Sunday, October 21, 2007

Ang dami nangyari noong mga nakaraang linggo. Nanalo ng Nobel Peace Prize si Al Gore, nawindang ang medical community sa linya ni Teri Hatcher sa Desperate Housewives, tinawag na slut si Cory(good job! Daily Show), may sumabog na bomba sa Glorietta(9 ang patay ayon sa huling balita pero malamang alam mo na iyon), natapos na ang 1st sem(grades na lang), naayos ko na ang bagong itsura ng aking munting blog(na iilan lang ang nagbabasa) at marami pang ibang bagay. So? Wala lang. Gusto ko lang i-recap ang mga pangyayari.

Bakasyon na pero babalik pa rin ako ng UPM bukas. May training kasi kami sa StDC buong linggo at gagawa pa kami ng mga ka-tsenesan na gagamitin sa nalalapit na lantern parade. Sh*t! wala ako maisip na bagong steps, walang inspiration, nasaan na ba ang aking muse?

No comments: