Noong Jan. 12, nakuha ko ang aking salamin. 50/50(near-sighted) ang grado ng aking mata. Ipinasusuot sa akin para maayos raw ang aking mata, corrective lens ika nga. Sana lang totoo pero sabi naman sa akin may tsansa na maayos ang aking mga mata at hindi na ako magsusuot muli ng glasses.
Kumusta naman ang 10 araw ng pagsusuot ng salamin? Wala. Ganun. May isa akong kaklase na sinabi na tumanda ang itsura ko, iyong isa bagay raw, sabi ng ilan pa mas nag-mukha raw akong "boy genius"(boy siguro, genius... ewan), at ang paborito ko, "Nerd/Geek ka na!" At totoo nga, ako ay isa nang tunay na geek at nerd pero ibawas mo ang techie part dahil hindi ako techie, kaya nga public health at medicine ang fields na pinili kong aralin hindi engineering o computer.
Natutuwa na rin ako sa aking mga salamin dahil mararanasan ko na rin sa wakas ang mga stereotypes ng pagkakaroon ng salamin. Mas mararamdaman ko na ang pagkakahon ng ginagawa mga tao. At higit sa lahat, ang kanilang pagkagulat na mayroon pa akong ibang kayang gawin bukod sa pag-aaral at pagbabasa. Tapos mas matututo na sila na maging mas makatao.
Tungkol sa pagsusuot ng salamin. Hmmm... naasar ako kasi kakaiba ang mga kulay ng mga bagay. Idagdag mo pa na hindi mo makikita ng maayos ang mga kulay at ilang detalye kapag madumi ang salamin mo at napaka-imposible na mapanatili itong malinis. Pilik-mata ko pa lang eh isa nang nagpapadumi nito. Sana nga may maimbento silang self-cleaning glasses, iyong tipong may mga microorganisms na kusang nililinis ang salamin o kaya naman ay may layer na nirerepel ang mga dumi kahit ang mga kadalasang dumi lang tulad ng patay na balat at pawis. Pero masaya kasi mas malaki at malinaw na ang mga bagay. Ang mga dating bagay na sa malayo ay hindi ko na makikita nang maayos ay nakikita ko na ngayon.
Bakit hindi na lang ako mag-contact lens? Kasi masyado raw mababa ang grado ng mata ko. Ewan ko pa kung ano ang kahalagahan niyon. Sabi nila huwag na lang raw, tsaka burara ako at madaling makalimot kung saan binababa ang mga bagay-bagay. Kaya salamin na lang.
***********************
Jan 13: Test sa BIO 102. Mga buto. P*ta. May makikita ka ba sa field ng buto na galing sa dibdib ng manok na nakadikit sa buto mula sa braso ng pusa? Siguro kung mag-pa-paleontology ka pero PH po kami!
Jan 19: Nagbalat kami ng pusa. Babae na payat sayang nga lang at hindi buntis. Nakakapagod at nakakangawit. May mga nadali akong muscles, iyong isang naka-insert sa skin at iyong isang nababalot ng taba.
Kahapon: Sayaw Manila: Icons. Nagsayaw kami(StDC). Nagkamali ako. Tanga talaga. Galit ako ngayon sa sarili ko. Hindi ko alam kung kailan kami magbabati. Napapaisip ako kung ano na ang mangyayari sa StDC, kung paano namin aayusin iyon at kung handa at dapat nga ba kaming sumali sa mga dance compet.
Dance compet. Para sa akin walang kwenta ang mga ito pero ginagamit kasi nila itong basehan ng galing ng isang dance org. Oo, malaki pa ang dapat i-improve sa StDC at magaling nga ang iba(hmm... sinong iba? Clue: Hindi Manila-based ang org na iyon). Kailangan ba talaga ng dance compet? Teka, kailangan ba talaga ng mga kompetisyon? Siguro sa kalikasan, para maituloy ang evolution at pag-unlad ng mga buhay na bagay pero sa buhay ng tao kaya? Hindi ba nila nabasa ang Hope for the Flower? Siguro hindi, mahal kasi at pangit pa ang papel. Pero, kung iisipin hindi naman nagkakaroon ng gaanong away sa pagitan ng mga dance org at mukha naman silang magkakaibigan.
1 comment:
question once ba daw na magsuot ng salamin may chance a hndi mo na siya ulit kakilanganin at pwedeng d na magsuot ulit
Post a Comment