Hindi pa natatapos ang unang araw ko ng bakasyon ay nadagdagan na ang mga pro-problemahin sa pasukan. Kagabi kasi ay nakakuha ako ng text mula sa presidente ng aming org. Sinabi niya na sasayaw raw kami sa isang freshie orientation. Na-anticipate ko na ang problema at nakagawa na talaga ako ng listahan ng mga sasayaw at kung ano ang sasayawin, kaya lang nakalimutan ko na iyong isa sa mga inilista ko ay hindi nga pala alam ang sayaw, iyong isa naman ay duda akong papayag na sumayaw at iyong natitirang dalawa hindi alam ang buong sayaw. Ano naman kaya ang mangyayari di ba kapag pinasayaw namin sila? Sa totoo lang, madali lang naman maayos ang problema eh. Eh, di sasama na lang ako at sasayaw. Pero ayaw ko! Ayaw! Ayaw! Ayaw! Bakit? Hindi ko rin alam eh. Ayaw ko lang. Basta pipilitin ko na lang sila sumayaw. Pumayag na naman iyong dalawa eh kaya ayos na.
Iyong kadugtong naman niyan ay kung kailan sila magpra-praktis. Sana lang ay wala silang mga balak gawin sa Enrollment week para makapunta sila at maayos namin kung paano ang gagawin nila. At dahil nga ang isa ay hindi alam ang sayaw ay mapipilitan kaming kumuha ng steps mula sa mga sayaw na alam niya at ipataw ito sa kantang gagamitin. Pwede rin namang gumawa kami pero ang hirap ng ni-ru-rush ang pagkatuto lalo na't wala naman talaga kaming lugar na pag-pra-praktisan dahil hindi pa nga opisyal na araw ng pasukan.
Siguro magagawan naman namin ng paraan ito pero gusto ko sana na maging maganda ang kanilang pagtatanghal para naman hindi mapahiya ang org at makapang-akit kami ng mga tao na sumali sa org(na hindi BSPH). Hindi naman ako umaasa na super ganda eh dahil alam ko namang hindi pa ganoon kasanay ang mga pinili kong sumayaw pero sana lang ay matino at katanggap-tanggap ang kanilang maipalabas. Tutal, hindi lang naman ako dapat ang namromroblema. Hah! Magulo nga ang mga ka-org ko!
Magaling na ang pilay ko! Ang galing nga eh! Medyo kirot na lang ang nararamdaman ko pero ayos na iyon. Makakapag-tennis siguro ako sa linggo. yehey!
No comments:
Post a Comment