Saturday, January 14, 2006

Napakaewan pala ng template ko. Allergic ako sa red wine, bailey's, at mga mabibigat na alak. Hindi ko pa sigurado kung sa white wine at beer at tequila at kung anu pa ay allergic ako. At isa pa matindi ang galit ko sa mga langgam. Sila lang ang pinapatay kong insekto maliban lang sa langgaw na nakaka-challenge patayin at sa mga insektong dumadapo sa akin(minsan hindi ko sila pinapatay). At ni-minsan hindi man lang ako nakaranas ng picnic kung saan may blanket sa damuhan tapos kakain tapos ganun. Ewan ko ba kung bakit ko ginawang ganito itong blog ko. Nga pala, slightly mozilla friendly itong blog ko. Pag ginamit mo mozilla, di mo lang makikita ng scrollbar na purpol. Purpol purpol purpol, anu yan imbentong kulay?

->arisse: uy... uy... uy... senti ah... kaya mo yan. marami kang kaibigan.

Sabi sa akin ng friend ko kanina, "Kakaiba ka ado, hindi ko mukhang taga-Manila(upm). Nag-fi-fit in ka sa Diliman." Nagtaka ako dito... sa jeep iyon lang iniisip ko kaya lang tinulog ko na lang. Inaantok ako nun eh.

Quotable Quote ko:
Friend: Wala na akong pera! Pano ako makakauwi nyan!
Ako: Ok lang yan. Marami ka namang kaibigan.
=p

No comments: