May pilay ako ngayon. Nagkamali kasi ako ng landing noong sinubukan kong mag-front walkover kahapon. Ang sakit niya. Noong bago ako matulog hindi, medyo ewan nga lang ang lakad ko pero kanina talaga hindi na ako makalakad ng maayos dahil sa pilay na ito. Sa totoo, kanina pa lang madaling araw nagising ako dahil parang lahat ng ugat sa paa ko namamaga pero syempre pakiramdam ko lang iyon. Nakakaasar nga kasi bukod sa brownout(at mainit, duh!) ay hindi ko pa matanto kung ano dapat ang pwesto ko dahil parang kahit anong ikot ko eh masakit pa rin.
Dahil masakit na nga talaga, nagpahilot ako kani-kanina lang. Ang sarap-sarap kahit napakasakit nang hinihilot na ako. Hindi ko alam kung naayos niya talaga o kailangan ko pang magpatingin talaga sa doctor o pt pero nawala naman nang onte ang sakit at nakakalakad na ako kahit papaano. Nasubukan ko na rin iyong paa na pinapagulong-gulong sa bote, masarap naman hindi ko nga lang alam kung gumagana talaga.
Kahit medyo nawala na ang sakit medyo nakakaasar pa rin dahil kailangan pang balutan ng dahon ang paa ko. Hindi rin raw ako pwede maligo ngayon. Pakiramdam ko tuloy ang dumi-dumi ko na dahil nga pawisan ako kahapon dulot ng gymnastics training at nagpagulong-gulong pa ako sa mat.
Sayang talaga at napilayan ako kasi gusto ko maglaro ng tennis bukas o sa Sabado at may bowling pa ata dapat kami ng mga kaklase ko noong high school bukas. Paano ko naman gagawin iyong mga iyon kung matinong paglalakad nga hindi ko magawa? Pero umaasa naman ako na umepekto ang hilot at maging maayos na ang paa ko mamayang gabi o bukas.
-----
Nanonood ba kayo ng AI? Kung oo, malamang kilala niyo si Melinda Doolittle. Grabe! Bakit kaya siya na-eliminate? Alam ko naman na hindi siya mananalo pero sa tingin ko karapat-dapat naman siyang makatungtong man lamang sa finals. Tsk tsk tsk. Nga pala, finals na ngayon. Nakita ko ang special number ni Melinda at wow! Grabe siya makipagsabayan sa mga magagaling na singers at iyong isang guest, kinanta pa iyong pinang-audition niya; iyong For Once In My Life. Siguro, ginawa iyon para makapag-sorry ang AI kay Melinda. Hehehe
No comments:
Post a Comment