Saturday, June 28, 2008

Photobucket
Natapos na rin sa wakas ang linggong ito. Tapos na ang Simulaw '08 at kailangan ko na simulan ang pag-re-repress sa mga nangyari. Hindi na uli ako mag-e-emcee sa isang non-formal event, ever! Promise!

-----
Masaya pala magpaka-photojournalist pa minsan-minsan. Hehehe. Kaya lang kulang pa rin ako sa skills. Kinakailangan ko pa kumuha ng sandamakmak na litrato para lang sigurado na may isang matino. Idagdag mo pa na hindi naman ganun kaganda pa ang aking lens at built-in flash lang ang magagamit ko. Kailan at paano kaya ako makakaipon ng 15k para makabili ng bagong lens o ng flash unit?

-----
Nakakaasar na emcee ako ng simulaw. Bukod sa wala akong kwentang emcee, ang ganda ng liwanag nang gabing iyon. Ang daming oportunidad para makakuha ng maganda litrato. Tsk.

-----
May multiply na pala ako. Masasabi ko na mas maganda pa rin si photobucket. Mas mabilis at mas madali mag-upload, mas madali mag-organize at mas mabilis at mas madali mag-download.

No comments: