Friday, December 29, 2006

Dec 23: Pumunta ako sa concert ni Mishka Adams sa Teatrino, Greenhills(pics susunod). OP ako kasi karamihan ng nandoon ay matatanda at mga kilala ni Ms Adams. Sabi niya nga 75% ng nandoon kilala niya. Nakatabi ko ay family friend niya, sabi ng katabi ko na kalaro raw ni Ms Adams ang kanyang mga anak at sabay na sila lumaki. Resto format kaya tables imbes na rows, syempre mag-isa ako sa table pero maganda ang pwesto ko. Gitna ako at mga 10m away lang sa stage. Maganda ang show at ang galing ng band(Blue Echoes) at ni Ms Adams. Nanliit talaga ako sa kanilang uh... kagalingan. Paborito ko ang iyong parteng na dalawa lang sila sa stage, ang gitarista na si Mr. Edgar Avenir at siya. Kamangha-mangha! Marunong pala mag-Filipino si Ms Adams kaya lang hindi ata siya kumakanta ng mga Filipino songs, siguro kasi wala gaano(o wala talaga) na mga jazz o standards na sa wikang Filipino at hindi siya sanay gumawa ng mga ganoong kanta. Lalabas ang album niya sa 2007, sana lang mamura-mura ito para mabili ko.

Dec 24: Nagluto ako ng Fetuccini Carbonara at ng Asparagus wrapped in bacon... =P Pero sa totoo, utos lang ako ng utos sa aking butihing ina. Medyo naging matapang ang Carbonara sauce noong simula pero pinagpilitan ng nanay ko na lagyan ng mais kaya biglang boom! umayos na. Sa susunod siguro dapat bawasan ko ang nilagay kong keso at gumamit na ng cream kasi naging masyadong matubig ang sauce.

Dec 25: Pasko! Maaga kami gumising para makauwi kami kaagad sa Bulacan. Hindi naging matino ang Pasko ko kasi natulog lang ako buong araw. Gumising lang ako para kumain at laruin ang aking inaanak at magbasa ng Hyman(oo, nag-aral ako noong Pasko). Sinulat ko na rin ang rough outline ng aking short story para sa PI. Nag-rent ng videoke ang aking pamilya at mamatay-matay ako sa ingay nila. Wala talagang marunong kumanta sa aming angkan.

Dec 26: Nasa Bulacan pa rin kami. Naglaro ng PS2 at nag-aral. Kaarawan ng isa kong pinsan at isa kong pamangkin. Walang party pero may pagkain na naman. Umuwi kami ng bandang hapon.

Dec 27: Namasyal kami ng aking mga kaibigan sa MoA. Balak ko sana tatlo lang kami tapos biglang naging labing-isa. Nanlibre ako ng panonood ng sine. Zsa Zsa Zaturnnah Ze Movie(ugh... Zusammen at Entgegen isomers...). Maayos naman ang pelikula, pero mas maganda siguro basahin ang comi... uh... graphic novel at panoorin ito sa teatro. Mas macho pa si Rustom kaysa sa kay Alfred Vargas. Ang ganda ng mga song and dance parts ng movie. Medyo hindi klaro ang romantic angle ng pelikula, sa mga conservatives, don't worry walang kissing scene... teka... meron pala... sa noo. Ang corny talaga, parang lolo sa apo. Hehehe... Kailangan maging mababaw ng kaunti para ma-appreciate ang pelikula. Favorite monster: Giant Frog. Ang oti nila dahil hindi nila sinusunod ang batas ng kalikasan lalo na ang sa Pisika. Bakit hindi nasisira ang lupa kapag bumagsak ang isang bagay na mabigat at mabilis? Sayang at hindi kami nakapanood ng pangalawang pelikula dahil kulang sa oras, bawal kasi gabihin ang ilan sa amin. Dumaan ako sa UPM-CAS ng pauwi na ako para kumuha ng problem set, hindi ako pinapasok ng gard. Sayang at napagod lang ako.

Dec 28: Kaarawan ko! Hehehe! Sabi sa horoscope ko makakatulong raw ang mga Scorpio at Libra sa akin sa susunod na taon at dapat raw mamamasyal at maglayag raw ako sa May. Hmmm... Nanood ng National Geographic Naked Science at Grey's Anatomy. Nalaman ko kung paano nabuo ang Universe at kung ano ang paniniwala nila tungkol sa end nito. Ang mangyayari pala, mag-e-expand ng mag-e-expand ang universe. Pabilis ng pabilis ang expansion nito hanggang maging isolated ang mga star systems, galaxies, etc. Tapos masisira na ang mga stars, magiging kung anu-ano tulad ng black hole at supernova. Nag-e-expand pa rin ang universe habang nangyayari ito hanggang pati ang pinaka-basic units of matter ay maghihiwalay(protons, neutrons, electrons, etc) at magiging stagnant na ang universe. Binubuo ng mga nagkalat na particles na hindi na nag-iinteract sa isa't isa at wala nang pag-asa pa mag-interact sa isa't-isa at iyon na talaga ang The End. Ang lungkot kaya niyon. Pero sa tingin ko may mali sa theory na iyon, kasi paano naman masisira ang isang nucleus kung walang maraming energy? Pero baka bunga ito ng mabilis na expansion.

Dec 29: Ngayon iyon eh! Balak ko sana tapusin na ang PI short story ko... baka mamayang gabi na lang. Banned na sa Metro Manila ang "Boga" o PVC cannon. Himala ito! Wala nang maingay at mga pesteng batang naglalakad-lakad na buhat ito! Yehey! Yehey! Yehey! Noong nagkasakit kasi ako noong nakaraang taon, bwisit na bwisit ako sa Bugsh na ginagawa ng Boga. Hanggang ngayon naman inis pa rin ako.

Friday, December 22, 2006

Nag-volunteer ako sa hospital kahapon. Hehehe... pero sa totoo hinatak lang ako pero dahil sa aking kabaitan... hindi joke lang. Nag-volunteer lang ako kasi hinatak ako ni Madie(bestfriend ko) para may kasama raw siya. Sa PCMC/Children's kami kahapon, kasi doon sila na-assign mag-duty para sa NSTP-CWTS nila.

Ayos lang naman ang nangyari, kung ikukumpara sa ginawa ko sa Pahinungod, mas madali siya at mas ligtas. Kasi naman, matapos ang una kong duty noon sa ER nagka-sipon ako bigla; sa PCMC, Christmas Program assistant ang naging duty ko kaya ligtas sa sakit.

Anu nga ba ang pinaggagagawa ko? Noong umaga, wala masyado. Nag-gupit lang kami ng mga letters para dun sa stage. Masasabi ko talagang, tumitino na ako sa paggamit ng gunting. Naaalala ko pa noong kinder ako, tapos hindi ako maka-gupit ng maayos kahit papel, pero siguro masisisi ko iyong mga pangit na gunting na mapurol o kaya naman eh may balot pang plastic. Oo nga pala, dumating din si Gelain so tatlo na kami na magkakakilala(may other volunteers rin). Tapos noon nag-lunch kami sa Napocor, nakita pa namin daddy ni Madie.

Noong hapon naman naging utusan na kami talaga. Akyat-baba kami ng hagdan(1st to 2nd flr lang naman) para magbaba ng gamit. Ang gulo-gulo nga eh, parang windang pati iyong project manager. Basta, nagbaba na lang kami ng gamit. Matapos mababa ang mga prizes(may isang Charmander doll na gusto ko sanang dekwatin ang kyut kasi...) at kung anu-ano pang mga kagamitan, dinikit na namin ang mga letters sa stage. Medyo nagtagal kami kasi hindi namin matanto kung paano ilalagay, walang instructions kaya ginamit na lang nila Madie at Gelain ang kanilang creative minds para malagay ang letters. Tumulong naman ako, taga-dikit at taga-punit ng tape. Ang galing nga kasi, pagkatapos na pagkatapos namin maisaayos iyon pinababa na kami at nagsimula na ang program.

Kala ko pahinga na kami matapos ang program pero hindi pala. Unang sabak namin ay noong nag-game. Buti na lang at 4 yrs old lang and below ang mga bata kasi kung mas matanda pa baka mapamura ako doon(medyo fresh pa ang memories ko sa Hospicio). Ang laro, pass the ball, kapag huminto ang kanta at nasa bata ang bola, out na siya pero eto ah... may prize pa rin! Ang saya noh? Nakakatawa kasi parang hindi naiintindihan ng iba iyong instructions, siguro kasi 4 and below nga naman. Ano ang parte namin? Eh di, taga-pasa at taga-bantay. Pasa kapag nahihinto, bantay kasi iyong ibang bata hinahagis iyong bola o kaya naman lumalayo at baka mahulog sa stage. Nakakatawa nga kasi, iyong part ni Gelain ng bilog, iyong mga bata doon hindi marunong. Hinuhulog nila ang bola, tapos kapag pinulot na ni Gelain at binigay, mag-sto-stop ang music so out na iyong bata. Hehehehe... Proud naman ako kasi nasa top3 ang isa sa mga "binantayan" ko at tutal kasi isa siya sa mga nakakaintindi ng ginagawa nila.

Matapos iyon, may mga mascot naman. So, tayuan lahat ng bata at nag-akyatan sa stage. Pinatawag na naman kami at taga-pigil kami. Hehehe... parang mga marshalls noong oblation run... tsk tsk. At dahil puro "excitement" na ang sumunod, hindi na kami umalis sa gilid ng stage. Dumating pa nga si Iya(vj ng myx, host sa wowowee, promoter ng acsat, iyong parang bola/apple/puso iyong ulo) at kumanta(never mind). Syempre, piktyuran na ito, kaya lang mababa ang resolution ng cam ko sa phone kaya ayun.

Isa pang highlight ay noong dumating ang isang pharmaceutical company, para sa mga bata may mascot sa matatanda, may libreng Vit. C! Grabe! Mga pinoy talaga kapag libre pinag-piye-piyestahan! Wala pang 10 secs ubos ang isang karton ng mga bote ng vit C at naging mukhang harassed iyong tagabigay. Tungkol sa mascot, matapos nito magsayaw ay umalis na ito. Nagtanong ang isang bata sa akin, "Kuya, masakit ba ang ulo ni ?" Siyempre sabi ko hindi, napagod lang siya. Siguro naisip noong bata iyon kasi iyong ulo noong mascot medyo sobra ang pag-gewang. Hehehehe...

Mamaya-maya bigla akong tinawag. Parte na raw ako ng caroling! Kumusta naman! Pero sa totoo hindi lang ako ang nagulat, si Madie at Gelain rin. Kasi ang balak nila hanggang 5 lang sila, tapos baka gabihin pa tuloy sila. Pero dahil ako'y nagkukunwari lamang, tumakas na ako. Naisip ko lang, pakiramdam ng PCMC isang hukbo ang dami ng kanilang volunteer at wala itong mga sariling mga balak.

UPDATE: Nag-text si Madie sa akin noong dec. 25, may chocolate raw ako mula sa PCMC. Wow! Biruin mo, isang beses lang ako pumunta tapos may chocolate ako.

Tuesday, December 19, 2006

Nag-ahit ako kanina! Babay na bigote! Naninibago pa rin ako sa itsura ko! In fairness, hindi ko nasugatan ang sarili ko at ang lamig ng feeling. Hmmm... gaano kaya katagal bago magbalik ang dating bigote ko?

Saturday, December 16, 2006

OMG! De-virginized na ako! Hahaha! Napanood ko na ang Oblation Run! Full body exposure! Eww...!

Ganito kasi yan. Nasa UPD ako kahapon para umatend sana ng practice namin para sa gagawin mamaya. 11 ang usapan, bawal raw ma-late dahil iiwan ang mga iyon, madali naman ako. Tapos pagdating ko sa meeting place(tambayan ng Kisay batch '05) wala pa pala, ma-la-late rin raw si Jeanine(ang may pakana ng lahat at ang debutante). Nandoon pa lang si JC, si Xy and assorted batchmates.

So, mag-aantay pa ako tapos may rally pa sa AS lobby, may media pa(pero di ko alam kung OR o itong rally ang ipinunta nila). Iyong speakers nakatapat sa amin so iyong kaliwa kong tenga madudurog na. OA naman kasi, dalawang mic ang gamit ng mga nagsasalita tapos pasigaw pa! Pero siguro para na rin matalo ang pinagtipon-tipong daldal ng mga tao sa lobby. Tungkol saan ang rally? Syempre sa Tuition Fee Increase(TOFI o TFI o TI bala ka kung ano ang gusto mo).

Nag-text si Jeanine, 1130 raw siya darating. Mamaya-maya 1130 na, ala pang G9! Mamaya-maya may mga marshalls na na dumating, pinapaurong kami at pina-pa-clear iyong steps, doon raw daraan ang OR. (OMG! OMG! Pano pag nakuhanan ako ng camera at nakita ako sa TV! Yak! As if! Joke lang! Ano naman ang pake ko sa mga nakahubad na iyon!) Ayan! Maya-maya dumaan na! Sigawan! Piktyuran! Bidyuhan! Sabi ni JC, para raw na-de-demonyo ang mga tao habang dumadaan sa harap nila ang OR participants, uhmm... ewan ko kung totoo iyon. Isa pa pala, onti lang ata ang outsiders(may mga turistang Koreano) ngayong taon o baka wala kasi nag-implement ang AS ng bagong rule: No ID, No Entry. Pero hindi sila ganoon ka-strict kasi iisa lang ata sa mga pasukan ng AS ang binabantayan.

Comment sa OR? Uhmm... ewan. Ayun. Tumakbo sila. Sana nga lang iyong pinatatakbo nila mga physically fit. Kasi parang after ng ilang metro napagod na ang iba at naging Oblation Walk na lang. Talo pa sila ng mga media na sumusunod sa kanila, partida na nga kasi may buhat ang mga iyon na equipment, iyong participants roses lang! Sa size? Uh... eto na lang ang sasabihin ko, length doesn't matter kasi ang g-spot ng kababaihan(ng lalake rin siguro, di ko sure) ay ~1.5inches lang mula sa opening. Kaya ayun... iyon nga lang baka di kasya sa condom(may research na raw tungkol dito).

Ano ba ito?! Any who, iyong napanood ko ang OR, umalis na ang mga tao. Ang iba nagpunta sa Quezon Hall para mag-barikada, iyong iba umuwi, iyong iba nagpunta na sa dapat nilang puntahan. Natuloy nga pala ang Lantern Parade, pinagpilitan kasi ata ng mga FA at ano nga naman ang karapatan ng UP Admin na ipagbawal ang pagsasagawa nito matapos ito paghandaan ng mga tao ng ilang buwan.

Ayun... Xmas break na. Dalawang linggo, isa para sa studies at isa para sa pamamahinga.

Saturday, December 02, 2006

Bumagyo na hindi. Biglang lumiko pababa(pwede pala gawin iyong ng bagyo, kala ko curved upward lang ang pwede nilang gawin) ang bagyo at pinabayaan ang metro manila! Ah basta... iyon na iyon. Kaawa-awa iyong mga nasalanta kaya lang wala naman akong kapangyarihan ibalik ang buhay nila eh, kaya ayun na iyon.

Noong Huwebes, dahil nga walang pasok, nanood kami ng Inang Yaya at oo, mala-review na naman itong post na ito. Ang galing talaga ng Unitel! Simple lang ang kwento at walang eklat-eklat sa paraan ng pagkwe-kwento. Ang ganda ng mga kuha(cinematography). Ano pa ba? Uh... mahusay iyong mga gumanap. Ano ba yan? Ang generic! Sige...

Ang lakas ng pelikulang ito ay makikita sa tauhang si Ruby. Maganda naman ang main story. Maayos ang pagkakalantad, wala naman parteng aantukin ka(may nakita nga lang akong natutulog pero matanda na siya baka ganun lang talaga siya) at mapapaluha ka nga. Pero ang nagpaluha sa akin(oo, naiyak ako. Big deal!) ay iyong eksena ni Ruby at ni Lola Toots(Toooots ayon kay Louise). Kasi, si LT ay galit kay Ruby at may bias dito(anak ng katulong...mababang uri...blah blah blah). Isang beses, nahuli ni LT na pinanonood ni Ruby siyang matulog(kasi ka-o-opera lang sa kanya). Galit nitong sinunggaban ni LT at tinanong kung bakit siya pinanonood. Sagot ni Ruby na tinignan niya raw kung buhay pa siya kasi ang kanyang tunay na lola akala niya natutulog lang tapos hindi na pala. Puro at malinis na pag-ibig! Ah! P*ta! Siguro, malalapit ang mga eksenang ganito dahil sa aking butihing lola na napili gumising sa panaginip na ito habang katabi ko siya.

May magandang tanong ang pelikula, sino ang ililigtas mo kapag papalubog ang barko, ang iyong ampon o ang iyong tunay na anak? Tandaan na parehas mo silang minamahal at pinalaki mula nang sila ay sanggol pa lamang. Malamang marami sa atin sasabihin na, syempre ang tunay kong anak! Duh! Mas makapal ang dugo kaysa sa tubig noh! Pero maganda ang sagot ni Norma(Marical Soriano), sabi niya na gagawin niya ang lahat para lang mailigtas silang dalawa. Pag-ibig! Ah! P*ta! Tao nga rin naman iyang ampon mo! Mahal mo nga rin naman siya! Bakit ka mamimili, dapat nga ay gawin mo ang lahat na iligtas sila parehas.

Magulo ba? Panoorin mo na kasi! Ops! Sa sinehan ah! Wag pirata!