Saturday, November 17, 2007

Tapos na ang unang linggo ng pangalawang sem pero pakiramdam ko isang buwan na ang nagdaan Gusto ko na ata mag-sem break uli lalo na nang hindi ko naman nasulit ang sem break ko. Hindi tulad ng CAS kung saan hindi nagpapakita ang mga prof at instructor sa unang linggo, sa CPH unang araw lecture agad. Ano ba naman iyan?! At dahil nakita ko na ang mga schedule ng exams, activities at class lectures, na-to-toxic na ako. Idagdag mo pa ang lantern parade at ang sayaw manila. Buhay talaga...

-----
Nasasabik na ako dahil mag-lalaro(nyek! mag-e-eksamin) na kami ng tae. Kaninong tae? Uhm... sa akin. Sana lang wala akong makitang bulate.

No comments: