Sunday, September 09, 2007

Unang beses ko mag-turo kahapon. Hindi naman sa totoong klase, limang tao lang naman ang tinuruan ko. Tungkol sa Chem ang aking tinuro, ang pinaka-ayaw ko pa ang topic: Thermodynamics. Napatunayan ko pa lalo na upang malaman mo kung gaano ka kagaling sa isang bagay, dapat subukan mo itong ituro sa ibang tao.

Kumusta naman? Maayos naman. Naliwanagan naman ata sila tungkol sa kanilang inaaral. Tinanong pa ako kung pwede raw akong pumalit sa teacher nila. Aw... shucks... willikers... Na-plattned naman ako. At, malaki-laki rin ang bayad sa akin. Hehe, pwedeng-pwede na gawing raket ito!

Pero next time aayusin ko na talaga, tsaka nakalimutan ko sagutin iyong tanong ng isa kong tinuturuan sa 1st batch(dalawang batch ang tinuruan ko). Natulog naman siya sa akin kaya ayos lang. Hindi ko naman kasalanan na makatulog siya; lima na lang sila tapos natulog pa siya. Tsk tsk... any way. Ayos naman. Kaya lang, babay Sabado na ata ito.

Ano ang nangyari sa aking unang "sweldo"? Pinambili ko nang Havianas para kay Madie! Ang aking birthday at going-away gift para sa kanya. Ayos lang naman na naubos ito kasi madali ko namang mababawi iyong nawala sa susunod ko na sesyon.

------
Parang gusto ko panoorin ang Avenue Q kaya lang wala akong libreng oras. Malapit na matapos ang sem at naiipon na ang mga gawain. Naglalabasan na nga muli ang mga exam eh pero ang pinakaproblema ko lang ngayon ay kung paano ko papalitan ang nawala naming susi ng locker sa micro lab. Kailangan i-interrogate pa si Mang Lab tech kung saan talaga napapa-duplicate ang susi na iyon.

No comments: