Saturday, March 25, 2006

Nakakahinga na ako ng maluwag ngayon. Isang test at dalawang term paper na lang at wala na akong problema... para sa susunod na dalawang linggo, may summer classes ako eh, sorry ha, required sa curriculum eh!

Masaya ako ngayon. Nakuha ko na results sa chem 14 deps ko. 98 ako sa 3rd at 97.5 sa 4th. Yehey. Ang saya-saya, uno na ako siguro. Saya-saya talaga.

Dapat pala nag-eensayo ako ng alto sax, magdadalawang taon na noong binili ko siya at hindi pa rin ako humuhusay. Wala kasing sariling pagsisikap, wala kasing nang-iingit sa akin na paghusayan ko iyon eh. Ang yabang ko talaga.

To cla-cla: Lakas ko talaga mamilit. Hehehehe. Matatagalan pa ha! Isang linggo pa.

No comments: