Saturday, April 26, 2008

Na-feature kahapon sa Bandila ang Schistosomiasis aka sisto. Ewan ko kung bakit parang super big deal ang labas ng sakit na ito sa feature nila(pero big deal nga talaga siya). Nakakaasar kasi ang posible naman gamutin ang sakit na ito at sobrang dali lang kapag na diagnose nang maaga. Ano ba ang ginagawa ng mga opisyal sa lugar na fineature nila? At ano na naman ang ginagawa ng DOH? Sobrang dami ang nagma-manifest ng chronic symptoms(iyong mga lumalabas kapag hindi nagagamot agad) ng sakit.

Nakakaaliw naman dahil ang katulong namin ay alam ang sakit na ito pati na ang mga suso ang may kasalanan(syempre may parasite rin pero kung walang suso wala sila). Isa ito sigurong ebidensya na kahit papaano noong panahon ng kabataan niya ay buhay ang health education tungkol sa sisto sa lugar nila. Sana hanggang ngayon buhay pa rin pero oras na rin na gumawa na nga paraan para buwagin ang sakit na ito sa balat ng Pilipinas.

----
May nabasa akong editorial sa Philstar tungkol sa Population control at kung paano niloloko ng mga Pro-control groups ang mga tao. Hah! BS dude! Ang problema naman sa iyo pakiramdam mo sa Pilipinas kapag dumami tao dumadami rin ang nagtratrabaho at dumadami ang gumagawa ng at nagagawa na pagkain. Sino niloko mo dude? Tsaka ang mga binanggit mo pala na teorya ay hindi maganda i-apply sa Pilipinas at ibang 3rd world countries. At huli na, tanga ang Simbahan kung iniisip nila na masama matuto ang tao ng mga paraan para maalagaan nila ang kanilang katawan, buhay at pamilya(ie complete sex and family planning education).

No comments: