Binigay na sa amin ang resulta ng unang pagsusulit sa bio lab at lec at ayun... buti na lang pagkatapos nila ng Christmas break nila ibinigay kasi naihanda ko na ang sarili ko na malungkot kapag nakita ko na ang resulta. Pero! Pero positibo pa rin ang aking pananaw dahil unang pagsusulit pa lang ito at mayroon pang lima sa lab at tatlo sa lec. Malapit na ang dep sa chem31, sa Miyerkules na at ang susunod na bio lab ay Sabado. At malamang sa malamang, mag-aaral lang ako ng mag-aaral bukas. Sisikapin kong hindi magpuyat sa mga susunod na araw para maging maayos ang aking pag-iisip sa araw ng pagsusulit.
Sa ibang balita naman, palapit na rin ng palapit ang Concert ng Indayog kung saan guest performer ang UPStDC na aking kinasasapian at hindi pa namin naaayos ang aming sayaw. Kalait-lait pa rin ang aking bersyon ng sayaw at hindi ko pa ganoon kasaulo ang mga galaw. Tapos dumating na naman ang isang pananawagan para sa mga paglalarawan namin sa aming sarili na gagamitin sa yearbook na hindi matapos-tapos gawin. Ayos lang naman kung wala eh, bigyan lang nila ako ng kopya ng picture ng mga tao na may pangalan at ilang karagdagang detalye pero nakapagbayad na ata sa publisher at minsan nga lang naman magkakaroon ng yearbook kaya ayun.
Hindi ko pa rin naaayos ang site na ito at nadadagdagan na naman ang mga gawain ko sa paaralan. Kung hindi ako nag-aaral ay nagbabasa ako ng mga online comics. Masaya at nakakasayang ng oras; oras na sana ay ginagamit sa pag-aaral at pagbabasa ng Hyman at Kent. Natigil na naman ang aking pag-aaral ng sax at wikang Italian, sayaw at aral muna. Naiingit tuloy ako sa mga bata pa lang pinilit na ng mga magulang na matuto ng kung anu-ano tulad ng pagtugtog ng piano o kaya isports... ay teka may tenis pa pala pero sa summer na lang ako siguro maglalaro ng maayos.
Sa mga online comics, nirerekomenda ko ang Laura's Comics. Wala nang updates pero marami na namang nagawa eh kaya ayos lang. Eto ang URL: http://iqp.laurascomics.com. Medyo mabagal mag-load pero sulit naman.
No comments:
Post a Comment