Sunday, April 08, 2007

Easter Sunday.

Ang tagal na noong huli ako gumawa ng Easter Egg. As in, iyong nilagang itlog na pininturahan. Ang ginagawa namin noon, kukuhanin namin iyong mga natirang water color at paint brush sa school ko noong elem, bakasyon na kasi kaya inaangkin na namin iyon. Oo, corruption... blah...blah... Kapag meron na kaming water color, maglalaga na kami ng itlog. Mga lima o anim lang ginagawa namin. 2 itlog kada tao, kasi hindi naman namin makakain kung 10 ang gagawin namin. Pilipinas, mahirap ang buhay, maraming nagugutom, alam mo na, ganun. Pagnalaga na, pipinturahan namin tapos papatuyuin. Gagawin pa namin paiba-iba ang disenyo, may bilog, may mga stripes, red, blue, green, violet. Hindi pa namin binabasa iyong water color para hindi matubig ang labas at para dumikit sa itlog. Matapos ang lahat ng paghihirap, babalatan namin ang itlog at kakainin. Hindi pa nga kami naghuhugas ng kamay eh.

Hehehe. Hindi man lang nag-Easter egg hunt. Well... actually... ginawa ata namin iyon ng isang beses. Walang kwenta, anim lang ang itlog at tatlo lang kaming naglalaro tapos wala pang magandang taguan sa amin. Para kasing kapag tinago mo sa isang lugar, kadiri na at hindi na makakain. Sayang naman kung ganoon, di ba? Kaya KAIN na lang agad.

May napanood ako sa TV na paraan para makulayan agad ang itlog. Babalutan mo ng tela at ibabad sa pinakukuluang tubig at suka. Pag labas, funky na ang itsura ng itlog. In fairness naman, maganda naman ang iba. Sa akin lang hindi ba't ang saya ng Easter ay ang sa paggawa ng makukulay na itlog. Pero iba na siguro sa kanila, kasi sa kanila sa ibang bansa mas natutuwa sila sa Hunt at isang paghihirap ang paggawa ng Easter egg.

-----
Natanggap ang aking maikling kwento sa PI. Yey! Iyong tula hindi, pero ayos lang. Hmmm... Sana magkasulat uli ako ng kwento.

No comments: