Wednesday, January 31, 2007

Nasa rentahan ng PC ako ngayon. Inaantay mag-patch ang isang larong gusto kong laruin. Sa totoo lang, ayaw ko naman talaga ang larong iyon pero libre kasi. Tapos wala pa akong magawa. Ayaw ko na muna mag-aral(kahit nakabuklat ngayon sa harapan ko ang Comp. Ana of Vert ni Kent). Nagsasawa na ako mag-basa ng tungkol sa mga buto at muscles. Nabwi-bwiset ako dahil pre-req siya sa major subjects ko(Human Anatomy and Physiology) at syempre kailangan mataas ang grades para makapasok sa med school.

Ang lungkot naman ng buhay ko ngayon... puro na lang grades... bwiset... sana iba na lang ang paraan nila ng pamimili ng mga taong ipinapasok sa med school. Sana huwag na masyado sa grades, gamitin nila ang kagustuhan at motibo ng mga tao sa admission. Mayroon nga diyan mga med student na nag-do-doctor kasi gusto lang ng mga magulang nila. Isang malaking ka-bobohan. Nag-aral sila mabuti para lang agawan ng pwesto ang mga taong gustong mag-doktor pero sa kasamaang palad ay mababa ng kaunti ang grado. Alam ko naman walang kwenta ito. Nabwibwiset lang ako. Siguro bukas i-co-contradict ko na ang tinayp ko dito. Pabayaan mo na nga.

Pero may magandang balita rin. Natututo na ako sa Chem 31. Dati kasi(sa ibang Chem) nag-aaral at nakikinig sa guro pero ngayon nakikinig na lang ako; hindi ko na kailangan magbasa ng libro. Siguro epekto na rin dahil nawawalan na ako ng oras na magbasa at mag-self-study. Kung sana ganito lahat ang paraan ng pagkatuto sa UP. Uupo ka, makikinig at matututo. Mababawasan ang oras na kailangan sa pag-aaral at pagbabasa ng libro at magagamit para sa ibang bagay tulad ng pagtugtog ng instrumento, pag-vo-volunteer, pagsasayaw, pamamasyal, pagtulog, at iba pa.

Nasira nga pala ang digicam namin. Nagloloko ang LCD screen. Sana nga LCD lang iyong may sira kasi kung i-u-upload ko maayos pa rin ang litrato pero kung ang lens, nyay. Ayan tapos na mag-patch. Babay!

No comments: