Nag-bowling kami kanina at as expected ako ang kulelat. Ganoon naman palagi kapag isports ang pag-uusapan; ako ang pinakamahina. Ay teka, sa lahat pala... at least sa simula ganoon. Kailangan magsipag ako para tumino sa paggawa ng isang bagay at para gumaling ay kailangan magsumikap ako.
Halimbawa na lang, Chemistry. Nakwento ko na ata ito pero uulitin ko na lang. Hindi talaga ako matino at chem. Naisip ko nga noong 3rd yr ako kung bakit hindi ako mahal ng chemistry eh hirap na hirap na nga ako patinuin ang grade ko at intindihin iyon. Hindi naman sa hirap ako umintindi ng mga bagay-bagay(hello! ang tino ko kaya sa comprehension; sa hilig ko ba naman magbasa eh dapat hasang-hasa ko na ang skill na ito) pero parang ayaw talaga maging bahagi ng mundo ko ang medyo abstract na konsepto ng molecules at atoms, ang sayaw ng mga electrons at ang importansya nito sa buhay. Tapos ngayon, super geek na ako tungkol sa chem at related sciences. Hindi naman sa master ko na ito dahil 4 lang naman ang chem subjects ko at hindi naman talaga kami dapat nalulublob sa chem kasi PH nga kami pero interesado na ako sa mga ito.
Nagsimula ito noong napilitan ako mag-aral dahil napasali ako sa compet team for Chem ng Kisay. Kumusta naman! Average to below average ata ang performance ko noon sa chem at marami ata ang naibagsak kong quiz at hindi ako napapabilang sa highest sa 1st periodical namin. Pero sipag at tyaga at pagbabasa palagi kay Zumdahl(actually, super onte ng nabasa kong nobela noong 3rd year kasi si Zumdahl lang ang basa ko) para maging matino at sa ngayon medyo komportable na ako sa chem at madali na na-i-integrate ang mga concepts nito(at ng ibang sciences) sa mga alam ko ukol sa chem. Actually, napag-isip-isip ko na mas mabilis intindihin ang mga bagay at tumino sa mga ito kapag in-integrate mo. Tigilan na natin ang asaran ukol sa paggamit ng mga konspeto ng agham sa ating buhay kasi dapat lang natin itong gamitin. Bakit hindi natin gamitin ang konsepto natin ng anatomy sa sayaw; alamin ang action ng muscle at maiintindihan mo agad kung paano ito i-pop, hindi ba? Anyway...
Isa pang halimbawa siguro ang lawn tennis. Sobrang bagal ko matuto. Masisi ko rin siguro ang hindi ko madalas na pag-sasanay at medyo walang kwenta ang una kong guro pero mabagal pa rin. Dalawang taon na pero hindi pa rin ako makapag-return ng serve... at least acceptable na ang aking ground strokes at matino na ang form ko.
Ano ba ang pinagsasabi ko? Hindi ako nabwibwiset dahil mababa ang score ko kanina at lalong hindi ako nagbibigay ng excuses. Naisip ko lang na wala talaga ako siguro akong mararanasang "Gifted moments" at wala siguro talaga akong talento bukod sa pagtyatyaga(wow! Rock Lee na ba ito?) Hindi ako siguro ako magsisimulang mag-aral ng isang kakayahan at sa unang beses na aralin ito ay "above-average" na ang level ko. Pero marami siguro akong mararanasang "Wow! moments"; tipong "wow! ang galing/tino mo na!" Siguro tanggapin ko na dapat iyon at tsaka hindi ko na rin mararanasan iyong mga expectations na binabagsak sa mga "gifted." Expectations, bwiset! Pero ibang usapan na uli iyon.
PS.
Nilapitan ako noong nakaraang araw ng ka-batch ko. Gawa raw ako ng welcome/inspirational na essay. Tumanggi ako pero parang napagisip-isip ko na dapat sinubukan ko na rin. Naisip ko na babalaan ko sila tungkol sa BSPH. Hindi ka naman yayaman sa degree na ito at lalong bawal ito sa mga tamad at mga walang pangarap sa buhay. Kasi super hirap niya at sa real world(kung susundan mo ang mission at vision ng college) ay hindi ka talaga yayaman at parang wala kang matinong patutunguhan. Hello! May yumayaman ba sa research? Sa lagay nga ng Pilipinas ngayon, parang iyong mga health workers pa ang nagbabayad para lang magawa nila ang trabaho nila(ie suma-side line ang researcher para mapondohan ang research niya; health worker nangungutang/nanlilimos para mapaangat ang sitwasyong pangkalusugan ng community niya). Kung gusto mong yumaman, mag-nursing ka... sa ibang bansa. At babalaan ko na rin sila na maraming chem at dapat talaga matutunan mo itong mahalin para maging mas masaya ang buhay mo sa PH(Pwede naman na hindi mo mahalin ang chem pero para sa akin malungkot ang mundo kapag marami kang hindi alam.).
PPS
Iyong first draft. Iyong bunga ng stream of consciousness method ay nabura dahil nag-error si PC kaya ito ang lumabas. At least sa tingin ko mas matino ito medyo pangit nga lang ang simula. Hehe
No comments:
Post a Comment