Saturday, October 01, 2005

Long Time NO Post

Hay. Long time no post! Ang daming nangyari noong mga nakaraang araw.Grabe! Hindi ko na ikwekwento lahat. Iyong mga natatandaan ko na lang. May nagalit sa akin kanina. Hehe. Bala sya. Siya may kasalanan hindi ako, di dapat ginugulo ang taong inaantok/nagiisip. Wala nang galang-galang, kagalang-galang ba siya. Hay nako. Tama ba namang dito maglabas ng sama ng loob, wag na ado, sasayang ka lang ng atp.

Big news: I lost 3 pounds. Nako! Masama yan. Ika nga ng kaklase ko, anu na natira sayo? Natira? Utak! Joke! Pero malapit na naman ang sembreak ala nang puyatan, ala nang mga stressful objects and pipol, pahinga na lang. May practice pa rin pala kami sa std sa sembreak. Hay nako. Member na pala kami! FINALLY! Traumatic ang induction nila, pero masaya na ewan. Secret ko na kung anu nangyari, sali ka para malaman mo.

Nako! Nagpapahiwatig na ang Pahinungod. ER volunteer. Ayan na. Anu ba sasali ka ba? Hanap ka ng kasama, pero ok lng kung solo. maginquire nga sa martes. Finals na pala next week. Monday-5th dep s math, pasahan ng kom1 midterm, Tues-final sa soc sci 1, Fri-final sa math17 at nat sci1. Un pa lang alam ko. Parang tinatamad ako magfinal sa math17. Panu kaya to? Hindi, dapat ka magfinal, pampataas ng grade. CS dpt d b?
Bwiset yang enlistment na yan, ang papangit ng pe choices ko. Social dance, arnis at badminton. Nyek! SD at BD sawa na ko, arnis di ko masyado trip pero ok lang, sana tap dancing na lng. Hehehe o kaya modern jazz. Panu kaya malusutan to? Magtanong s OCS. Naiintindihan nyo pa ba ako? Pabayaan mo na.

Napansin ko may sira pala akong mga posts. At grabe, ang daming grammatical errors ng aking english posts. dapat magingat sa susunod. Nagloloko nga pala pc ko, madumi na raw kasi ung loob ng cpu kailangan palinis. Padadala ko sa pinsan ko mamaya. Hay nako. Hay nako. Hay nako.

Sige un na muna. Katatapos lang ng paggawa ng apat na essay sa histo1 kaya magulo ito. maghintay next week para makabasa ng post na matino.

No comments: