It's getting crazy in here. Our class schedules all jumbled up. I feel that this semester will be made one week longer. It's not that bad but it's weird when there comes a time(usually early to mid-October) the only students that seem to be stressing out in Manila are the students from UPM. On the plus side, our test for Anatomy and Physiology was postponed. Unfortunately, they're all dumped into next week. So for next week, Tuesday will be for Micro and Biostat, Wednesday for Anatomy and Thursday for Physiology, Friday will be free but we have a scheduled dance for that date. Ugh... And I have test tomorrow.
Tests... I seem to be talking about tests all of the time right now. Sorry. I have very few adventures(as if I have adventures...) these days since ALL of my time is spent on studying or taking a break(usually reading something else or sleeping or eating) from studying. No time to go outside then again I rarely do go out. I prefer the comfort of our couch from the thrills of the outdoors(urban or real). Heh!
-------
Sino kaya nakaisip na i-suspend ang classes ngayong araw na ito. Ang liwa-liwanag nga sa amin at wala pang baha. Tutal, hindi ko naman dapat gamitin na basehan ang aming lugar para gumawa ng mga konklusyon tungol sa panahon at kalagayan sa ibang bahagi ng NCR kasi kadalasan ay naliligtas ang lugar namin sa mga bagyo at baha. Matagal-tagal na nga nang huling nagka-blackout sa amin dahil sa bagyo o malakas na ulan. At hindi ko pa nararanasan na lumangoy sa baha o maglipat ng gamit dahil pinasok na kami ng baha(Kaya siguro ayaw ko lumipat ng bahay o kaya tumira sa Maynila, ew... baha... yuck!).
-------
Epal talaga ang mga politiko sinisisi ba naman ang PAG-ASA(meteorology center, hindi ang abstract na object o iyong ibong namatay na). Kailangan ba nila talaga ng gabay mula sa PAG-ASA para sa lahat ng gagawin nila? Helo! At hindi nila kailangan maging tama palagi! Hindi sila Diyos! Hindi sila Kalikasan! Hindi nila kaya utusan ang mga bagyo na lumitaw bigla! Kaya lang nila ay gumawa ng "educated guess." At least, sinabi nila(mga politiko) na baka kailangan nang palitan ng PAG-ASA ang kanilang mga gamit. Ewan ko kung kailangan nila, baka hindi, wala kasi akong balita tungkol sa kalagayan ng mga gamit sa PAG-ASA(pero pakiramdam ko medyo naghihirap na rin sila). Parang ewan nga lang sila kasi ininsulto muna nila ang mga taong nagtratrabaho sa PAG-ASA tapos tsaka sinabi na baka ang equipment ang may kasalanan.
------
Ang racist talaga ng mga Pilipino. Tignan niyo na lang ang mga jokes ng Pinoy(iyong mga tipong may Pilipino, may Hapon at may Amerikano...). Iyon nga lang jokes lang iyon. Kaya lang parang pag ininsulto ang lahing Pilipino ang bilis natin magalit(joke man o seryoso tulad ng ginawa noon ni Jay Leno). Ano ba talaga? Huwag nga gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo eh.
No comments:
Post a Comment