Saturday, April 05, 2008

Bukas na NMAT. Hindi ko alam kung handa na ba ako. Ang nararamdaman ko ngayon ay parang nararamdaman ko tuwing may long test kami sa Micro.
Parang ganito: Alam ko naman nabasa ko na ang dapat mabasa at may onte pang sobra pero parang kapag tinanong mo ngayon ako wala akong masasagot. Pero alam ko kapag exam na may masasagot na ako. Siguro depende na lang sa mga tanong kung nasasakop ba siya ng alam ko o hindi.
Ang malungkot lang dito ay kadalasan mababa ang nakukuha kong score sa exam sa Micro kapag ganito ang pakiramdam ko. Crap.

No comments: