Thursday, July 02, 2009

shet. wala talaga akong kwenta sa gross anatomy. Batuhin mo ko ng slides. Ibabad mo ako sa harap ng microscope buong araw. Huwag mo lang ako pilitin na mag-aral ng gross anatomy. Buti na lang matino ang aming lecturers (although may isang parang hinahabol at isa namang may sleep inducing voice) at ang kanilang slides. At mabuting-mabuti na may ka-grupo akong taga-Psych na previously exposed sa gross anatomy ng brain.

---
Kailangan ko na talaga bawas-bawasan ang aking extra-curricular activities. Hindi dapat ako ginagabi ng uwi araw-araw.

No comments: