Friday, October 07, 2005

Makatang Walang Magawa

Alam ko na ngayon ang feeling ng isang taong unemployed. Sembreak na namin eh pero may test pa. Actually, hindi pa officail sembreak pero pde na un isang test na lang naman. At wala kaming kaalam-alam kung paano sasagutan ang mga lalabas na tanong. Sariling kayod na naman ito.

Malamang nakatambay lang ako sa bahay. Walang ginagawa. Hindi naman ako kulang sa tulog kaya di ako natutulog buong araw. Malinis na naman bahay namin kaya hindi ako naglilinis. Aso lang ang kasama ko, gusto ko sana siya ilakad kaya lang mainit at mamaya naman marami nang tao. Tinatamad ako magPS at magPC buong araw, tipid dapat sa kuryente di ba? Walang pasok kaya walang baon. Ganito pala feeling ng walang trabaho, siguro sa iba ayos lang pero sa akin hindi. Kaya pinapangako ko sa sarili ko na hindi ako mawawalan ng trabaho o gagawin kapag bakasyon. Talagang magvo-volunteer na ako sa Pahinungod ngayong sembreak, kundi mamamatay ako dito sa bahay. Buti na rin pala may mga practice kami sa std ngaung sembreak. At buti na lang may summer class kami. Pero pano na pagnext summer? Hay nako.

Isang magandang bagay na dinulot ng pananatili sa bahay ay lumalabas ang aking "creativity." Nyek! Pero hindi naman kagandahan ng mga pinaggaggagawa ko. Kaya hindi ko muna ilalabas, tatago ko muna, aayusin tapos tsaka ko na papakita. Nakakapagpractice din ako ng sax. Sa wakas, kaya lang nahihiya na ako nambubulabog ako sa mga kapitbahay kong natutulog. Eh kasi naman eh. Wala lang nga eh kasi naman eh lang ako. Wala na namang patutunguhan itong sinusulat mo. Bukas pala bigayan ng classcards sa math17. Tsk. 2 lang! Ado ano ba yan! Fatetik ah! Bakit ba kasi hindi ka nagfinals eh di sana nagawa mo pang 1.25 yan kung swretehin ka bigla. Eh kasi sabi ng mga barya eh. O sige na nga.

Ang weird ng isang araw nagaatempt ako gumawa ng maikling kwento, syempre pinapupulutan ko ang aking buhay. Tapos hindi ko natapos. Pero iyong mga nasulat ko nangyari bigla. Weird pero hindi naman ako psycho este psychic kasi saradong-sarado at nakatahi pa ata ang third eye or sixth sense ko. Ayan tinakot ko na sarili ko. Gusto ko panoorin ung dubai para wala lang, tagal ko na hindi nagsisine.

Ayan tama na yan. Ang dami kong hindi nailalagay dito pero pde na yan, magtitira pa naman ako ng pantakip sa katawan noh. Peyups user na pala ako, ako si adoti. ang corny talaga mas maganda pang gamitin ko na lang totoo kong pangalan, hehehehe.

Wala na pala si Raquel at Bob sa Big Brother house. Si Raquel evicted, si Bob nagkasakit. Nyek. Napaghahalataan. Tugsh!

No comments: