Sunday, September 02, 2007

Nawawala na ang aking barbero. Naaasar ako sa gupit ko. Ginawa ba naman akong HS student uli? Tsk tsk... Sumpa ata talagang maging maliit at payat sa mundong ito. At least napigilian ko siya gawing "white-side wall" ang gupit. Kaya lang dahil atat siyang matapos nasagad na niya ang razor sa aking anit kaya ayun, mukha na naman akong kabute: Ahit ang gilid tapos may masa ng buhok sa tuktok. Hmp!

Kunwari na lang new punk ang trip ko. Bala na, buhok lang iyan, tutubo rin. Nakakaasar nga lang dahil ang pangit ng gupit pero babalik pa rin ako doon. As if naman may choice ako; dun lang ang mura sa amin na malapit. Karamihan kasi parlour shop, wala naman akong galit sa mga parlour shop(o sa mga bading) pero ang mahal kasi ng singil nila at hindi ko gusto ang gupit nila. Kasi naman lumayas-layas pa ang dati kong barbero na may fungal infection sa braso(so talagang, napansin ko iyon!)! Hay... lalo akong nagmukhang mataray at parang humababa lalo ang mukha ko.

Pero medyo nag-o-oa lang ako, maayos naman itsura niya kapag mamasa-masa ang buhok ko problema lang hindi ako nag-ge-gel(isang luhong sumisira ng maraming gubat) at lalong hindi ako magpupunta sa CR para basain ang buhok ko oras na matuyo ito(sayang ang tubig!)! Tsaka at least, kakaiba ang gupit ko(mabuti ba iyon?).

No comments: