Tuesday, October 16, 2007

Lagpas 200 na pala ang posts ko... 203rd ko na ito. Ang galing tumagal ako hanggang 200+.

----
Langya! Nababaliw na ako. Kasi kani-kanina lang, naisip ko, suot ko ba iyong relos ko at singsing? Tapos, tinignan ko kamay ko. Ala ako nakita at naalala ko na kakagaling ko lang sa banyo, baka naiwan ko. Kaya bumaba ako at pagdating ko sa huling step(ano ba Filipino nito?) ng hagdan, napansin ko na suot ko na pala ang relos at singsing ko. PI! Ano ba ang nangyayari sa akin?

Dagdag pa, kahapon napaghalo ko na ang binabasa kong nobela at ang aking buhay. Noong nagising ako mula sa aking siesta, naisip ko na ang mga "followers" ko inaantay ata ako gawin ang ritual na panggabi. Tapos naisip ko bigla, anong followers? Anong ritual? Ah... iyong sa Children of Dune! Syete!

No comments: