Nag-tennis ako kanina. Hindi ko alam pero parang pagkatapos ng 30 mins nagsimula na akong magsawa sa kakapalo. Hindi ko naman sinasabi na nagsasawa na ako sa tennis. Naisip ko lang na oras na siguro na magsimula na ako maglaro ng mga friendly matches. Kaya lang may problema ako, una wala akong makitang kalaro. Nandiyan si Madie pero magpapasukan na eh at iyong isa ko namang kaklase... uh... hindi ko alam kung makakapaglaro kami ng matino. Pangalawa, hindi pa ako marunong mag-return ng serve. Sa tingin ko madali lang siya pero kapag malakas tumira ang kalaban paano na? Pangatlo, hindi pa ako marunong mag-serve. Grabe, magdadalawang taon na ako nag-aaral hindi pa rin ako consistent. Sorry naman. Oo, sige na. Magpra-praktis na ako ng serve. Dati kasi naipapasok ko pero super hina as in hindi umiikot; ngayon naman may ikot at mabilis pero kanina 3 lang ata naipasok ko sa 30 na hinagis ko. Ang kawawa ko talaga.
------
Pauwi naranasan ko ang tatlong bagay na pahirap sa mga nag-co-commute. Ang una ay ang hindi pagdating ng gusto mong sasakyan. Kasi, mga 8:50 ako umalis ng tennis court at nagtungo na ako sa UPD Shopping Center. Doon kasi dumadaan si UP-SM North na jeep. Alam ko naman madalang ang mga ganoong jeep kapag Linggo pero 9:20 na hindi pa rin ako nakakakita ng nagpapasakay na jeep. Grabe! Ayaw ko naman sumakay ng Philcoa kasi nagbabakasakali ako na may dumaan. Siguro mapalad na ako kasi may iba diyan araw-araw nag-aantay ng mga bus at jeep ng mga 30 mins at iyong dadating biglang punuan pa. Nang mga 9:25 may dumating na jeep at tuwang-tuwa ako. Buti na lang hindi puno at nakasakay ako at ang kasabay ko mag-antay(kawawa rin siya. hehehe. pero mas kawawa iyong dalawa kasi sumakay sila ng philcoa tapos biglang may dumating na sm north. malas na lang nila).
Eh di ayan. Nakasakay na ako tapos mamaya-maya biglang mas sumakay na malaking babae. Hindi naman puno ang side ko pero sa tingin ko hindi talaga siya kasya kahit ano gawin niya. Iyong kabilang side naman hindi puno at kasyang-kasya siya pero hindi eh, nagpumilit siyang sumiksik. Ayos lang naman na siksikan basta makarating ako sa destinasyon ko pero sa Philcoa may sumakay na mama, malaki rin at itong big woman na ito bigla ba naman pinasiksik sa side namin! Buti na lang payat ako at iyong mga katabi namin kung hindi. Kaya nga minsan naiisip ko na dapat doble ang price ng mga matataba at half-price ang mga payat eh. Kapalit kasi niyon pwede pa magpasakay ng payat o kaya bawas ng isang tao na uupo. O kaya sinusukat ang pwet bago sumakay tapos may formula na gagamitin para makompyut ang capacity pa ng jeep at ang bayad. Oo, alam ko mali iyon at hindi dapat ipatupad pero siguro isa rin siyang paraan para mapilitan na magpapayat ang mga tao. Oo, sinasabi ko na masama ang maging mataba! Hindi ko sinasabing mga pangit kayo sinasabi ko masama! Masama sa katawan at kalusugan. Fine kung fat is beautiful pero marami ka namang problemang pangkalusugan.
Eto na ang huli, sa bus naman ito (Ang dami kong sinasakyan noh?). Eh di ayan. Onte lang kami sa bus. Ayan, nagbayad na ako sa konduktor, bingyan niya ako ng sukli pero walang tiket. Sabi, baka nakalimutan lang at ayos lang iyon kasi basura nga lang naman iyon pero mamaya-maya naisip ko na iyon nga pala ang ginagamit nila para malaman ang kita ng bus. Aba! Huwag niyang subukang i-bulsa ang sampung piso ko(Ang pera ay pera gaano man kababa.). Tinawag ko ang kanyang pansin. Sabi niya sandali lang. Ok. Sandali pero bababa na kasi ako kaya tinapik ko siya. Humarap siya sa akin at parang naiinis na sinabing "Sabing sandali lang eh!" Che! Mahirap na bang magpunit ng papel? Hindi ba't trabaho mo iyon? At bababa na ako, sandali-sandali eh pupunta ka pa sa dulo ng bus para kolektahin ang bayad ng ibang tao. Tigilan mo nga ako! Pero hindi ko naman siya sinagot. Bahala siya. Ayun. Bumababa na ako at natapos ang kwento.
Buti na lang pauwi na ako nang naranasan ko ang mga ito kasi kung papasok pa lang ako. Naku! Kawawa naman ang mapagbubuhusan ko ng galit. As if naman sobra-sobra akong magalit. Marami pa rin na mas malala sa akin.
No comments:
Post a Comment