pangit pa ang papel. Pero, kung iisipin hindi naman nagkakaroon ng gaanong away sa pagitan ng mga dance org at mukha naman silang magkakaibigan.
Saturday, January 06, 2007
Sa ibang balita naman, palapit na rin ng palapit ang Concert ng Indayog kung saan guest performer ang UPStDC na aking kinasasapian at hindi pa namin naaayos ang aming sayaw. Kalait-lait pa rin ang aking bersyon ng sayaw at hindi ko pa ganoon kasaulo ang mga galaw. Tapos dumating na naman ang isang pananawagan para sa mga paglalarawan namin sa aming sarili na gagamitin sa yearbook na hindi matapos-tapos gawin. Ayos lang naman kung wala eh, bigyan lang nila ako ng kopya ng picture ng mga tao na may pangalan at ilang karagdagang detalye pero nakapagbayad na ata sa publisher at minsan nga lang naman magkakaroon ng yearbook kaya ayun.
Hindi ko pa rin naaayos ang site na ito at nadadagdagan na naman ang mga gawain ko sa paaralan. Kung hindi ako nag-aaral ay nagbabasa ako ng mga online comics. Masaya at nakakasayang ng oras; oras na sana ay ginagamit sa pag-aaral at pagbabasa ng Hyman at Kent. Natigil na naman ang aking pag-aaral ng sax at wikang Italian, sayaw at aral muna. Naiingit tuloy ako sa mga bata pa lang pinilit na ng mga magulang na matuto ng kung anu-ano tulad ng pagtugtog ng piano o kaya isports... ay teka may tenis pa pala pero sa summer na lang ako siguro maglalaro ng maayos.
Sa mga online comics, nirerekomenda ko ang Laura's Comics. Wala nang updates pero marami na namang nagawa eh kaya ayos lang. Eto ang URL: http://iqp.laurascomics.com. Medyo mabagal mag-load pero sulit naman.
Tuesday, January 02, 2007
HAPPY NEW YEAR!
1. Kanta sa PI - irerecord at i-bu-burn
2. Maikling kwento sa PI - pagtagpi-tagpiin ang mga eksena
3. Mag-aral para sa LT sa Chem31
4. Problem set sa Chem 31 - bwiset!
5. Comp Ana Lab - aralin ang mga buto; i-prioritize ang manok at shark
6. Header ng blog - =p
7. Linisin at ayusin ang bag para bukas
8. Sagutan ang mga Lab Data sheet - kulang pa ang data, mag-lib sa thursday
9. Gumawa ng mga schematic diagram - eto nagawa ko na! yehey!
10. matulog - uh... never mind.
Pictures na kinuha sa concert ni Mishka Adams:



Pagpasensyahan niyo na kung medyo madilim. Iyang apat lang ang pinaka-matino kong kuha. Syempre nahiya ako kumuha ng kumuha at ayaw ko naman gamitin masyado iyong flash(bastos kaya iyon...). Mukha lang malayo pero malapit talaga ang pwesto ko. Hehehe...
Friday, December 29, 2006
Dec 24: Nagluto ako ng Fetuccini Carbonara at ng Asparagus wrapped in bacon... =P Pero sa totoo, utos lang ako ng utos sa aking butihing ina. Medyo naging matapang ang Carbonara sauce noong simula pero pinagpilitan ng nanay ko na lagyan ng mais kaya biglang boom! umayos na. Sa susunod siguro dapat bawasan ko ang nilagay kong keso at gumamit na ng cream kasi naging masyadong matubig ang sauce.
Dec 25: Pasko! Maaga kami gumising para makauwi kami kaagad sa Bulacan. Hindi naging matino ang Pasko ko kasi natulog lang ako buong araw. Gumising lang ako para kumain at laruin ang aking inaanak at magbasa ng Hyman(oo, nag-aral ako noong Pasko). Sinulat ko na rin ang rough outline ng aking short story para sa PI. Nag-rent ng videoke ang aking pamilya at mamatay-matay ako sa ingay nila. Wala talagang marunong kumanta sa aming angkan.
Dec 26: Nasa Bulacan pa rin kami. Naglaro ng PS2 at nag-aral. Kaarawan ng isa kong pinsan at isa kong pamangkin. Walang party pero may pagkain na naman. Umuwi kami ng bandang hapon.
Dec 27: Namasyal kami ng aking mga kaibigan sa MoA. Balak ko sana tatlo lang kami tapos biglang naging labing-isa. Nanlibre ako ng panonood ng sine. Zsa Zsa Zaturnnah Ze Movie(ugh... Zusammen at Entgegen isomers...). Maayos naman ang pelikula, pero mas maganda siguro basahin ang comi... uh... graphic novel at panoorin ito sa teatro. Mas macho pa si Rustom kaysa sa kay Alfred Vargas. Ang ganda ng mga song and dance parts ng movie. Medyo hindi klaro ang romantic angle ng pelikula, sa mga conservatives, don't worry walang kissing scene... teka... meron pala... sa noo. Ang corny talaga, parang lolo sa apo. Hehehe... Kailangan maging mababaw ng kaunti para ma-appreciate ang pelikula. Favorite monster: Giant Frog. Ang oti nila dahil hindi nila sinusunod ang batas ng kalikasan lalo na ang sa Pisika. Bakit hindi nasisira ang lupa kapag bumagsak ang isang bagay na mabigat at mabilis? Sayang at hindi kami nakapanood ng pangalawang pelikula dahil kulang sa oras, bawal kasi gabihin ang ilan sa amin. Dumaan ako sa UPM-CAS ng pauwi na ako para kumuha ng problem set, hindi ako pinapasok ng gard. Sayang at napagod lang ako.
Dec 28: Kaarawan ko! Hehehe! Sabi sa horoscope ko makakatulong raw ang mga Scorpio at Libra sa akin sa susunod na taon at dapat raw mamamasyal at maglayag raw ako sa May. Hmmm... Nanood ng National Geographic Naked Science at Grey's Anatomy. Nalaman ko kung paano nabuo ang Universe at kung ano ang paniniwala nila tungkol sa end nito. Ang mangyayari pala, mag-e-expand ng mag-e-expand ang universe. Pabilis ng pabilis ang expansion nito hanggang maging isolated ang mga star systems, galaxies, etc. Tapos masisira na ang mga stars, magiging kung anu-ano tulad ng black hole at supernova. Nag-e-expand pa rin ang universe habang nangyayari ito hanggang pati ang pinaka-basic units of matter ay maghihiwalay(protons, neutrons, electrons, etc) at magiging stagnant na ang universe. Binubuo ng mga nagkalat na particles na hindi na nag-iinteract sa isa't isa at wala nang pag-asa pa mag-interact sa isa't-isa at iyon na talaga ang The End. Ang lungkot kaya niyon. Pero sa tingin ko may mali sa theory na iyon, kasi paano naman masisira ang isang nucleus kung walang maraming energy? Pero baka bunga ito ng mabilis na expansion.
Dec 29: Ngayon iyon eh! Balak ko sana tapusin na ang PI short story ko... baka mamayang gabi na lang. Banned na sa Metro Manila ang "Boga" o PVC cannon. Himala ito! Wala nang maingay at mga pesteng batang naglalakad-lakad na buhat ito! Yehey! Yehey! Yehey! Noong nagkasakit kasi ako noong nakaraang taon, bwisit na bwisit ako sa Bugsh na ginagawa ng Boga. Hanggang ngayon naman inis pa rin ako.
Friday, December 22, 2006
Ayos lang naman ang nangyari, kung ikukumpara sa ginawa ko sa Pahinungod, mas madali siya at mas ligtas. Kasi naman, matapos ang una kong duty noon sa ER nagka-sipon ako bigla; sa PCMC, Christmas Program assistant ang naging duty ko kaya ligtas sa sakit.
Anu nga ba ang pinaggagagawa ko? Noong umaga, wala masyado. Nag-gupit lang kami ng mga letters para dun sa stage. Masasabi ko talagang, tumitino na ako sa paggamit ng gunting. Naaalala ko pa noong kinder ako, tapos hindi ako maka-gupit ng maayos kahit papel, pero siguro masisisi ko iyong mga pangit na gunting na mapurol o kaya naman eh may balot pang plastic. Oo nga pala, dumating din si Gelain so tatlo na kami na magkakakilala(may other volunteers rin). Tapos noon nag-lunch kami sa Napocor, nakita pa namin daddy ni Madie.
Noong hapon naman naging utusan na kami talaga. Akyat-baba kami ng hagdan(1st to 2nd flr lang naman) para magbaba ng gamit. Ang gulo-gulo nga eh, parang windang pati iyong project manager. Basta, nagbaba na lang kami ng gamit. Matapos mababa ang mga prizes(may isang Charmander doll na gusto ko sanang dekwatin ang kyut kasi...) at kung anu-ano pang mga kagamitan, dinikit na namin ang mga letters sa stage. Medyo nagtagal kami kasi hindi namin matanto kung paano ilalagay, walang instructions kaya ginamit na lang nila Madie at Gelain ang kanilang creative minds para malagay ang letters. Tumulong naman ako, taga-dikit at taga-punit ng tape. Ang galing nga kasi, pagkatapos na pagkatapos namin maisaayos iyon pinababa na kami at nagsimula na ang program.
Kala ko pahinga na kami matapos ang program pero hindi pala. Unang sabak namin ay noong nag-game. Buti na lang at 4 yrs old lang and below ang mga bata kasi kung mas matanda pa baka mapamura ako doon(medyo fresh pa ang memories ko sa Hospicio). Ang laro, pass the ball, kapag huminto ang kanta at nasa bata ang bola, out na siya pero eto ah... may prize pa rin! Ang saya noh? Nakakatawa kasi parang hindi naiintindihan ng iba iyong instructions, siguro kasi 4 and below nga naman. Ano ang parte namin? Eh di, taga-pasa at taga-bantay. Pasa kapag nahihinto, bantay kasi iyong ibang bata hinahagis iyong bola o kaya naman lumalayo at baka mahulog sa stage. Nakakatawa nga kasi, iyong part ni Gelain ng bilog, iyong mga bata doon hindi marunong. Hinuhulog nila ang bola, tapos kapag pinulot na ni Gelain at binigay, mag-sto-stop ang music so out na iyong bata. Hehehehe... Proud naman ako kasi nasa top3 ang isa sa mga "binantayan" ko at tutal kasi isa siya sa mga nakakaintindi ng ginagawa nila.
Matapos iyon, may mga mascot naman. So, tayuan lahat ng bata at nag-akyatan sa stage. Pinatawag na naman kami at taga-pigil kami. Hehehe... parang mga marshalls noong oblation run... tsk tsk. At dahil puro "excitement" na ang sumunod, hindi na kami umalis sa gilid ng stage. Dumating pa nga si Iya(vj ng myx, host sa wowowee, promoter ng acsat, iyong parang bola/apple/puso iyong ulo) at kumanta(never mind). Syempre, piktyuran na ito, kaya lang mababa ang resolution ng cam ko sa phone kaya ayun.
Isa pang highlight ay noong dumating ang isang pharmaceutical company, para sa mga bata may mascot sa matatanda, may libreng Vit. C! Grabe! Mga pinoy talaga kapag libre pinag-piye-piyestahan! Wala pang 10 secs ubos ang isang karton ng mga bote ng vit C at naging mukhang harassed iyong tagabigay. Tungkol sa mascot, matapos nito magsayaw ay umalis na ito. Nagtanong ang isang bata sa akin, "Kuya, masakit ba ang ulo ni
Mamaya-maya bigla akong tinawag. Parte na raw ako ng caroling! Kumusta naman! Pero sa totoo hindi lang ako ang nagulat, si Madie at Gelain rin. Kasi ang balak nila hanggang 5 lang sila, tapos baka gabihin pa tuloy sila. Pero dahil ako'y nagkukunwari lamang, tumakas na ako. Naisip ko lang, pakiramdam ng PCMC isang hukbo ang dami ng kanilang volunteer at wala itong mga sariling mga balak.
UPDATE: Nag-text si Madie sa akin noong dec. 25, may chocolate raw ako mula sa PCMC. Wow! Biruin mo, isang beses lang ako pumunta tapos may chocolate ako.
Tuesday, December 19, 2006
Saturday, December 16, 2006
Ganito kasi yan. Nasa UPD ako kahapon para umatend sana ng practice namin para sa gagawin mamaya. 11 ang usapan, bawal raw ma-late dahil iiwan ang mga iyon, madali naman ako. Tapos pagdating ko sa meeting place(tambayan ng Kisay batch '05) wala pa pala, ma-la-late rin raw si Jeanine(ang may pakana ng lahat at ang debutante). Nandoon pa lang si JC, si Xy and assorted batchmates.
So, mag-aantay pa ako tapos may rally pa sa AS lobby, may media pa(pero di ko alam kung OR o itong rally ang ipinunta nila). Iyong speakers nakatapat sa amin so iyong kaliwa kong tenga madudurog na. OA naman kasi, dalawang mic ang gamit ng mga nagsasalita tapos pasigaw pa! Pero siguro para na rin matalo ang pinagtipon-tipong daldal ng mga tao sa lobby. Tungkol saan ang rally? Syempre sa Tuition Fee Increase(TOFI o TFI o TI bala ka kung ano ang gusto mo).
Nag-text si Jeanine, 1130 raw siya darating. Mamaya-maya 1130 na, ala pang G9! Mamaya-maya may mga marshalls na na dumating, pinapaurong kami at pina-pa-clear iyong steps, doon raw daraan ang OR. (OMG! OMG! Pano pag nakuhanan ako ng camera at nakita ako sa TV! Yak! As if! Joke lang! Ano naman ang pake ko sa mga nakahubad na iyon!) Ayan! Maya-maya dumaan na! Sigawan! Piktyuran! Bidyuhan! Sabi ni JC, para raw na-de-demonyo ang mga tao habang dumadaan sa harap nila ang OR participants, uhmm... ewan ko kung totoo iyon. Isa pa pala, onti lang ata ang outsiders(may mga turistang Koreano) ngayong taon o baka wala kasi nag-implement ang AS ng bagong rule: No ID, No Entry. Pero hindi sila ganoon ka-strict kasi iisa lang ata sa mga pasukan ng AS ang binabantayan.
Comment sa OR? Uhmm... ewan. Ayun. Tumakbo sila. Sana nga lang iyong pinatatakbo nila mga physically fit. Kasi parang after ng ilang metro napagod na ang iba at naging Oblation Walk na lang. Talo pa sila ng mga media na sumusunod sa kanila, partida na nga kasi may buhat ang mga iyon na equipment, iyong participants roses lang! Sa size? Uh... eto na lang ang sasabihin ko, length doesn't matter kasi ang g-spot ng kababaihan(ng lalake rin siguro, di ko sure) ay ~1.5inches lang mula sa opening. Kaya ayun... iyon nga lang baka di kasya sa condom(may research na raw tungkol dito).
Ano ba ito?! Any who, iyong napanood ko ang OR, umalis na ang mga tao. Ang iba nagpunta sa Quezon Hall para mag-barikada, iyong iba umuwi, iyong iba nagpunta na sa dapat nilang puntahan. Natuloy nga pala ang Lantern Parade, pinagpilitan kasi ata ng mga FA at ano nga naman ang karapatan ng UP Admin na ipagbawal ang pagsasagawa nito matapos ito paghandaan ng mga tao ng ilang buwan.
Ayun... Xmas break na. Dalawang linggo, isa para sa studies at isa para sa pamamahinga.
Saturday, December 02, 2006
Noong Huwebes, dahil nga walang pasok, nanood kami ng Inang Yaya at oo, mala-review na naman itong post na ito. Ang galing talaga ng Unitel! Simple lang ang kwento at walang eklat-eklat sa paraan ng pagkwe-kwento. Ang ganda ng mga kuha(cinematography). Ano pa ba? Uh... mahusay iyong mga gumanap. Ano ba yan? Ang generic! Sige...
Ang lakas ng pelikulang ito ay makikita sa tauhang si Ruby. Maganda naman ang main story. Maayos ang pagkakalantad, wala naman parteng aantukin ka(may nakita nga lang akong natutulog pero matanda na siya baka ganun lang talaga siya) at mapapaluha ka nga. Pero ang nagpaluha sa akin(oo, naiyak ako. Big deal!) ay iyong eksena ni Ruby at ni Lola Toots(Toooots ayon kay Louise). Kasi, si LT ay galit kay Ruby at may bias dito(anak ng katulong...mababang uri...blah blah blah). Isang beses, nahuli ni LT na pinanonood ni Ruby siyang matulog(kasi ka-o-opera lang sa kanya). Galit nitong sinunggaban ni LT at tinanong kung bakit siya pinanonood. Sagot ni Ruby na tinignan niya raw kung buhay pa siya kasi ang kanyang tunay na lola akala niya natutulog lang tapos hindi na pala. Puro at malinis na pag-ibig! Ah! P*ta! Siguro, malalapit ang mga eksenang ganito dahil sa aking butihing lola na napili gumising sa panaginip na ito habang katabi ko siya.
May magandang tanong ang pelikula, sino ang ililigtas mo kapag papalubog ang barko, ang iyong ampon o ang iyong tunay na anak? Tandaan na parehas mo silang minamahal at pinalaki mula nang sila ay sanggol pa lamang. Malamang marami sa atin sasabihin na, syempre ang tunay kong anak! Duh! Mas makapal ang dugo kaysa sa tubig noh! Pero maganda ang sagot ni Norma(Marical Soriano), sabi niya na gagawin niya ang lahat para lang mailigtas silang dalawa. Pag-ibig! Ah! P*ta! Tao nga rin naman iyang ampon mo! Mahal mo nga rin naman siya! Bakit ka mamimili, dapat nga ay gawin mo ang lahat na iligtas sila parehas.
Magulo ba? Panoorin mo na kasi! Ops! Sa sinehan ah! Wag pirata!
Friday, November 24, 2006
Saturday, November 18, 2006
Nawala ata ako, ayun... nakakatuwa iyong pelikula. Kailangan mapanood niyo iyon. Medyo oti at may pagka-theatrical iyong ibang umaarte pero ayos lang. Iyong plot at pagkakakwento ang maganda at nakakapagpanatili ng atensyon ko. At isa pa, makikilala mo kahit papaano si Lino Brocka; hindi ko siya masyado kilala pero napanood ko na iyong ilang pelikula niya at AMAZING talaga. Isang bagay na natuwa ako, sa pelikula may lumabas na karakter pangalang si Kapitan Contra na ginanapan ni Bembol Roco tapos sa pelikulang Orapronobis may tauhang Komander Kontra na si Roco rin ang gumanap. Tapos siniraan pa nila iyong mga pamagat ng mga pelikula ni Brocka, hehehe.
Sa ibang bagay naman, may PTB like symptoms na naman ako at may suspicious object na nakita sa aking x-ray kaya iinom na naman ako ng gamot. Kailan ba ako makakawala sa sakit na ito? Paano ko mabubura ang sakit na ito sa mundo kung ako ay prone na makuha ito? Buhay talaga.
Tapos ang oti ng PI namin, literary aspects raw ni Rizal ang pag-aaralan. Ok. Pwede na rin pero gusto ko rin ng onting historical part, kasi ang daming kontrobersyang nababalot kay Rizal na hindi makikita sa kanyang mga akdang pampanitikan pero siguro kung sa panitikan pa lang baka nga isang semestre lang ang kasya kaya ganoon ang napagdesisyonan ng prof namin. Isa pa, ibabagsak niya raw kami kapag gusto namin historical approach. Tsk tsk tsk, mag-si-sit-in na lang ako sa ibang klase siguro.
Sunday, November 12, 2006
Nasayang lang ang sembreak na ito!
Wala man lang nangyaring kakaiba sa akin(liban sa ilang maliliit na bagay, hehehe...).
Tapos ayaw pa matanggal iyong pulang tira ng dalawa kong pimple sa ILONG! Teka, hindi lang sa ilong eh, sa gitna pa talaga!
Tapos nalaman ko pa ngayon, aabutin ng 6 hanggang 12 na buwan bago mawala iyon ng tuluyan.
Aaaargh!!!
Pero may solusyon, mag-apply ng hydrocortisone. Sana nga lang may naliligaw na ganoon sa bahay namin para hindi na ako bumili. Oo na! Vain na kung vain pero kasi sa ilong eh, buti kung sa ibang lugar.
At hindi ko pa tapos ang Noli, pero natatawa ako sa kopya ko ng Noli, may mga Ingles na salita tulad ng necessary evil, napaisip tuloy ako kung ano talaga ang ginamit ni Rizal. Kaya lang, sabi ng prof namin, kakaibang Tagalog daw ang gamit ni Rizal noon kaya mangarap na lang ako o kaya maghanap ng mas magandang modernong bersyon.
Para matuwa tayo sa ating buhay, tignan na lang natin ang mga larawan ng aming asong si Barbie(di ako ang nagpangalan niyan noh!)


Saturday, November 11, 2006
Ayun... pasukan na. Kakapanood ko lang pala ng Alice ni Woody Allen sa Lifestyle. Ang kulet! Hehehehe...
Thursday, November 09, 2006
Friday, November 03, 2006
Kasi naman, nag-pra-praktis kami para sa sayaw sa debut ni Jan(pics ng debut niya sa Tuesday ko siguro i-po-post), may kasama pang coat and tie at lahat ng ka-pormalan(Kadiri talaga ang shoulder pads). At syempre naglaan rin ako ng panahon para sa pagpunta sa sementeryo at pagbisita sa mga (buhay na) kamag-anak ko sa Bulacan. Nagulat nga ako kasi ngayon ko lang napagtanto na umabot ng 109/110 isa kong kamag-anak, isipin mo yon! Eh di kung hereditary ang life span, mataas ang tsansa na umabot ako sa ganoong edad pero nagka-Alzeimer's at siya o naging senile noong mga ganoong edad pa siya. Isa nga lang nakakatawa kasi kung hindi raw nadulas iyon sa kinauupuan niya, hindi pa siya siguro namatay. Teka! Kanina lang muntik na ako mahulog noong nag-duduyan-duyan ako sa upuan ko. Hala! Dapat mag-ingat!
Kaarawan nga pala ngayon ng aking kaibigang si Duga(Jesse James ang tunay niyang pangalan) at bukas ang kay Jan(Joanne).
Grabe, matatapos na ang aking pagiging second year at junior standing na kami next sem. Hala! Oh no! Pano na ito!
Nagkasunog nga pala malapit sa amin kanina; 19 na bahay ang natupok. Kagabi pa naman nababagabag ako na magkasunog at tinignan ko pa nga kung nakasara mabuti ang gas namin. Coincidence lang ba ang mga ito? Kung reader ka ni J. Zafra, maiisip mo na ito ay isang kaso ng synchronicity(spell check!).
Saturday, October 28, 2006
Ano na ba ang nagawa ko? Umatend ng praktis at training, nalaman ang grade sa bio, nakagawa ng ilan kong dapat gawin, nabasa ang prequel ng WoT "The New Spring" at nakahabol ng onting tulog.
Ano na ang nangyari sa paghahanap ng photoshop? Sa kasalukuyan kasi kulang ako sa pondo at hindi makabili ng pirata kaya ganun.
Sige, magpahinga muna tayong lahat. Malapit na ang Nov 1, oras para balikan at alalahanin ang mga nagising na sa kanilang panaginip.
Thursday, October 19, 2006
Kailangan maging productive ang sem break ko. Kailangan! Ang mga balak ko ay basahin muli ang Noli at Fili, likhain ang 2 bagay na dapat kong likhain, mag-tenis, maghabol sa tulog(sa bulacan ko na lang siguro gagawin iyon), magpataba(as always) at maglaro ng FFXII(na lalabas sa Oct 31). Syempre, aayusin ko rin ang header nito. Opo, wala ako sa ER ngayong sem break. Sa summer na lang kasi may mga bagay na nauna dumating at mas importante(pero importante rin naman ang Pahinungod).
Excited na ako para sa 2nd sem pero gusto ko muna magpahinga at maghabol sa tulog dahil wala ata akong matinong tulog na makukuha next sem(2 days na 7am-7pm classes at iyong 3 malamang para sa paggawa ng assignments).
Tuesday, October 17, 2006
I think I promised to myself never to cram again but here I am, cramming. To tell the truth, I took a nap this afternoon so I would be able to last till tomorrow morning. After this ordeal, I'd probably promise never to cram again and then after 6 months I'd be posting a message about cramming for this certain paper. Okay! Break is over, got to get back to work.
Friday, October 13, 2006
Wednesday, October 04, 2006
Iyong test namin ay ang pangatlo sa apat na tests. Sabi niya, iyon raw ang pinakamahirap. Mahirap, oo pero mas mahirap pa ang chem18 dep. Ang problema, matagal ito sagutan. Kalagitnaan ng test, maiisip mo, kung tumayo na lang kaya ako? Hanapin ang lunas sa HIV-AIDS? Tulungan ang mahihirap imbes na sagutan ito? Pagkatapos mapapatulala ka sa kawalan at biglang mapapansin ang orasan. Teka! 5 ng hapon ako nag-start ah, 8 na pala! Bukod pa doon, mananakit ang daliri mo. Ako nga biglang nagka-kalyo sa daliri. Epekto siguro ng mahigpit na hawak sa bolpen na bunga naman ng inis.
Dahil sa test na ito, pagdating ko sa bahay pakiramdam ko binugbug ako. Gusto ko nang bumagsak sa kama! Hindi naman siya kasing mentally-challenging ng chem 18 pero ang endurance mo naman masusubukan. May lima kasing problems at sa bawat problems may lima pa uling sub-problems. Ang isang sub-problem, kapag complete and systematic ang solution(wag na clean) aabutin ng mga 1/3 ng area ng short bond paper. Tapos mag-dro-drowing ka pa! PI! Sa totoo lang, ilang beses ako napamura ng test na ito at rinig na rinig ng katabi ko iyon.
Tungkol sa guro, may improvement! Binabantayan na niya kami! Dati kasi ibibigay niya iyong test tapos aalis, babalik after 3 hours! Buti na lang mabait kami at hindi kami nag-ko-kopyhan. Kumusta naman mga kaklase ko, pakiramdam ko babarilin ka niyong mga iyon kahit tignan mo lang ang mga likod nila! Bakit biglang nag-bago, si prof? Naisip ng kaklase ko bunga na rin ng biglang talon ng score namin from 1st test(pathetic, 50%mean, 12%SD) papunta sa 2nd(~65%mean, isa lang bumagsak ata). Naisip niya siguro na nagkopyahan nga kami! Please naman! Mabait nga kami!
End na ng formal classes sa tuesday! Yey! Babay prof!
Friday, September 29, 2006


Sa wakas na post ko rin!
Wala na naman kaming pasok bukas! Wala na rin akong natututunan sa Chem 27. Tigil na ako bago mag-power surge ulit.
Sunday, September 24, 2006
Sunday, September 17, 2006
Tumula at tumulala
Tumula at tumulala
Tumula at tumulala
tapos outline para sa paper at sa talumpati.
Toxic na naman.
Bakit ayaw ma-upload iyong pics sa blogger? O baka epal lang talaga iyong internet connection namin. Tapos iyong sayaw pala dapat ko nang tapusin. Tapos iyong costume ko sa Majica-inspired debut(t) ni Gelain.
Kumusta cla-cla? San kang univ/college pupunta after hs? Di ba gusto mo maging neurosurgeon? Debut kahapon ni tal kaya lang ala akong pics. Hehehehe...
Monday, September 11, 2006
Sunday, September 03, 2006
Next week na pala ako pre-hell week tapos HELL week na. Sa pre-hell tambak ng quizzes, reports at kung anu-ano pa sa HELL week lahat na isama mo pa ang tatlong dep tapos siguro after nang lingong iyon ang 3rd test sa chem27 na nararamdaman kong pinaka-BRUTAL sa lahat. Ang saya ng buhay PH!
Friday, September 01, 2006
Tapos ka-karma-hin ka! Hindi ako naniniwala sa destiny pero alam ko na kapag may masama kang ginawa, babalik at balik iyon sa iyon. Maaaring kapareha ng timbang o tatlong beses o pito, pero babalik ito.
Ayan, aral na uli!
Tuesday, August 29, 2006
Monday, August 21, 2006
Pansinin na karamihan sa mga kasuotang ito(buhok kung sa 80's) ay masakit sa mata, sa puso at sa isipan. Lalong-lalo na ang Majica. Majica, isang teleserye kung saan naubos na ang pondo sa pagbabayad pa lamang sa mga artista kaya mga pinagtagpi-tagping mga tela na lang ang mga kasuotan nila. Ok na sanang pinagtagpi-tagpi pero mga neon colors pa talaga ang pinili nila. At least ang Encantadia at Mulawin, maayos-ayos pa ang mga costumes. Nga pala, may susunod na naman na telepantasya, may knights of the zodiac pang nalalaman, pero kung wala si Angel Locsin at Richard/Raymond Guiterrez, maaari ko iyon panoorin. Pero maaatim ko naman siguro magsuot ng Anime inspired na costume, naiisip ko ang Rayearth at Scrapped Princess.
Saturday, August 12, 2006
Sunday, August 06, 2006
Pero dahil sa ka-toxic-an, nakapagtipid ako at nakabili ako ng CD ni Grace Nono. Oo na, may pagka-ewan ang aking choice of music. Syempre uunahin ko na iyong mga gusto ko na di-tipo ng iba. Syempre kung meron na sila, maaari ko na lang hiramin. Problema nawawala ang installer ng speakers ng pc ko, kaya walang tunog maliban sa hummmm... ng CPU.
Nakabalik na pala ako sa kisay, wala pa ring pinagbago. Kisay pa rin. Pumayat nga lang ang Physics teacher namin at may galit ata ang 3rd yr Chem teacher ko sa akin. =p
Syempre, wala na namang title at gagawa pa pala ako ng description ko; kilala ko pa kaya sarili ko noong high school ako?
Friday, July 28, 2006
GC
Saturday, July 22, 2006
Nakaka-kalma pala ang tunog ng hangin na dumadaan sa mga dahon ng mga puno. Pauwi kasi ako kanina mula sa upm kasi nag-test kami, at parang tinangay ako ng hangin. Subukan niyo, bisita sa pinakamalapit na kumpol ng mga puno at hintayin ang ihip ng hangin. Kung hindi dumating, ayos lang, matulog ka na lang sa ilalim noon, baka mapanaginipan mo pa crush mo.
Thursday, July 13, 2006
Just kidding... I do not need a someone. I believe in love and, contrary to some of my existentialist beliefs, believe it will come looking for me not me for it. In the mean time, I drown myself with cheesy, but very good, romantic songs and a little bit of jazz.
Or, maybe, I am not just in the right mood due to the storm and all the sleep I am getting. I need help... I think I am a depressed workaholic.
Wednesday, July 12, 2006
Nagkaroon ng gulo noong nakaraang araw sa aking mundo. May naasar sa akin, may mga taong hindi nagkaintindihan, naranasan ko na namang maging tagapakinig. Pero maayos na naman ata ngayon, bukas ko pa matitiyak. Ang hirap talaga ng buhay kapag may mga gulong ganito ang uri pero ginagawa nitong makulay ang buhay.
Ang galing ng utak ng tao. Pauli-ulit ko itong nabanggit ngayon. Isipin niyo, kaming mga PH students ay mayroon nang dalawang chem book sa aming utak tapos madadagdagan pa ng isa pagkatapos ng sem na ito. Samahan mo pa ng 1-2 na zoology books at 1 physics book. At studyante pa lang kami, paano pa iyong mga guro natin? Tapos hindi lang naman iyon ang laman ng utak namin, syempre may ibang bagay pang nandoon. Ang galing noh?
Balak ko na maksulat ng nobela balang araw pero habang lumalaon kami sa humdades 1 class parang nagbabago ang isip ko. Kasi pakiramdam ko hindi ako makakagawa ng akda na ganoon ang antas ng kagandahan, pagkaayos at pagkamalikhain. Isipin mo, naisip ng manunulat na ang salitang ito ang pinaka-angkop na salita at dahil sa isang salita maiintindihan mo ng lubusan ang akda. Ang kabigatan ng akda ay dinudurog ako. waaah! Pero nandiyan pa naman ang fantasy fiction, ang saya gumawa ng sariling mundo(iba ang creative sa oti).
Monday, July 10, 2006
Nadal is in the final... oh well...
------
Napag-isip-isip na rin ng aming chem lab prof na nahihirapan kami gumawa ng mga lab report, kaya nilipat niya ang deadline. Dati huwebes, 5:00 ng hapon, ngayon biyernes, 5:00 ng hapon na! Pero hindi yata ganito next week.
Nalalapit na ang mga tests, nagsimula na sa biolab kung saan kung anu-anong mga tissue ang mga pinatingin at pinahulaan sa amin. Sa awa ng Diyos, nakapasa ako sa patikim, pero nakasabit lang. Tanga tanga kasi, tissue na nga pinag-aaralan cells pa rin nilalagay. hay...
May cellphone na pala ako, same number pero ibang unit. Nawala ko nga lang iyong mga contacts ko kaya kapag may nag-text huhulaan ko pa kung sino ang nag-send niyon.
Tuesday, July 04, 2006
Yehey! Marami-rami na ang nag-o-audition sa STDc. Gagagawa pa pala ako ng webpage-kuno ng org na ito, ano kaya magandang host... bravenet na lang siguro...
Sunday, July 02, 2006
Sugiyama beats Hingis!
Murray beats Roddick.
Someone beats V.William!
boo nadal boo!
At least Feddy is still in the tournament.
Nadal might have won because of his youth, or because Agassi is just tired. I saw a glimpse of the match and Agassi is just not himself, playing near the baseline, hitting weak ground strokes. oh well... boo nadal boo!
Friday, June 30, 2006
Toxic kami ngayon o pina-pa-toxic ko lang dahil sa STDc. Siguro kung wala akong org ang aga palagi ng uwi, kaya lang hindi masaya ang buhay kung wala akong org.
Sunday, June 25, 2006
Naliligaw
Ano ba ang nangyari noong nakaraang linggo? Ewan. Basta dumaan lang siya. Nasa blah state na naman ako, hindi ko masimulan tuloy ang aking mga takdang aralin. Bakit kaya ganito? Sana may mangyaring masaya bukas para bumalik ako sa masipag na estado. Nakakainis pa dahil kung kailan gusto kong mag-burn ng CD ay biglang nasira si burner. Hindi pa nga namin nagagamit iyon eh! Mukha lang akong ewan, pero ang dami talagang nangyari noong nakaraang linggo. Nag-lab kami, nagkasakit ako, nag-"quiz" kami sa CommIII Fil, humawak ng microscope, nanood ng "The Nun"(basura), may nalaman na bagay na katawa-tawa, nagsayaw, at kung anu-ano pa. Para bang gustong mag-pahinga ng utak ko at ayaw muna mag-isip ng mga bagay tungkol sa bio at chem(!). Pero mali ito, dapat bukas matino ka na, Ado! Laki na rin ng mga tupi sa ilalim ng mata mo at pumapayat ka na naman.
Wimbledon na pala bukas! Mananalo kaya si Feddy?
PS. Trend ba ito? May pic sa mga post?
Saturday, June 24, 2006
Thursday, June 22, 2006
nasan na ang ulan?
Sunday, June 18, 2006
Saturday, June 17, 2006
part 2
Mukhang mabuti ang araw na ito dahil may dumating agad na tren at buti na lang naisipan kong magdala ng pamaypay dahil basang-basa na ako ng pawis. Pagdating sa 5th ave bumaba ako at nakita na wala pa ang tatay ko. 5 minuto pa, wala pa rin. Nagsimula na ako magdasal, at pagmulat na pagmulat ng mata ko dumating ang aking ama. Wow! Takbo takbo ngiti ngiti... Nakabalik na ako sa UPM at nalaman kong tapos na ang kaklase ko mag-enrol. Sige ayos na, mabilis rin ako matatapos siguro. Ayan na... tentenenenenen... pagbukas ko ng pinto ng OCS nakita ko ang dalawa ko pang kaklase na huli rin mag-enrol. Laking tuwa ko dahil may kasabay pa ako mag-enrol. Dahil medyo maraming grad students na nakipagdaldalan muna ako sa kanila. Skip na tayo. Nabigay ko na ang mga requirments at lumabas na si form5A na kailangan pa-pirmahan kay adviser. Dahil wala siya doon ako sa head ng dep't niya na nasa 4th floor. Lakad uli ako at lumalagatak na ang pawis ko.
Pagdating ko doon inabot ko ang papel, nakangiti dahil matapos nito may form5 na ako. Ngunit hindi pala ito mangyayari. Ayaw maniwala ng prof na nakapasa ako sa chem18 na pre-req ng chem27. Sabi niya kumuha raw ako ng proof at problema kasi hindi pa na-fo-forward sa cph ang grades namin, pambihirang buhay ito... maglalakad ako papuntang cas para lang kunin ang grade ko na hindi ko naman talaga alam kung may na-compute na basta alam ko exempted ako sa finals na ibig sabihin ay pasado na. Pero ano pa ba ang pwedeng gawin. Naglakad na naman ako tapos takbo tapos lakad kasabay pa nito ang pag-paypay ko sa sarili ko.
Pagdating ko doon isang magandang bagay ang nakita ko. Ang grade ko! Yehey! Mataas-taas! Yehey! Pero dapat ko na maglakad pabalik dahil malapit na mag-break ang ang tao sa mga opisina. Lakad uli...marathon talaga ito... at least lahat ng kailangan kong subjects enrolled ako(kala ko lang iyon...eto ngayon ang problema ko). Malamang hindi ko pa napapirmahan ang papel na kailangan pirmahan kaya balik tayo sa 4th floor. Naks! Napuri na naman ako! Hehehehe... Syempre lab ko ang chem eh!
Matapos ang lahat nagka-form5 na ako. Kaya lang sa kabobohan ko, hindi ko napansin na mali pala ang seksyon na nakalagay sa form5 ko. Putek! At nalaman ko na anim lang kami sa seksyon na iyon. Sa totoo na-dissolve na siya. Change mat ako sa lunes, bwiset. Pila na naman ito tapos punong-puno pa ang sked ko kapag Lunes. Hmp... bala na nga si batman.
Friday, June 09, 2006
Simulan natin ang lahat sa aking pag-alis. Maaga ako umalis ng bahay, kasi balak komakarating ng UP ng 8am kaya 6:30 pa lang umalis na ako. Naghanap pa ako ng barya napambayad sa dyip. Pero paglabas na paglabas ko ng gate namin nakita ko ang kotse ng titoko, syempre sumabay na ako. 30 pesos at 1 oras ng pag-co-commute rin yon! Dumating akong mga 7:20 pero sa CAS ako bumaba(doon iyon sa may Padre Faura) imbes na sa CPH(na nasaPedro Gil); kasi mahihirapan pa ang tito ko na makapunta sa opisina niya kung doon akobababa.
Dahil maaga pa, tinignan ko muna kung makukuha ko ang classcard ko sa chem18.1. Maaganga eh kaya hindi ko nakuha. Nasayang ang pag-akyat ko ng 3rd floor, papalabas na akonakita ko ang isa kong ka-course na nag-shift na pala; parang nagulat siya kung anoginagawa ko. Sabi ko mag-e-enrol; laking gulat pa niya pero sabi ko skedyul raw naminngayon kaya ngayon ako mag-e-enrol. Dito ako nagsimulang mabagabag na baka kahapon(june5)ang nakatakdang araw para sa amin. Nakow! Pero sige, tuloy pa rin sabi ko.
Naglakad na ako, at nagsisimula na uminit. Sa loob ako ng PGH dumaan at napahanga sa kagalinganng arkitektura ng lugar dahil nananatiling malamig ang mga pasilyo doon kahit sobrang init sa labas.Pagdating sa CPH nalaman ko na 8:30 pa ang simula kaya kumuha na lang ako ng number. Bumabaako at kinausap si blockmate. Nalaman ko na mag-re-removals sila mamaya at KAHAPON pa palaang enrollment namin! Takte! Pero sige ayos lang yan, sisingit na lang ako sa pilang matatanda. Aba! Number 1 ata ang number ko. Tinakot niya pa ako na nagkakanda-ubusanna raw ng slots sa mga subjects. Shit! Masisira ang sked ko, late reg na ito, pano angSTD practice(may kwento dito, next post siguro)?! Sige ayos lang iyan, matino naman angCRS mo eh.
Skip na tayo, nasa harap na ako ni babaeng matanda, hiningi niya ang lib clearance at healthcert ko. PI! Nakalimutan ko ang health certificate ko! 1hr and 30mins ang byahe mula dito pauwi taposbabalik pa ako na aabot rin ng 1hr and 30 mins; 3 hrs iyon noh! Ayaw ko nga bumalik; naisipko na hihingi na lang ako sa health service. Nasa OPD sila sa PGH na nasa Padre Faura. Nasa P. Gilako ngayon(mga 1km siguro ang total distance na lalakarin ko) at kailangan pumunta doon.Takbo! Takbo! Takbo! Pagdating ko sa office, nakita ko na doon na sila sa dati nilang pwestosa harap ng PGH. Bwiset! Takbo uli! Pagdating ko sabi sa akin gumawa raw ako ng affidavit of loss.Huh?! Sa abogado pinagagawa iyon di ba?! Pano ko naman gagawin iyon?
itutuloy...
Saturday, June 03, 2006
I really should be doing something productive, like learn how to play a low D using my sax, make a new layout for this blog or learn a new language. I know I should do those things but I am not motivated enough.
Weird weather we're having in this end of the world, really sunny and hot mornings then cloudy afternoons then thunderstorms at night. Fortunately, my immune system seems to be functioning quite nicely and I haven't had any colds, YET.
The pics will come next and hopefully the last part of my Homo who essay. After that, we might tackle Faith, God, Reason and Man. Hah! All those long car rides to La Union really helped.
Io Tu Voi Lui Lei Loro wink wink
Friday, June 02, 2006
Pero baka hindi ko na kayanin pang mag-ibang bansa kasama ang buo kong pamilya. Nakakaasar kasi minsan. Pero hindi siguro mangyayari iyon kasi, hindi nila ako siguro papayagan PA. Sa susunod na post iyong mga pics, syempre puro mukha ko uli iyon.
Huwag nga pala kayo papatol sa package tour sa HK-China. Mga mangga-gancho iyang mga iyan. Hindi ko nga maisip kung paano nila matiis na magsinungaling ng harap-harapan. Tsaka iyong mga tindera sa night market, masyadong gahol sa pera. 130 HK dollars magiging 30 bigla! Anong klaseng katarantaduhan iyon. Hindi ba nila maisip na kung binababaan nila ang presyo sa simula pa lamang eh mas maraming bibili sa kanila? Tataas rin ang kanilang kita. Hay nako... Tama na. Mabwi-bwisit ka lang, ado. Ang ganda nga ng pinuntahan namin pero sana lang mas mababait iyong mga tao. Napansin ko rin na parang lahat sila ayaw sa kani-kanilang mga trabaho. Para bang pilit na pilit sila pati iyong mga staff ng HK Disneyland ganoon rin.
Pero naaawa rin ako sa kanila, kasi binibigyan sila ng mga "English names" tulad ng John, Pat at Lyn. Makadadali para sa mga turista pero ganoon ka na ba ka-desperado kumita ng pera at ipag-papalit mo na ang iyong tunay na pangalan?
Oo na ado, mahal mo na ang Pilipinas, shut up na!



