Sunday, August 12, 2007

That's it! I've wasted my youth(well, a good part of it).

Meet Eva Vartes. It's a bit long a little less than 20 minutes but I promise you will learn something. She could have done a better job(she keeps walking and saying um... and pausing and um...) but it's good enough to get the message across. Take note, she's only 17 in that video. I'm 18! What have I done with my life? Nothing! Nothing!

I blame the lack of opportunities here in the Philippines and my laziness and lack of initiative. But really, I shouldn't be too hard on myself since science is not about how young you start(or how long you've been working), it's not even about the greatest discoveries, it's on how good(reliable, repeatable, unbiased) your work is, even though you end up having proven the null hypothesis(no correlation). Still, I wish I had done/experienced some real research.

------
Napanood ko kahapon iyong pelikulang Batad. Hindi ko natapos kasi may kailangan pa akong gawin pero gusto ko ang napanood ko. Sayang talaga at hindi ko natapos. Nakakaaliw pa naman. Uulitin naman siguro iyon sa Channel 5 o kapag swinerte, magkaka-commercial release pa(pirata kaya meron?).

Maganda ang isyu na tinalakay ng pelikula. Isa na ang Tradisyon o Pag-asenso? Ano nga ba ang dapat mangyari sa mga IP(tulad ng mga nakatira sa Batad, hindi ko alam kung Ifugao, Ibaloy o Kankanay sila eh) group sa Pilipinas? Hindi ba't dapat makapag-aral sila? Pero paano na ang kanilang mga tradisyon at kultura? Hindi ba't maaaring mawala ito lalo na't kung lahat sila ay titigil na sa kanilang tradisyonal na pamumuhay? Sa kaso nila, paano na ang mga rice terraces? Magagaya na ba sila sa Native Americans, magiging karaniwang tao o mananatiling nakaugat sa kanilang tradisyon? Pero, sino nga naman ang nagsabi na dapat mawala ang tradisyon kapag umasenso. Magulong usapan... hindi kasya sa post na ito. Kailangang mag-isip.

Pero tungkol talaga ito sa sapatos. Hindi! Seryoso! Kailangan ko makita ang huling bahagi, makahanap nga ng pirata... joke! ng legal na kopya.

No comments: