Ang ganda ng kantang Wag Ka Na Umiyak ng Sugarfree(well, the best pa rin ang Mariposa) at maganda rin ang music video pero may panira sa dulo. Smoking! Ano ba? Smoking? Paninigarilyo ba ang solusyon sa mga problema sa buhay? Tsk. Sinisisi ko ang direktor, marami namang pwedeng ibigay sa isang nalulungkot(kung ako tatanungin mas ok sa akin ang chocolate) pero bakit kailangan sigarilyo? Bakit kaya pumayag ang banda na ilagay ito? Siguro naninigarilyo sila pero kailangan ba nila ipalandakan at ipilit sa kanilang mga tagakinig(at taganood) na ayos lang ang manigarilyo lalo na kung ikaw ay nalulungkot? Siguro OA lang ako at ang pagbigay ng sigarilyo at isang paraan ng direktor ipakita ang pagusbong ng pagkakaibigan ng dalawang tauhan sa video PERO sana naman pinagiisipan ng mga bandang ito ang mga bagay na idinidikit sa kanilang pangalan. Para tuloy silang Foo Fighters, mga itinatanggi na HIV virus ang sanhi ng sakit na AIDS at sinuportahan pa ang isang may pagkabaliw(hindi naman siya baliw, matino naman ang kanyang isip) na babae at ang kanyang organisasyon. Ang yayabang pa nilang magkalat ng mga impormasyong hindi naman nila naiintindihan ni kaunti.
Balik sa paninigarilyo, kapansin-pansin na maraming palabas ang nagpapakita ng paninigarilyo pero hindi naman ang galit sa lahat ng mga iyon (minsan kailangan talaga na naninigarilyo ang isang tauhan) medyo galit lang pero may iilan na tama ang paggamit ng paninigarilyo at sa sugarfree video, pakiramdam ko mali talaga.
Naalala ko tuloy nung nakita kong ginagawang smoking area ang aming nirerenovate na student's lounge ng mga trabahador! Aba! Ano pakiramdam nila nasa Pilipinas sila? Bawal kaya manigarilyo sa campus; napaka-big deal kaya niyon kasi Health Science center ang aming unibersidad tapos binabastos-bastos mo lang! Kaya lang, ako naman tanga, hindi nagsumbong. Tsk tsk. Sa susunod talaga... At naalala ko tuloy iyong mga guwardiya ng MRT na naninigarilyo sa MRT station tapos nasa likod nila isang napakalaking sign na nagsasabing BAWAL MANIGARILYO SA LOOB NG TREN O ISTASYON. Sayang hindi ko nakuhanan ng litrato.
No comments:
Post a Comment