Wednesday, October 19, 2005

Ngaragers

Ang ngarag ko ngayon di ko alam kung bakit. Katatapos lang ng unang duty ko sa er bilang isang volunteer kaya baka iyon ang dahilan. Pero hindi naman nakakapagod sa triage at lalo naman ako hindi nandiri sa mga pasyente kasi relatively normal naman sila lahat. At wala namang namatay noong shift ko. Anu nga kaya? hmm... sana lang wala akong nakuhang sakit sa er kasi ayaw ko nga ng sakit. Hindi masarap ang feeling.

Di ko alam kung kailan ko naramdaman na ayaw kong nagkakalagnat. Alam ko kasi noong bata ako kapag may lagnat ako nakakatalon pa rin ako. Kahit nga noong nagkadengue ako nakakapaglakad-lakad pa ako bago umabot sa "critical-but-not-so- critical" stage, noong panahong iyon feeling ko lumilipad ako. Ang sarap na hindi kasi alam mo may sakit ka pero parang wala lang. Wala kang perception ng oras at ng space. Nagulat na lang ako nasa MCU na ako at may ginagawa sa aking braso. Tapos labasan ang mga pantal, nyek! Tusok ng injection, away-away ng onte magulang ko at mga hospital workers tapos tulog. Wow! Balikan daw ba ang nakaraan.

Ah...basta alam ko noong high school ako parang anlalala na ng mga lagnat ko. Tipo bang hindi na ako nakakatayo, ni kumuha ng tubig o kaya umihi. Hoy! Hindi ako umiihi sa kama, hirap lang ako tumayo at maglakad. Pero iyon nga binebeybi naman ako eh. Iyon lang ang gusto ko. Pero ayoko maging vegetable. Di pa oras, wala pa akong alam sa mundo.

May weird akong nararamdaman kapag nasusuka ako. Parang may taong pinapagalitan ako tapos biglang babait tapos magagalit. Simula pa noong bata ako ganun ang nangyayari. Hindi ko malarawan mabuti, matagal na kasi noong nangyari sa akin iyon. Baka ito isang event na nangyari sa dati kong buhay. Hmm...Maybe...

Anu kaya feeling kapag doctor na ako? Bakit ba ako nangarag? Ah ewan basta wag magkasakit. Bwiset na pROSE napapapost tuloy ako.

No comments: