Wednesday, January 16, 2008

Bumaba raw ang grado ng salamin ko. Hindi na naman iyon mataas sa simula't-simula pa lang. 50 noon at, pagkatapos ng 1 yr, 25 na. Ewan ko kung accurate iyon kasi hindi naman nagamitan ng machine tulad noong diagnosis sa akin last year. Sana nga totoo at parang totoo kasi hindi na ako masyado nagkaka-sakit sa ulo dahil sa mata kahit buong araw ko hindi suot salamin ko at nag-aaral pa para sa mga exam.

Paano ba yan? Mababawasan na ang taray at katakot powers ko kung bumalik pa sa normal ang mata ko. Tutal hindi naman talaga dapat ako nagsasalamin kasi napakaburara kong nilalang.

No comments: